⚠️PAALALA: Ang story na ito ay medyo sensitibo, pwedeng makaapekto sa mental health ninyo. At pwede ring magdulot ng realization para sa inyo. Read at your own risk. Lahat ng linya na mababasa ay pawang sa isip ko lamang nanggaling. Walang katotohanan sa pangyayaring nakalahad, o iba pang maaaring isipin kapag ito ay nabasa na. Maraming salamat.
------------
Abala ako sa sobrang daming school works. Sobrang sakit na nga sa ulo. Napapabayaan ko na rin minsan ang pagkain kaya madalas akong nahihilo.
Wala na akong panahong magbukas pa ng facebook ko. Siguro wala pang limang minuto kung silipin ko ang mga messages doon. Kapag tingin kong hindi naman importante ay hindi ko na nirereply-an.
Tulad ngayon, nagchat sa akin si Bella, hindi ko na binuksan ang convo namin dahil nakita ko naman sa notif ko ang chat niya.
Messenger just now
Bestea
02052013
Hindi ko na nireplyan dahil marami pa akong gagawing school works. Hindi ko rin naintindihan kung anong date ba ang nilagay niya at para saan.
“February five?” tanong ko sa sarili ko.
Napatingin pa ako sa kalendaryo ko. Iniisip ko na baka may ganap kami sa date na sinabi niya. Pero nang makita ko naman kung anong petsa ngayon, mas lalo akong nagtaka.
May 2, 2013
Anong meron ngayon? Wala namang may birthday or wala naman kaming napag-usapan na gala. Wala nga kaming time magkumustahan dahil sobrang busy namin.
Pinagsawalang bahala ko na lang ang chat ni Bella. Nagsimula na akong mag-ayos ng mga notes ko, kailangan ko pang magreview mamaya dahil may exam pa kami bukas.
“Ria!” malakas na tawag sa akin mula sa labas.
Hindi naman ako nagpatinag. Alam naman nilang marami akong gawain, sinabi ko na rin sa kaniya na hindi ako pwedeng storbohin.
“Ria! Si Bella!” muling sigaw sa akin.
Nangunot ang noo ko. Ano namang gagawin ni Bella rito? May mga gawain din siya, a. Bakit naisipan niya pa yatang gumala?
Nagpakawala na muna ako ng isang malalim na hininga bago ako tumayo at lumabas ng kwarto ko.
“Eh? Anong meron?” takang tanong ko dahil umiiyak sila.
Agad lumapit sa akin ang kapatid kong bunso, umiiyak din siya at nanginginig pa.
“Ate, si Ate Bella... Si Ate Bella...” Hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin.
Agad kong binalikan ang phone sa kwarto ko. Binuksan ko ang convo namin ni Bella. Iʼve been busy these days, hindi ko na nagagawang basahin o reply-an man lang ang mga chats ng kahit na sino.
Ang daming chats ni Bella simula pa nung linggo, anong petsa na ngayon. Tinadtad niya na yata ako ng chats.
“No... No, Bella. No! You canʼt do this to me!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Malakas ang kabog ng dibdib ko. Tumutulo ang luha ko nang lumabas ako ng kwarto. Mabilis akong umalis para puntahan si Bella. Tumakbo na ako para lang makapunta na agad sa kanila.
“Bella!” sigaw ko nang makarating ako.
Lahat sila ay umiiyak. Please, hindi totoo ʼto. Hindi siya patay. Nagchat pa siya sa akin kanina. Hindi dapat sila umiiyak dahil hindi patay si Bella.
“Ria, wala na si Bella...” Umiiyak si Tita at niyakap ako.
Halos manghina ang buong katawan ko. Kung hindi lang ako yakap ni Tita ngayon ay baka bumagsak na ako.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short Story©All Rights Reserved COLLECTION Started: September 2, 2024 Ended: Collection of my one shot stories. Photo in book cover is mine and captured by me. ^^ Romance ✔️ Tragic ✔️ Horror ✔️ Open ending story ✔️ Teen Fiction ✔️ Mystery Thriller ✔️