Kung Ako Na Lang Sana

12 3 0
                                    

Ang daming nagkakagusto sa akin, ang daming umaamin at sinasabing crush nila ako. Pero bakit sa isang babaeng mahirap abutin pa ako nagkagusto? Sa babaeng focus sa study, at hindi tulad ng iba na nagkakagusto sa akin.

Siguro kung ako na lang sana ang crush niya, baka tumino pa ako. Matino naman ako, e. Gwapo rin. Pero hindi ako pasok sa standards niya. Hindi kasi ako tulad nung mga tipo niya; matalino, focus sa pag-aaral, matataas ang grades. Masyadong mahirap abutin ang ganiyang standard, lalo na sa tulad kong happy go lucky person.

“Juls, ano tara ML na?” aya sa akin ni Phil.

Syempre papayag ako. Iyon ang libangan namin bukod sa basketball. Inaabot ng ilang oras sa paglalaro.

“Sige, tol. Magbibihis lang ako,” sabi ko naman.

Pinuntahan pa niya ako rito sa amin. Kauuwi lang namin galing school. Ang pahinga ay paglalaro ng ML o basketball.

Nagbihis na ako. Hindi naman na tinanong ni Mama kung saan ako pupunta, alam niya na kasi. Nakita niya naman din si Phil, alam niyang kila Phil ang punta ko.

“Five man ba?” tanong ko.

Naka-connect ako sa wifi nila Phil. Smooth maglaro kapag maganda ang internet. Nakakabanas naman kapag mahina, masyadong ma-lag iyon.

“Oo raw,” sagot niya.

Naglaro na kami. Maingay kami syempre. Murahan at iba pang trashtalk. Gano’n talaga. Ang bobo kasi ng mga kalaban. Minsan pati kakampi bobo rin, e.

Inabot kami ng ilang oras na naglalaro. Gabi na akong nakauwi. May pasok pa kami bukas, tuwing four AM ang gising ko at umaalis ako bandang five AM. Maaga ang pasok.

“Ganda talaga,” wala sa loob na nasabi ko.

Nakita ko kasi ang crush ko. Malayo pa lang kitang-kita ko na ang maganda niyang mukha. Pwede kayang ako na lang? Kung popormahan ko ba siya, may pag-asa kaya?

Nagtama ang tingin namin. May kung anong kabog sa puso ko. Lakas naman ng epekto niya sa akin. Minsan lang kaming magkita, magkaiba kami ng room. Nagkakausap naman kami sa chat, pero madalang din.

“Tulala ka diyan? Malapit na first subject,” sabi ni Phil.

Nawala ang tingin ko kay Abby. Nang ibalik ko ay wala na siya ro’n. Sabay na kaming pumasok ni Phil sa room. Wala pang teacher.

Naalala ko si Abby. Kinuha ko ang phone ko at nagmessage sa kaniya. Binati ko lang siya ng “Good morning.” Wala naman akong natanggap na reply agad sa kaniya.

Posible kayang magustuhan niya rin ako? Hindi ako tulad niya na mayaman, sa totoo nga ay wala pa sa kalahati ng level niya ang sa akin. Mahilig siyang mag-aral, matalino siya. Samantalang ako naman, puro laro at barkada, okay na kapag pasado ang grades. Hindi ako ’yung nakikipagcompete sa mataas na grades, basta pasado ayos na iyon.

Siya kasi ay mayaman. Sa tuwing nakikita ko stories niya, halatang-halata ang buhay na mayroon siya. Ang expensive niya rin, pati kung paano niya dalhin ang sarili. Simple with class. Kaya gustong-gusto ko siya. Kahit na malabong magustuhan din, sa kaniya pa rin nakatuon ang atensyon ko.

Marami naman talagang nagkakagusto sa akin, pero siya lang ang gusto ko. Kahit walang kasiguraduhan na magustuhan niya rin ako.

Her ♡:

Good morning!

Shit! Nagreply naman siya. Simpleng gano’n lang pero nakangiti na ako agad dahil sa kaniya. Lakas talaga ng epekto niya.

Ako:

Pumasok ka na ba? Nakita kita kanina.

Sana mamaya na dumating si Ma’am. Sayang ang pagkakataon na kausap ko ang babaeng gusto ko.

Her ♡:

Yup. I saw you, too. Messy hair ’yarn siya haha!

Natawa naman ako. Sa pagmamadali ko kanina hindi ko na nasuklay ang buhok ko. Napansin niya pala iyon. Agad kong inayos ngayon. Nagpicture pa ako at si-n-end iyon sa kaniya. Gwapo ko talaga.

Tagal na rin kaming nag-uusap. Madalang at udlot udlot pa pero ayos lang. Basta nakakatanggap pa rin ako ng reply mula sa kaniya. Mas focus kasi sa studies, kaysa sa phone niya. Kaya madalang kaming magkausap. Sa school naman, nagkakatinginan lang kami. Hindi rin naman nagkakausap. Alam niya kayang gusto ko siya?

“Tara tara! ML na!” aya ko sa mga kaklase ko.

Vacant naman namin. Pwedeng maglaro na lang muna. Malakas naman ang signal dito sa school.

Her ♡:

Juls, pwede pasama sa cafeteria? Wala kasi kaibigan ko, wala akong kasama.

Nagbabalak pa lang akong maglaro pero nabasa ko ang chat niya pagkabukas ko ng phone ko.

“Pass muna pala ako. Bebe time!” malakas na sabi ko at agad na tumakbo palabas ng room.

Narinig ko pa ang pang-aasar nila sa akin. Ngayon lang ’to, susulitin ko na. Sayang ang pagkakataon, e. Minsan lang mangyari ang ganito kaya hindi dapat palampasin.

“Vacant din ninyo?” tanong ko sa kaniya. Inayos ko pa ang buhok ko.

Tumango naman siya at nag-iwas ng tingin. Feeling ko talaga crush niya rin ako. Ayaw niya lang umamin sa akin.

“Namumula ka yata? Crush mo ako ’no?” pang-aasar ko. Alam ko namang malabong magustuhan niya rin ako.

Kumbaga siya ang langit at ako ang lupa. Mahirap siyang abutin. Hindi siya bagay sa akin. Kung sana pwedeng ako na lang ang magustuhan niya…kaso wala pa sa isip niya iyon.

“Crush mo rin naman ako,” mahinang sabi niya.

Narinig ko ’yon! May “rin” sa sinabi niya. Ibig sabihin parehas kaming may crush sa isa’t-isa?

Bahagya akong natawa at nag-iwas ng tingin. “Labo namang maging crush mo ako. Hindi ako kasing talino mo. Hindi ako pasok sa standards mo,” sabi ko na nakangiti pero seryoso ang tono.

Bahagya siyang tumingin sa akin, nakita ko iyon sa gilid ng mga mata ko. Umiwas lang siya ulit ng tingin. Naglalakad kami ngayon papunta sa cafeteria. Mabagal yata ang lakad namin, o baka sadyang slow motion lang iyon para sa akin?

“Matalino ka naman. Hindi ka lang tutok sa pag-aaral because you’re enjoying your life doing things you love. Hindi tulad ko na minsan pressured na sa pag-aaral,” sabi niya naman.

Ako na ’to, e. Syempre kahit hindi pwede, ipipilit ko pa rin. Lalo na ngayon na nalaman kong gusto niya rin pala ako. I mean crush niya ako.

“I have a crush on you, Juls. I know we’re on a same page, I know you have a crush on me, too.”

Magcoconfess na lang in-english pa ako. Buti na lang at gusto ko siya. Hindi tuloy mawala ang ngiti ko. No more “sana” na pala ako nito. Kasi ako talaga ang pinili niya kahit na ang dami naming pagkakaiba.

-------------

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon