Ano ba ang magandang iregalo sa kaniya? Birthday niya na kasi bukas. Halos lahat na yata nasa kaniya na, ano pang ireregalo ko? Mayaman naman kasi siya, he can afford everything he wants.
I sighed. Kanina pa ako nag-iisip kung anong pwedeng iregalo sa kaniya. I made a letter for him. Nilagyan ko ng lipstick ang labi ko at saka ko dinikit doon sa papel na ginamit ko para sa letter ko sa kaniya. Puro kiss ang design ng letter na iyon.
“Ano pang idadagdag ko rito?” tanong ko sa sarili ko.
Hindi naman pwedeng letter lang ang ibigay ko sa kaniya. Nakakahiya naman iyon. For sure marami siyang matatanggap na expensive gifts sa birthday niya. Baka itapon lang no’n ang letter ko. Hayst.
Bakit nga ba ako mag-e-effort pang bigyan siya ng regalo? Wala namang pakielam sa akin iyon. Hindi na nga ako kinausap ulit. Baka nga galit pa iyon sa akin.
“Rish! Ano pa bang pwedeng idagdag na gift?” tanong ko nang pumasok ang pinsan ko rito sa kwarto ko.
Tiningnan niya ang makalat kong lamesa. Hindi pa ako nakakapagligpit, balak ko pang magprint ng pictures namin ni Kurt. Ilalagay ko siguro sa isang box lahat ng iyon kasama ang letter ko para sa kaniya.
Kapag may naisip na akong pandagdag na regalo, doon ko na lang din ilalagay sa box. Para isang bitbit lang bukas. Sana nandoon siya sa kanila. Baka umuwi iyon sa Manila at doon magcelebrate, baka hindi ko maibigay ang gift ko. Magchat kaya muna ako sa kaniya at tanungin siya?
“Gawaan mong bracelet. May mga gamit ka pa naman yata diyan,” sagot ng pinsan ko.
Saka ko lang naalala na may binili nga pala akong gano’n. Agad kong kinuha iyon sa cabinet kung saan ko tinago. May mga beads pa. Makakagawa nga ako ng bracelet para kay Kurt.
Iyon ang pinagkaabalahan ko maghapon; ang paggawa ng regalo para kay Kurt. Isusuot niya kaya ito? Balak ko rin kasing gumawa ng anklet na kapareho ng design sa bracelet na ibibigay ko sa kaniya. Sana isuot niya ’to.
“Ang martyr mo rin talaga ’no? Ang tagal na ninyong break pero hanggang ngayon siya pa rin ang mahal mo,” sermon ng kaibigan ko sa akin.
Hindi ako kumibo. Magpapasama ako sa kaniya ngayon. Pupunta kami sa bahay nila Kurt para batiin ito at ibigay ang regalo. Tanghali nga nang maisipan kong yayain ang kaibigan ko. Nang malaman niyang kila Kurt ang punta namin, grabeng sermon ang natanggap ko sa kaniya.
“Last na ’to. Titigilan ko na siya after this,” sabi ko naman.
Inirapan niya ako. “Iyan din sabi mo last time. Ilang last pa ba natitira sa ’yo?” sarkastikong tanong niya.
Napanguso na lang ako at hindi sumagot. Tama naman siya. Nasabi ko na rin ito noon sa kaniya. Ewan ko ba. Ang hirap kasing kalimutan ni Kurt. I love him so much. Hindi ko siya kayang bitawan.
Kahit na matagal na ’yon nakamove on, pakiramdam ko may pag-asa pa rin na magkabalikan kami. I don’t go back to my ex, pero kung si Kurt naman ang babalikan, handa akong sirain ang sarili kong rule.
Kurt and I are goods. Nagkakausap pa nga kami nitong mga nakaraan. Mas lalo nga lang akong hindi makamove on sa kaniya. Pero sa kabilang parte, tanggap kong magmamahal siya ng iba at hindi na siya babalik sa akin. Nagkaroon lang kami ng hindi pagkakaunawaan at nagalit siya sa akin. Ngayong birthday niya, sana kausapin niya na ako. Ilang linggo na kaming hindi nag uusap after nung naging away namin.
“Good afternoon po. Nandiyan po ba si Kurt?” tanong ko sa guard.
Laki talaga ng bahay nila. Ang yaman. Isa sa dahilan kung bakit mas lalo kong naisip na hindi talaga kami ang para sa isa’t-isa. Masyadong malayo ang agwat ng buhay naming dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/375973635-288-k35853.jpg)
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short Story©All Rights Reserved COLLECTION Started: September 2, 2024 Ended: Collection of my one shot stories. Photo in book cover is mine and captured by me. ^^ Romance ✔️ Tragic ✔️ Horror ✔️ Open ending story ✔️ Teen Fiction ✔️ Mystery Thriller ✔️