7:12

15 4 0
                                    

Sa tuwing titingin ako sa oras, palagi kong nakikita ay 7:12. Minsan ay A.M at madalas ay P.M. Hindi ko naman alam kung nagkakataon lang ba o sadyang may gustong ipahiwatig ang oras na ’yon.

“Babe, are you free tomorrow?” tanong ni Sean.

Napaisip naman ako kung anong mga gawain ko bukas. July 12 bukas, wala naman akong ibang gagawin.

Oh sht! Anniversary namin bukas and tomorrow is his 25th birthday. Muntik ko nang makalimutan.

“Free ako, babe. That’s our anniversary... And your birthday,” malambing kong sagot sa kaniya.

Agad sumilay ang ngiti sa labi niya. Niyakap niya ako at hinayaang mamahinga ang kaniyang mukha sa aking leeg.

Wala pa akong regalo sa kaniya. Baka mamaya na lang ako bumili bago ako umuwi. Buti na lang pala at naalala ko agad. Nakakahiya sa kaniya kung nakalimutan ko ang mahalagang araw na ’yon para sa amin.

“Uuwi na ako, babe. Tatapusin ko na ang mga gawain ko para bukas sa ’yo lahat ng oras ko,” sabi ko.

Nandito kasi ako sa condo niya. Sinabi ko lang na may tatapusin ako pero ang totoo ay bibili akong regalo para sa kaniya.

Kumalas siya sa yakap sa akin at nakangusong tiningnan pa ako. Nagpapa-cute na naman siya dahil ayaw niyang umuwi ako agad. 

“C’mon, just stay here until tomorrow,” malambing niyang saad.

Umiling ako bilang sagot.

“I need to prepare for tomorrow. Wala naman akong matinong damit dito. Sige na, babe. Magkikita naman tayo bukas,” sagot ko.

Sa huli ay wala rin naman siyang nagawa kundi ang ihatid ako hanggang sa parking lot kung saan nadoon ang kotse ko.

“Ingat sa pagmamaneho, Mira. Kaskasera ka pa naman minsan,” masungit pang sabi niya sa akin.

Bahagya akong natawa. Lumapit ako sa kaniya para bigyan siya ng isang mabilis na halik sa labi. Agad namang nawala ang pagkakakunot ng noo niya at napalitan ng malambing na ekspresyon.

“I love you...”

Kahit pala pitong taon na kaming magkarelasyon, hindi pa rin nawawala ’yung kilig na dulot sa tuwing sinasabihan niya ako ng gano’n.

“I love you. See you tomorrow.” Muli pa akong tumingkayad para sa isa pang halik.

He groan. “Sige na, umuwi ka na. Baka hindi ko matiis at hatakin kita pabalik sa condo ko,” masungit kunyaring sabi niya.

Natawa na lang ako. Sumakay na ako sa kotse ko. Hinintay niya munang makaalis ako bago siya bumalik sa condo niya. 

Hindi ako sa bahay dumiretso, nagpunta muna ako sa mall para bumili ng pangregalo ko sa kaniya. Hindi naman ako nahirapang bumili ng pangregalo dahil alam ko na kung anong gusto niya. 

Nakauwi na ako at nakahiga na rin para makapagpahinga nang maaga. Binuksan ko ang phone ko para tingnan ang mga text niya.

Babe:

Text me when you got home. I miss you.

Natawa ako dahil sa sinabi niyang miss niya ako. Ilang minuto pa lang ang nakalilipas ay miss niya na agad ako. Masyadong clingy si Sean.

Babe:

I’ll fetch you tomorrow, babe. 6 AM, maaga kasi dapat tayo sa pupuntahan natin.

Iyon ang huling text niya. Nagreply naman ako sa kaniya na nakauwi na nga ako at magpapahinga na dahil sa sinabi niyang maaga pala dapat kami bukas.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon