Unlearn You

15 3 0
                                    

I am busy writing a story. Ako lang mag-isa, kaaalis lang kasi ni Jei, ’yung bestfriend ko. Wala naman talaga akong balak gumawa ng story ngayon, pero dahil sa nakita ko kanina sa mall, naisipan kong magsulat ngayon.

I can’t express my feelings through my mouth, so I will let my pen do it for me. I will write all my thoughts and feelings.

“I saw a stranger earlier,” pagkausap ko sa sarili ko.

Then ideas pop up in my mind. Stranger ang ginawa kong title sa story na naiisip ko. Sinimulan kong isulat na iyon. It took an hour and a half before I finish it.

Sakto namang bumalik ang kaibigan ko at may dalang pagkain. Buti na lang at may dala siya, sakto at gutom ako. Nagutom ako sa pag-iisip kanina sa sinulat ko.

“Oh? Hindi mo pa ipopost?” tanong ni Jei.

Nakatingin siya sa laptop ko kung saan nandoon sa docs ang sinulat ko. Pinag-iisipan ko pa kung ipopost ko iyon. Baka kasi makita nung mismong tao na dahilan kung bakit ko iyon sinulat.

Baka kung ano ang isipin niya. Baka maisip niya na until now…I can’t unlearn him. Na hanggang ngayon kabisado ko pa rin lahat sa kaniya.

“May nakita akong stranger kanina, sa may mall. May kasama siyang babae. Nakakapagtaka nga dahil alam ko kung ano ang paborito ng lalaking nakita ko,” pagbasa ni Jei sa story na sinulat ko.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko habang nakikinig sa pagbabasa niya.

“Alam ko na adobo na medyo maanghang ang paborito niyang ulam. At sa dessert naman, mas gusto niya ang kape lang at isang slice ng cake, para balance ang tamis. Alam ko rin na hindi siya mahilig sa matatamis.”

“Nakakapagtaka na ’yung stranger na nakita ko kanina…alam ko kung kailan siya wala sa mood. Na ayaw niya ng paulit-ulit na tanong dahil mabilis siyang mainis sa gano’n. Kapag wala siyang gana makipag-usap, umiikli ang mga salitang binibitawan niya. Pero alam ko rin kung paano siya mapapakalma,” pagpapatuloy ni Jei sa pagbabasa.

Bumibigat ang pakiramdam ko sa bawat pagbanggit niya sa mga sinulat ko. Iba ang bigat habang sinusulat ko iyon, pero mas iba pala ang epekto kapag naririnig ko na mismo ang mga sinulat ko.

“Gusto ko sana siyang kausapin, pero naisip ko ang sinasabi sa akin noong bata ako, “don’t talk to stranger” kaya hindi ko na ginawa. Isa pa, may kasama siyang babae. Baka magtaka iyon kung biglaan kong kausapin ang lalaking kasama niya.”

Naalala ko tuloy ’yung kanina. Pinilit ko talagang hindi siya balingan nang maglagpas kami sa isa’t-isa. Hindi na nga niya yata ako kilala. Dahil ang buong atensyon niya ay nakatutok na sa iba.

“May kirot sa puso ko dahil sa isang estrangherong iyon. Isang taong naging malaki ang parte sa buhay ko. Na ultimo yata paghinga ay kabisado ko. Pero sa dulo, hindi pa rin kami pinagtagpo. Parehas na kaming hindi magkakilala, pero maraming alaala sa isa’t-isa.”

Hindi ko namalayang natigil pala ako sa pagkain ko. Nagulat pa ako nang may pumatak sa braso ko. Tumutulo na pala ang luha ko. Hindi ko namalayan. Masyado akong nadala sa mismong sinulat ko.

“Nakita mo kanina?” tanong ni Jei.

Tumango lang ako. Agad kong pinunasan ang luha ko at tinuloy ang kinakain ko.

“Oo. May kasamang babae. Girlfriend niya siguro,” sagot ko.

Isang taon na kaming hiwalay pero hanggang ngayon hindi ako makausad. Kailan ko ba matututunan na hindi na siya muling aralin pa? Kailan kaya ako matatauhan na hindi na kami mababalik sa umpisa?

Nakasalubong ko siya kanina pero parang hindi na niya ako kilala. Hindi niya man lang ako nilingon, kahit na halos magdikit na ang braso namin dahil sa pagkakasalubong.

Masakit pa rin pala. Pero mas masakit na makita siyang may kasamang iba. Dahil isa iyong tanda na wala na talagang pag-asa. Mas pinili niyang kumilala ng iba, kaysa ayusin ang gusot sa aming dalawa.

“Kailan mo balak umusad? Green light na, may sign ka na,” sabi pa ni Jei.

Tipid akong ngumiti. Oo nga naman. Green light na. Kailangan ko nang umusad. Maraming naghihintay, hindi ako pwedeng ma-stuck na lang sa kung saan.

“We were strangers and became lover. Now, we’re back on being strangers again, but this time with our love memories.”

Uusad na ako. Alam kong dapat noon pa, pero umasa pa kasi ako na baka may mahihintay pa. Sa nakita ko kanina, nasagot naman na wala na talaga.

It’s time to unlearn you, my love. It’s time for me to learn how to love and find myself…again. Because I lost myself while giving all the love to you.

No regrets. I was happy with you. But this time, I want to be happier without you.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon