.Mahilig akong magpinta. Isa iyon sa namana ko kay Mommy. Sa pagpipinta ko dinadaan lahat ng gusto kong sabihin pero hindi ko magawa.
“Beh, bakit hindi mo na lang kasi ibenta ang ibang paintings mo? Sobrang ganda kaya!” si Maggy.
Nandito siya para tumambay at manggulo sa akin. Nagpipinta ako ngayon at nandito nga siya para manggulo. Paano ako makakapagfocus nito kung may maingay akong kasama?
Sunset ang pinipinta ko. Hilig kasi ng boyfriend ko ’to. And his birthday is coming, kaya ito ang naisip kong iregalo sa kaniya. Sana lang ay magustuhan niya ito. Medyo malaki nga ang gagawin ko, nakita ko kasing may malaking space pa sa pader ng kwarto niya. Magandang ipwesto ito ro’n.
“Walang bibili niyan. Ang pangit ng mga gawa ko,” sagot ko.
Ilang oras ko nang pinipinta ang sunset na ’to. Puro pintura na nga ang kamay ko, ang iba ay natuyo na rin sa damit na suot ko. Masyado na ring makalat dito sa kwarto. Anong oras pa bago ko malinis ang mga ito.
“Luka! Ang gaganda ng mga gawa mo. For sure kapag pinost mo ’to, baka mag offer pa sila ng ten thousand pinakamababa,” sabi niya pa.
Bumuntong hininga ako at tinigil saglit ang pagpipinta. Ang ingay ni Maggy. Hindi ako makapagfocus. Kapag ako namali rito, siya pag-uulitin ko nito.
Bukas na kasi ’to kailangan, kaya nga pinagtutuunan ko at binibigyan ng oras para matapos ko rin agad ngayon. Maggagabi na, hindi pa rin ako tapos.
“Alam mo, mas mabuti pang umuwi ka na lang. Hindi ko matatapos ’tong regalo ko kay Drake, e. Hindi ako makapagfocus,” reklamo ko na.
Naupo siya sa tabi ko. Tiningnan niya ang sunset na painting ko. Ang kaninang maingay na kaibigan ko ay tumahimik ngayon at nakatitig na sa painting ko.
Maggy is my best friend. Ilang taon na kaming magkaibigan. Lahat ng tungkol sa akin ay alam niya, at gano’n din naman ako sa kaniya. Alam ko rin lahat ng tungkol sa kaniya. Lahat lahat.
“May kulang. Mas okay siguro kung mas mapula banda rito,” sabi niya at tinuro pa ang parte kung saan dapat mas mapula.
Umangat ang kilay ko. Anong alam niya sa pagpipinta? Wala nga siyang talent kahit isa.
“Papangit tingnan kung sobrang pula,” sagot ko na lang.
She shrugged. “Mas gusto kasi ni Drake ang sunset na sobrang pula. Mas natutuwa siya kapag gano’n ang kulay ng langit,” sabi niya na parang wala pa sa loob niyang nasabi iyon.
Nagbago ang timpla ng mukha ko. Napalitan iyon ng biglaang pagseseryoso. Nang bumaling siya sa akin ay bahagya siyang nagulat, siguro ay napagtanto ang sinabi niya.
Agad siyang tumayo at kinuha ang bag niya. Pinanood ko siyang mataranta.
“Una na pala ako. May gagawin pa kami ni Mommy,” sabi niya, hindi makatingin sa gawi ko.
Hindi ako kumibo, hindi ko rin nagawa na dahil nagmamadali siyang umalis. Napangisi na lang ako at napailing sa kawalan. Masyado siyang halata.
I’m her bestfriend. Alam ko lahat sa kaniya. Bakit naman napili niya pang gawin sa akin iyon? Hindi ba siya nakokonsensya?
Tiningnan ko ang painting. Hindi pa tapos. Hindi ko rin siguro matatapos ngayon ’to. May kulang. Hindi ko alam kung ano. Pero alam kong may kulang pa sa gawa ko.
“Kess, saan ka?” tanong ni Mommy.
Nagbihis lang ako at nagtanggal ng pintura sa kamay ko. Hindi ko pa naliligpit ang gamit ko sa painting room ko. Mamaya ko na lang siguro aayusin, kapag nakauwi na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/375973635-288-k35853.jpg)
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short Story©All Rights Reserved COLLECTION Started: September 2, 2024 Ended: Collection of my one shot stories. Photo in book cover is mine and captured by me. ^^ Romance ✔️ Tragic ✔️ Horror ✔️ Open ending story ✔️ Teen Fiction ✔️ Mystery Thriller ✔️