Madaling araw na akong nakauwi galing trabaho. Mas madalas pa ngang ganito ang uwi ko kaysa sa normal kong uwi. Palagi kasi kaming nag-o-overtime.
Tulog na sila Mama. Patay na rin ang lahat ng ilaw kaya tanging flashlight mula sa phone ko ang gamit ko. Pagod na pagod ako at gusto ko nang matulog. Saglit na naupo muna ako sa sofa. Papahinga ko lang saglit ang aking mga paa.
Isinandal ko rin ang aking likod. Nakaramdam ako ng kaunting ginhawa. Ipinikit ko ang mga mata ko. Inaantok na ako.
Akala ko ay makakatulog ako rito sa sofa pero hindi pala. Nakarinig ako ng yapak, pababa ito sa hagdan. Hindi ko na sana papansinin pero mas lalong lumakas ang yapak na iyon. Tunog ng tisinelas na parang bakya ang porma. Ang tsinelas na sa Baguio pa nabibili. Sa lakas ng yapak na naririnig ko ay hindi na ako tuluyang nakatulog pa.
“Oh? Puyat ka ba?” tanong ng kaibigan ko.
Kararating ko lang ulit sa trabaho. Ilang araw na akong hindi nakakatulog nang maayos dahil sa yapak na iyon. Ilang beses kong naririnig. Hindi ako pinatatahimik.
“Oo, lagi naman kasi tayong overtime, wala akong sapat na tulog.”
Nilapag ko na ang bag ko sa aking gilid. Binuksan ko ang aking laptop para makapagsimula na akong magtrabaho. Tinuon ko na ang atensyon ko sa aking trabaho para na rin mawala ang antok na nararamdaman ko.
Naalis lamang ang tingin ko sa aking laptop nang tumunog ang phone ko. Isang text mula kay Mama ang nakita ko.
Mama:
Maaga ka bang uuwi ngayon o madaling araw pa rin? 4th anniversary ng kapatid mo ngayon. Pumunta tayo sa puntod niya.
Hindi ako nagreply. Muli kong binalik sa aking laptop ang atensyon ko. Aksidente kong napindot ang laptop ko kaya nabalik iyon sa bungad, sa wallpaper ko.
I saw my little brother’s picture. He’s smiling in that picture. Memories pops up in my head. No, I didn’t kill him. That’s his fault. He killed himself.
4 years na pala ang nakalipas. Apat na taon na pero hindi pa rin niya ako tinitigilan. I love him so much. I can’t afford to lose him.
“Hindi ako sasama, Ma. Sa susunod na araw na lang ako pupunta,” sabi ko kay Mama nang makauwi ako at maabutan ko silang paalis na.
Taka niya naman akong tiningnan pero sa huli ay tumango na lang. Naglakad na ako papasok sa kwarto ko. Nahiga sa kama at natulala na lang sa ceiling.
He’s just 5 years old when he died. I didn’t mean to push him in the stairs. I didn’t mean to kill him.
Narinig ko na naman ang bawat yapak. Ilang taon na akong nakakarinig nito. Ang yapak ng kapatid kong namatay dahil sa pagkakahulog sa hagdan at pagkabagok ng ulo sa sahig.
His body is nowhere to be found. Ang pinuntahan nila Mama na puntod niya ay hindi si Theo ang laman. Pinalabas kong nawala si Theo. Umasa silang buhay pa ito noon pero may balitang may namatay raw na bata na nahulog sa bangin at hindi na makilala ang mukha dahil sa tagal na hindi nakuha ang bangkay. Inakala nilang si Theo iyon, kaya iyon ang ipinalibing nila.
I love Theo so much. Hindi ko sinadyang ilaglag siya sa hagdan. Naglalaro lang kami noon at sobrang kulit niya kaya siya nalaglag. Kami lang ang tao rito sa bahay noong mangyari iyon. Kaya naman itinago ko ang bangkay niya sa ilalim ng kwarto ko. May isang maliit na lagusan sa ilalim ng kwarto ko na matagal ko nang ni-lock. Nandoon ang bangkay ng kapatid ko.
I don’t want him to leave me. Gusto ko kasama ko pa rin siya kaya ko nagawa ito. Ilang taon ko nang itinatago ang bangkay niya. Walang nakakaalam, ako lang.
Ako lang ang nakakaalam sa nangyari, at sa pagtatago ko ng nangangamoy niyang bangkay sa ilalim ng kwarto ko. Ako lang din ang nakakarinig ng bawat yapak niya. Madalas ko rin siyang mapanaginipan.
“Ate, let me go...”
Iyon palagi ang kaniyang sinasabi. Kaya palagi rin akong umiiyak. Hindi ko siya kayang i-let go. Gusto ko kasama ko lang siya. Mahal na mahal ko ang kapatid ko, hindi ko siya kayang bitawan. Dito lang siya sa akin. Hangga’t buhay ako, kasama ko dapat siya. Hindi niya ako pwedeng iwan.
“Kay Ate ka lang, bunso. Hindi mo iiwan si Ate...”
Nakangisi ako habang hinahaplos ang bangkay niya. Gano’n pa rin ang itsura niya, hindi siya naaagnas pero umaamoy na siya. Ginagamitan ko ng gamot para manatili ang gano’ng katawan niya.
“Love mo si Ate ’di ba? Hindi mo ako iiwan, bunso. Dito ka lang sa akin.”
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short Story©All Rights Reserved COLLECTION Started: September 2, 2024 Ended: Collection of my one shot stories. Photo in book cover is mine and captured by me. ^^ Romance ✔️ Tragic ✔️ Horror ✔️ Open ending story ✔️ Teen Fiction ✔️ Mystery Thriller ✔️