Bakit nga ba may mga taong paasa? Malaman lang nila na gusto sila, binibigyan na nila ng mix signals ang mga ito. O baka naman sadyang nalalagyan lang ng malisya ang mga kilos nila?
Pero may kasabihan nga, “walang taong aasa kung walang taong paasa.” Baka nga sinasadya nilang paasahin ang isang tao.
“Nandiyan na ’yung crush mo, Dixie!” asar sa akin ng mga kaibigan ko.
Si Rendon ang crush ko. Ilang buwan pa lang naman akong may crush sa kaniya. At nung nakaraang linggo lang nalaman ng mga kaibigan ko iyon. Kaya ngayon ay inaasar nila ako.
Hindi ko nga pinapahalata na crush ko si Rendon. Pero dahil sa pang-aasar sa akin ng mga kaibigan ko, nahahalata na rin mismo ni Rendon iyon. Nahihiya na tuloy akong tingnan siya. Dahil sa tuwing magkakalapit kami, malalakas na asar ang natatanggap ko mula sa mga kaibigan ko.
“Hindi ko na siya crush,” sabi ko.
Agad na sinundot ni Melanie ang tagiliran ko. Napaigtad tuloy ako sa kiliting dulot no’n.
“Lol! Wala kang ibang crush bukod kay Rendon. Kaya malabong hindi mo na siya crush,” sabi niya pa.
Napatungo na lang ako. Maiingay na ang mga studyante dahil nandito na sila Rendon. Maraming nagkakagusto sa kaniya, kaya hindi na ako umaasang papansinin niya ako.
Hindi na nang-asar ang mga kaibigan ko dahil may mga pagkain na sa harapan namin. Natuon sa iba ang usapan nila kaya nakahinga na ako ng maluwag. Napatingin ako sa gawi nila Rendon. Nakatingin siya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin.
Sa akin ba siya nakatingin? Baka naman napadako lang saglit ang tingin niya, o baka may ibang tinitingnan na nandito sa gawi namin. Ayaw kong umasa.
“Dixie, pinapatanong ni Rendon kung ano raw username mo sa instagram,” sabi ni Bruce, kaibigan ni Rendon.
Malakas na asaran ang natanggap ko sa mga kaibigan ko dahil narinig nila iyon. Pulang-pula na yata ako sa dahil sa hiya. Sa akin kasi nakatuon ang mga atensyon ng studyante rito.
Ibinigay ko ang username ko. Tilian at asaran na naman ang naging laman ng cafeteria dahil sa mga kaibigan ko. Kaya nang magpasya silang pumasok na, nagmadali na akong umalis sa cafeteria. Grabe rin kasi ang tingin sa akin ng mga studyante ro’n.
@rendonxx follows you.
Muntik ko nang mabitawan ang phone ko sa gulat. Wala pang teacher kaya nakapagphone pa ako pagkarating dito sa classroom namin. Hindi ko masyadong pinahalata ang epekto nung nakita ko. Baka asarin na naman ako ng mga kaibigan ko.
Pinindot ko ang profile niya. Ang gwapo niya talaga. May twelve post na siya. Halos lahat ng iyon ay ibang tao ang kumuha ng litrato sa kaniya. Aesthetic ang mga pictures niya. Ang angas kasi niyang poporma.
Pinindot ko ang “follow back” para maging mutual na kami sa instagram. Malaya kong ini-stalk ang account niya. Maingat din dahil baka biglang makita ng mga kaibigan ko ang ginagawa ko ngayon, aasarin na naman ako.
@rendonxx
Hi.Nagchat siya. Muntik na akong mapasigaw, buti na lang napigilan ko ang sarili ko. Hindi ko pa nabubuksan ang message niya. Pinalipas ko pa ng ilang minuto iyon bago ako nagreply.
@dixreyyy
Hello.Shit! Dapat ba dagdagan ko pa ang message ko? Baka isipin niyang masyado akong patay na patay sa kaniya kapag gano’n. For sure alam niyang may crush ako sa kaniya, naririnig niya iyon lagi sa mga kaibigan ko.
Mas pinili ko na lang na mag-offline dahil malapit nang dumating ang teacher namin. Pero hindi naalis sa isip ko ang simpleng chat niya. Nagfirst move siya. Nagfollow at nagchat siya sa akin. Inutusan niya ang kaibigan niya na kunin ang username ko.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short Story©All Rights Reserved COLLECTION Started: September 2, 2024 Ended: Collection of my one shot stories. Photo in book cover is mine and captured by me. ^^ Romance ✔️ Tragic ✔️ Horror ✔️ Open ending story ✔️ Teen Fiction ✔️ Mystery Thriller ✔️