Lumaki ako sa isang pamilya na kapag nagsabi ka ng saloobin mo, bastos ka. Kapag sumagot ka sa kanila, wala kang galang. Kaya takot akong magsabi ng problema ko. Na kahit na pinagkakatiwalaan ko ng sobra ang isang tao ay hindi ako nagsasabi ng saloobin ko. Sinasarili ko lang. Kapag hindi ko na kinaya, umiiyak lang ako. Pagkatapos umiyak, laban na ulit. Gano’n lang palagi.
Ilang taon ko nang ginagawa iyon. I’m twenty four years old. At ni minsan hindi talaga ako nagsabi ng problema o pinagdaraanan ko. If they ask me, sumasagot ako, pero hindi mismong sagot na malalaman nila ang problema o pinagdaraanan ko.
I always say “okay lang ako” o hindi kaya ay “wala lang naman. Hindi ko na lang masyadong iniisip ’yon” sa tuwing tatanungin ako kung may problema ba ako.
“Gia, curious lang ako. Bakit kayo nagbreak ni Shan?” tanong ni Kitty, katrabaho ko.
Break time namin ngayon. Gutom na nga ako kaya sunud-sunod ang subo ko. Kanina pa dapat kami break time, nag-ot lang dahil sa rami ng kailangang gawin. Muntik na akong malipasan ng gutom.
Uminom ako sa bottled water ko bago sinagot ang tanong ni Kitty. Dalawang buwan pa lang kaming break ni Shan. Masakit pa rin sa part ko ang naging hiwalayan namin, pero umuusad na ako. Nagmomove on na ako.
“Hindi nagwork ang relationship. Mas okay nang itigil na lang kaysa ipilit pa at masaktan lalo,” sagot ko naman.
Muli ay binalik ko na ang atensyon sa pagkain ko. Sumubo ulit ako at nagsunud-sunod na naman iyon. Gutom na nga, adobo pa ang ulam. Lalakas talaga ang kain ko nito. Mabibitin pa yata ako sa kanin na baon ko.
“Nagcheat ba?” tanong pa niya.
Agad akong umiling. May laman ang bibig kaya hindi agad nakasagot. Naghihintay naman si Kitty sa sasabihin ko, nakatingin siya sa akin habang umiinom ulit ako.
“No. He didn’t cheat...but he made me feel unworthy. He didn’t cheat, but he made me feel unloved. Kaya mas okay na ring tinigil namin,” sagot ko.
Napaawang ang bibig niya at hindi agad nakasagot. Bahagya na lang akong natawa sa naging reaksyon niya.
I remember my days with Shan. Noong una okay naman kami. Maayos naman ang relasyon naming dalawa. Pero sa una lang pala talaga masaya. Parte ng relasyon ang away at tampuhan, pero parte pa rin ba na laging ang babae ang sumusuyo at umaayos ng away?
“Babe, sorry na. Hindi ko naman kasi alam na nakukulitan ka na,” sabi ko kay Shan na tahimik na nakatutok sa phone niya.
Hindi niya ako pinansin. Kanina pa siya walang kibo. Magkasama kaming dalawa pero parang hangin lang ako sa kaniya. Nakulitan siya sa akin sa katatanong ko. I am just curious kaya tanong ako nang tanong. Ayaw niya ng gano’n.
Kaya ngayon ay nagsosorry ako sa kaniya. Ayaw kong matapos ang araw na ’to na hindi kami maayos. Ilang beses na kaming nagkaroon ng tampuhan at away, gusto ko inaayos agad at hindi na pinapalipas ang araw na may tampuhan kami o away.
“Uwi na muna ako,” sabi niya matapos ang ilang minuto.
I sighed. Ayaw niya pa ring makipagbati. Wala akong nagawa nang umuwi nga siya. Nalungkot ako at nawala sa mood.
Hinintay kong magtext siya o chat sa akin kung nakauwi na siya. Wala man lang message kahit isa. Inabot ng nine PM pero wala akong natanggap talaga. He always like that. Kapag may away, hindi siya nagpaparamdam sa akin. Nag-aalala ako sa kaniya, pero siya ay parang walang pakielam sa nararamdaman ko.
“Good morning, babe. Nakatulog na ako agad kagabi, hindi pa nakapagdinner,” bungad niya sa akin.
Paano niya nagagawang matulog nang mahimbing habang ang girlfriend niya isip nang isip sa sitwasyon at away na hindi naayos?
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short Story©All Rights Reserved COLLECTION Started: September 2, 2024 Ended: Collection of my one shot stories. Photo in book cover is mine and captured by me. ^^ Romance ✔️ Tragic ✔️ Horror ✔️ Open ending story ✔️ Teen Fiction ✔️ Mystery Thriller ✔️