A Guy In My Dream

7 3 0
                                    

HER POV:

I saw a guy in my dream. He looks real. Ilang beses ko na siyang nakikita sa panaginip ko. And it’s weird because... I can control my dream. I mean, kaya kong gawin sa panaginip ko kung anong gusto ko talagang gawin. Nakokontrol ko, pero hindi lucid dream iyon. Kakaiba. Hindi ko maipaliwanag nang maayos.

Tulad kagabi, napanaginipan ko na naman ang lalaking iyon. Sa panaginip ko ay magkasama kami at nag-uusap.

“How was your day?” tanong niya sa akin.

Parehas kaming nakaupo sa isang bakal na upuan. May mga puno at maganda ang tanawin sa harapan.

“Okay lang naman. Nag-overtime sa work dahil may tinapos pa ako,” sagot ko naman.

Huminga siya nang malalim kaya napabaling ako sa kaniya. Nakatingin siya sa harapan, sa magandang tanawin.

Ang gwapo niya. Matangos ang ilong at mayroon siyang sharp jaw. Malakas ang appeal niya. Maganda ang mga mata. Mapula ang labi. Makapal ang buhok at itim na itim ito.

“Stop staring. Baka kung anong isipin ko niyan dahil sa titig mo,” biro niya pa.

Bahagya na lang akong natawa. Ibinaling ko ang tingin sa harapan, kagaya ng ginawa niya. Parehas na kaming tahimik. Parehas na nakatitig lang sa ganda ng tanawin.

Doon natapos ang panaginip ko. Simpleng interaksyon lang namin iyon pero kakaiba na ang dulot sa akin. Ilang beses ko na siyang napanaginipan, pero hindi ko pa rin alam ang kaniyang pangalan. Hindi ko alam, pero sa tuwing tatangkain kong tanungin iyon ay nagigising na lang ako bigla.

“Ate Ash, may work ka today?” tanong ng pinsan ko na kasama ko rito sa apartment.

Agad akong umiling. “Wala. Off ko today. Bakit?” tanong ko.

I’m twenty seven years old. Five years na ako sa trabaho ko. I’m assistant manager sa isang kilalang hotel. Si Jorgie ang kasama ko rito sa apartment ko. Ako na ang nagpapa-aral sa kaniya. She’s twenty years old.

Wala na ang magulang ko. Wala rin ang mga kapatid ko, may mga pamilya na sila. Kaya naman sarili ko at pinsan ko na lang ang binubuhay ko. I don’t have boyfriend. Wala pa sa isip ko iyon. Hindi pa ako handa.

“Aalis kasi ako. BGC lang kasama mga friends ko. Okay lang?” tanong niya.

Agad naman akong tumango. Hindi ako mahigpit, at hindi rin naman sobrang luwag sa kaniya. Basta alam niya ang limitations niya.

Balak ko ngayong araw na maglinis ng apartment. Bukas ay wala rin naman akong pasok, maglalaba siguro ako. Depende kung sisipagin ako ngayong araw. Pwede namang magpalaundry na lang kung hindi talaga kayang labhan.

Nagluto na muna ako ng almusal namin ni Jorgie. Naliligo na siya ngayon. Nagmamadali yata. Ham, egg, and hotdog ang niluto kong ulam ngayong almusal. Nagtimpla ako ng kape ko. Hindi ko sigurado kung kakain ba si Jorgie bago umalis o baka ro’n na siya kakain sa BGC kasama ang mga kaibigan niya.

“Ate, alis na ako!” paalam niya.

Kasusubo ko pa lang ng pagkain. “Hindi ka ba kakain muna?” tanong ko.

Agad siyang umiling. “Doon na lang kami kakain. Byebye!”

Hindi na niya hinintay na may sabihin pa ako. Nagmamadaling umalis na nga ito. Naiwan akong mag-isa at kumain na lang. Dami ko pang nilutong ulam, hindi naman pala rito kakain. Hanggang mamayang lunch ko na siguro ang ulam na ’to.

Una kong nilinis ang kusina matapos kong kumain. Sinunod ko ang cr at ang sala. Sa kwarto ang huli kong nilinis. Natapos ako ay almost two PM na. Kumain ako ng noodles at tirang ulam kaninang umaga. Nang makapagpahinga saglit ay nagpasya na akong mahiga. Ilang minuto lang siguro ay agad din akong hinatak ng antok.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon