I love seeing clouds. I love seeing sky in different colors. Nakakatuwa ang mga ulap na nag-iiba iba ng hugis, na minsan nakakaisip pa ng kung anong imahe mula sa mga ulap.
Kagaya ngayon. May isang nakabukod na ulap. Kung iisiping mabuti, para itong pusa kung lalagyan ng disenyo. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan iyon ng litrato. Mamaya ay i-e-edit ko ito at lalagyan ng design na parang pusa.
“Yumi, tara na. Ang init init nandiyan ka pa talaga sa gitna,” aya ni Sammy.
Tiniis ko ang init makuhanan lang ng litrato ang ulap. Ang ganda kasi talaga. Mamaya niyan aabangan ko ang pag-iiba ng kulay ng langit. Mahilig kasi talaga ako sa sceneries. Puro sunsets, clouds, sky, and moon ang nasa phone ko. May kani-kaniyang album sila sa gallery ko.
Tumakbo ako palapit kay Sammy. Agad naman siyang umangkala sa akin. Papasok na kami para sa afternoon class namin. Katatapos lang ng lunch namin, at mamaya ay may one hour vacant pa, tapos uuwi na.
“Give me a sign,” bigla ay sabi niya.
Taka naman akong napabaling sa kaniya. Nakatingin lang siya sa harapan habang naglalakad kami ngayon.
“Kapag bumigat ang ulap at bumuhos ang ulan,” sagot ko naman.
Tirik na tirik ang araw ngayon. Imposibleng uulan ngayong araw. Anong sign ba kasi ang gusto niya? Para saan ang sign na iyon?
Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Malabo na talaga. Grabe ang init ng panahon ngayon, e,” sabi niya.
Nakapasok na kami sa room pero nagtataka pa rin ako sa sinabi niya. Para saan ba kasi ang sign na hiningi niya?
“Good afternoon, eleven Rizal,” bati sa amin ni Ma’am.
Agad naman akong tumayo kasabay ng mga kaklase ko. Binati rin namin ang teacher namin ngayon sa Araling Panlipunan. Nakakaantok pa naman ang subject na ’to. Mas gusto ko pa ang Math or Science kaysa sa subject na ’to.
Kaya naman nang magsimula na si Ma’am, sa una ay nakikinig ako. Pero sa huli ay mas pinili ko na lang na gumawa ng tula. Ang pamagat nito ay ULAP. Hindi ko nga namalayan na ang haba na pala ng naisulat ko. Sa sobrang bored ko nakabuo pa ako ng ganito.
“Yumi, nakikinig ka ba?” tanong ni Ma’am sa akin.
Napatingin pa ang ilang kaklase ko sa akin. Tumango lang ako bilang sagot. Nakakahiya. Sana ay hindi ako pagalitan
ni Ma’am.Dininig yata ang munting hiling ko. Hindi nga ako napagalitan. Sinara ko na ang notebook ko kung saan nandoon ang sinulat kong tula. Nakinig na talaga ako kay Ma’am, baka kasi matawag na naman ako.
“Class, may contest para sa tula. Dito muna sa school gaganapin iyon, then kung sinong mananalo rito, ilalaban naman sa ibang school,” sabi ni Ma’am.
Katatapos lang ng klase. Dumating naman ang adviser namin para ibalita ang tungkol sa tula. Kagagawa ko nga lang no’n.
“May premyo po, Ma’am?” tanong ng isang kaklase ko.
Tumango naman si Ma’am. “Meron. Trophy sa first place, medal sa second place, at certificate naman sa third place,” sagot ni Ma’am.
Hindi naman lahat ng tao ay kayang gumawa ng tula o kwento. Mahirap mag-isip ng mga piyesang ilalagay ro’n. Hindi gano’n kadaling bumuo ng mga salita. Ako, nagsusulat lang ako ng tula kapag bored ako. Pero wala akong hilig na sumali sa mga contest tulad nito. Wala nga yatang nakakaalam na marunong akong gumawa ng tula.
“May cash prize rin,” dagdag pa ni Ma’am kaya naghiyawan ang mga kaklase ko.
“Sali ako, Ma’am!” sabi ng ilan sa kanila.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short Story©All Rights Reserved COLLECTION Started: September 2, 2024 Ended: Collection of my one shot stories. Photo in book cover is mine and captured by me. ^^ Romance ✔️ Tragic ✔️ Horror ✔️ Open ending story ✔️ Teen Fiction ✔️ Mystery Thriller ✔️