A Girl In My Dream

5 3 0
                                    

HIS POV:

It started months ago. May imahe ng magandang babae na lumalabas sa panaginip ko. Hindi ko siya kilala. Hindi ko pa siya nakikita sa tanang buhay ko. Akala ko nung una ay random na panaginip lang iyon, pero naulit nang naulit.

Nakakapag-usap kami tungkol sa mga bagay na nangyayari sa araw-araw naming buhay. Nakikinig ako palagi sa mga rants at vent out niya. Dahil sa kaniya ay lagi na akong tulog. Gusto ko siyang nakikita palagi.

“How was your day?” tanong ko sa kaniya.

Nasa tambayan kami. Ito palagi ang lugar na nakikita ko sa tuwing magkasama kami. Dito kami nag-uusap, nagkukwentuhan.

“Okay lang naman. Nag-overtime sa work dahil may tinapos pa ako,” sagot niya.

Ang ganda niya talaga. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya. Hindi ko siya nakita sa ilang taong nabubuhay ako. Pero sa panaginip ko ay nandoon siya. Doon lang ba talaga siya nag-e-exist?

I wonder why this is happening. Anong itsura ko ba ang nakikita niya? Sa panaginip ko ba ay magkalapit lang ang edad naming dalawa? Masaya siya sa tuwing nagkakausap kami. Gano’n din naman ako. Pero alam kong mali ito. Hindi pwedeng magpatuloy. Kaya naman sinikap kong hindi makatulog ng ilang araw o gabi.

“Dad, come on! Hindi makabubuti sa ’yo ang ginagawa mo. You didn’t sleep again, nakita sa cctv,” sabi ng anak ko.

In real world I have two daughters. Parehas na silang graduate ng college. Siguro ay ka-edad na nila ang babaeng nakikita ko sa panaginip ko.

Kaya nagtataka ako kung anong itsura ko ba ang nakikita ng babae sa panaginip ko. Siguro ay ang itsura noong kabataan ko. ’Yung itim na itim ang aking buhok at makapal. Makinis at maputi ang aking balat. Sa panaginip ko ay mas matangkad pa rin ako sa babaeng iyon. Gano’n nga siguro ang nakikita niya, ang binatang ako.

“Ayaw kong matulog,” iyon na lang ang naging sagot ko sa anak kong panganay.

Napatingin ako sa harapan. Ilang araw na akong gising. May gamot akong iniinom para hindi ako makatulog. Pero nang malaman iyon ng mga anak ko ay tinapon nila ang gamot.

Hindi ako pwedeng matulog. Dahil kapag natulog ako, makikita ko ulit ang babaeng iyon. Hindi ko siya kilala. Hindi ko alam ang pangalan niya. Sa tuwing susubukan kong alamin kung sino siya, bigla akong nagigising.

Matagal nang wala ang asawa ko. Hindi na ako muling umibig pa sa iba. Pero ngayon, kakaiba ang nararamdaman ko sa babaeng nasa panaginip ko. Hindi kami pwede. Iyon ang itinatak ko sa isip ko.

“Gusto kong magpinta,” nasabi ko na lang nang muling bumisita ang anak ko.

Pinagbigyan niya ang gusto ko. Nagdala siya ng mga kailangan ko. Nilibang ko ang sarili ko nang araw na iyon sa pagpipinta. Ang babaeng nakikita ko sa panaginip ko ang ipininta ko.

Nakasuot ng itim na dress. Nakapatong ang putol na blazzer. Nakatalikod ito at ang mahabang buhok ay nakaipit. Ang dalawang kamay ay nakalagay sa likod. Gusto kong ipinta na nakaharap siya, pero sa sobrang perpekto ng mukha niya ay baka hindi ko rin mabigyan ng hustisya.

“Who’s this, Dad?” tanong ng bunsong anak ko.

Tiningnan ko ang pininta ko. Pinalagay ko iyon sa pader ng Ospital kung nasaan ako ngayon. Kapag nakahiga ako ay nakikita ko pa rin ang pininta ko. Napapangiti ako sa tuwing maaalala ko ang mga naganap sa amin sa panaginip ko.

Nakakamiss pala. Namimiss ko ang mga kwento niya. Gusto ko ulit marinig ang boses niya.

“She’s the girl in my dream. Noong mga panahong lagi akong natutulog, siya ang nakikita ko sa panaginip ko. Weird isn’t it? I don’t know her but she keeps on appearing in my dream.”

Nakatitig sa akin ang anak ko. Tipid siyang ngumiti.

“Hindi mo alam ang pangalan niya, Dad? We can find her if you want. Basta malaman mo ang pangalan niya,” sabi niya naman.

Agad akong umiling. Sigurado akong hindi matatanggap ng babaeng iyon ang itsura ko ngayon. Ibang-iba sa lalaking nakikita niya. Kung nananaginip din siya katulad ng sa akin, madidissappoint talaga siya.

My hair turns white. Kulubot na ang makinis kong balat. Bahagya na rin akong nakuba at medyo nadagdagan ang timbang. Ibang-iba sa itsura ko noong kabataan ko.

“She’s young. Kasing edad siguro ng ate mo. Para ko na siyang anak kung sakali man na makita natin siya sa personal. At hindi rin naman ako sigurado kung totoong nag-e-exist siya. O kung parehas ba kaming nananaginip sa isa’t-isa,” sagot ko sa anak ko.

Kaya nagpasya akong matulog na ulit nang araw na iyon. Sa panaginip ko ay iniwan ko ang isang papel kung nasaan ang pangalan ko. Kung totoo mang nabubuhay rin siya sa mundong ito, mahahanap niya kaya ako?

Ilang araw muli ay hindi ako natulog. Hanggang sa hindi ko na talaga kinaya. Muli ay natulog ako at nakita ko siya. Inamin ko sa kaniya ang nararamdaman ko. Grabe ang iyak niya. Sumasakit ang puso ko kapag nakikita siyang umiiyak.

“I exists. Hahanapin kita. Just give me your address or contacts, please.”

Mapilit talaga siya. I need to let her go pero ayaw niyang bumitaw. I felt a little strange in my body. Weird because I know I’m in a dream right now.

“What’s your name?” I asked her.

Kung magising man ako ngayon, hahanapin ko siya sa oras na malaman ko ang buong pangalan niya. I don’t care if she didn’t know me in person. I don’t care if we have huge age gap. I don’t care if she’s too young for me.

Her sobs makes my heart hurt.

“Ashley Wildros. Twenty seven years old. Assistant Manager at Fuego Hotel. Find me, please. I want to see you.”

Habol ko ang hininga ko nang magising. Maraming tao sa paligid ko. May doktor at mga nurse. May kirot akong nararamdaman sa dibdib ko.

“Miracle! He’s still alive!” sabi ng doktor.

Nanghihina pa ako. May kaunting kirot pa sa dibdib ko. I don’t know what happened. Pero sa nakikita ko ngayon, muntik na yata akong bawian ng buhay.

Ashley Wildros. I need to find her. I want to find her.

“Dad!” umiiyak na tawag ng panganay ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Sunod na lumapit ang bunso ko at humagulgol din ng iyak sa akin.

“You almost leave us. Dad, please if you really want to see that girl in your dream, huwag naman sa gano’ng paraan. Muntik ka nang hindi magising. Do you really wanna be with her in your dream? Paano kami?” umiiyak pa ring sambit ng panganay ko.

I tap their head. Hindi ko alam na gano’n ang nangyari. Kaya pala nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko kanina. Doctor tried to save me.

“Go to Fuego Hotel and find Ashley Wildros. She’s the girl in my dream. Find her for me.”

Agad namang tumango ang anak ko. Nakahinga ako nang maluwag. Ipinikit ko ang mga mata ko hindi para matulog. Masyado akong nanghihina ngayon at kailangan ko ng pahinga.

Days went by fast. Nakalabas na ako ng Ospital. Papunta ako ngayon sa Fuego Hotel. Nandito siya. Nandito ang babae sa panaginip ko.

“Good morning, Sir. You have reservation?” tanong ng receptionist sa akin.

Agad akong umiling. “Magtatanong lang ako. Assistant Manager ba si Ashley Wildros dito?” tanong ko.

Tumango naman ito sa akin. Nabuhayan ako sa naging sagot niyang iyon.

“She was Assistant Manager, Sir. Kalilibing lang po niya two days ago. Naaksidente po kasi siya, hit and run po.”

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon