White Dress

8 3 0
                                    

She loves wearing a dress. That’s her style. Nakilala ko siya sa pagiging mahilig magsuot ng mga dress and any tops na sexy. Sobrang ganda naman kasi ng katawan niya. Kahit yata anong ipasuot sa kaniya ay babagay.

Right now she’s wearing a white dress. May binyagan kasi kaming pupuntahan. Naimbitahan siya na maging ninang nung isang kaibigan namin.

“Babe, I love this dress. Sobrang ganda sa akin,” sabi niya habang umiikot-ikot pa at tuwang-tuwa sa dress na suot.

Indeed the dress is really pretty. Mas lalong gumanda iyon dahil suot niya. Nakakatuwang panoorin siya ngayon. Sobrang ganda ng girlfriend ko.

I went to her and snakes my arm around her waist. She stop moving and look at me with a smile on her lips.

“Wear it to our wedding day, then,” I whispered.

Bumakas ang gulat sa mukha niya. Agad naman iyon na napalitan ng mas malawak pang ngiti at saka niya ako niyakap. Masuyo ko rin siyang ginantihan ng yakap.

I’m sure she’s the one for me. Handa akong pakasalan na siya. I’m just waiting for the right time to propose. Ayaw kong i-pressure siya, baka hindi pa kasi siya handa. But the wide smile in her face earlier when I told her to wear the dress in our wedding day, damn, I know she wants to marry me, too.

“Huy! Ang aga naman ng couple na ’to,” sabi ni Aleah, ang may anak na bibinyagan.

Bahagya namang natawa si Sia. My hand automatically went to her waist. Bumaling lang siya sa akin, agad ding binalik kay Aleah ang atensyon.

Nag-usap muna silang dalawa. Ako naman ay tinawag ni Terrence, ang ama ng bibinyagan. Nagkwentuhan muna habang hinihintay pa ang ibang ninong at ninang. Wala pa ang Pari, masyado nga siguro kaming napaaga ni Sia.

“Start na,” sabi ni Sia nang makaupo sa tabi ko.

Nagmisa pa saglit bago inumpisahan ang pagbinyag. Si Sia lang naman ang magiging ninang kaya naiwan na ako rito sa pwesto namin. Pinanonood ko lang siya sa harapan. Ang ganda ng girlfriend ko.

Nangingibabaw ang ganda niya sa lahat ng mga ninang na nandoon. Bagay na bagay nga sa kaniya ang white dress na suot niya ngayon. Hanggang binti ang haba no’n at fitted sa bandang baywang at tiyan niya. Kitang-kita pa rin ang kurba ng katawan niya.

“Babe, look! She likes me!” tuwang-tuwang sabi niya.

Lumapit siya sa akin habang dala niya ang baby na inaanak niya na ngayon. Tapos na ang binyag. Tuwang-tuwa ngayon ang girlfriend ko habang buhat niya si baby Ayesha.

Bagay na bagay palang maging Mommy ang girlfriend ko. What if bigyan ko na siya ng magiging anak namin? After marriage, of course.

“It suits you, babe. Bagay na sa ’yo magbuhat ng baby,” nakangiting sabi ko sa kaniya.

Tumingin siya sa akin pero agad ding iniwas iyon. Namumula ang girlfriend ko.

“Bigyan mo na kasi, Jon. Bagay na pala, e,” pang-aasar naman sa amin ni Aleah.

Nangiti na lang ako. Namumula lalo ang girlfriend ko dahil mas lalo siyang inasar ng mga kasama namin ngayon. Mga kaibigan halos namin ang mga naging ninong at ninang.

Hanggang sa reception ay hindi niya tinigilan ang pagbuhat kay baby Ayesha. Tuwang-tuwa talaga siya. Mahilig kasi siya sa bata talaga. Kapag may nakikitang bata kahit saan, ngingitian niya at kakawayan pa. Kapag baby, nilalaro niya pa.

“Sia, kumain muna kayo. Kunin ko muna si Ayesha,” sabi ni Aleah.

Kinuha na nga nito ang anak. Inalalayan ko naman si Sia na makaupo. May pagkain naman na kami, nakakuha na ako kanina. Busy na sila Aleah sa ibang bisita.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon