I’m in a situationship for months now. Tatlong buwan na kaming nag-uusap ni Dave. Hindi pa siya nanliligaw, nag-uusap pa lang talaga kami at kinikilala ang isa’t-isa. But he have feelings for me. And I can say that I am falling for him, too.
Pero takot ako. Takot pa akong sumubok kaya hindi ko rin magawang i-open sa kaniya ang topic about sa situation namin. Parehas naman kaming masaya sa ganito, parang kami pero hindi talaga. Walang label.
He’s a nice guy. Very open when it comes to himself. Nagpapakatotoo at pranka talaga siya. Kapag may mga bagay siyang hindi nagugustuhan sa inaakto ko, sinasabi niya agad sa akin at pinag-uusapan namin iyon. Kapag may away kami, hindi niya hinahayaan na hindi matatapos sa maayos na paraan iyon. Palagi’t-palagi ay parehas kaming nagbababa ng pride para maging maayos ang naging away namin.
Dave:
Good morning, baby. I’m here na po sa work ko.
I smiled when I see his message. Kamumulat lang ng mata ko at phone agad ang kinuha ko. I’m expecting message from him, at hindi naman ako nabigo ro’n.
Minsan na rin naming naging issue ang tungkol sa pag-uupdate niya sa akin. As a person who overthink a lot, gusto ko talaga lagi akong may assurance na natatanggap. I open it up to him. Napagtalunan namin pero sa huli ay parehas ding naayos. At napansin kong sinisikap niyang mag update sa tuwing may libreng oras siya.
He’s always busy dahil sa trabaho niya. May online work din siya tuwing gabi. Naiintindihan ko naman iyon. Ang gusto ko lang talaga ay kahit konti, gaano lang ba ang segundo na magtype ng message sa akin. Nobody is so busy, may oras para kumain, para magpahinga saglit. Kung gusto, gagawin. Iyon talaga ang nakatatak sa isip ko.
Ako:
Good morning. I just woke up. Take care!
Mamaya pa ang sunod niyang chat, kapag may break time na sila. Nakasanayan na namin ang ganito sa loob ng tatlong buwan. Minsan naman ay kapag wala siyang pasok, madalas kami magkausap, tumatawag din siya o hindi kaya ay nagsesend na lang ng voice message.
He have nice voice. Isa talaga iyon sa gusto ko sa lalaki. Voice. Kung pisikal naman, gusto ko ay makapal ang kilay, maganda ang mata at labi, at matangkad. Lahat iyon meron sa kaniya. Kaya mabilis din talaga akong nahulog. He’s an ideal guy for me.
“Nakakausap mo pa rin ba ’yung Dave?” tanong ng pinsan ko habang naglalakad kami.
Naisipan na namang bumili ng ice cream kahit gabi na. Nakakaugalian na talaga namin ito.
“Oo. Mamayang ten PM pa ang tapos ng work niya,” sagot ko naman.
Hinihintay ko nga na magchat. Kaninang tanghali may chat siya, saka kaninang ala sais. Sabi niya ay ten PM pa ang tapos ng work niya. Sinabi ko naman na may gagawin din ako habang naghihintay sa kaniya.
“Wala pa ring label?” tanong niya ulit.
Agad akong umiling. Mag aapat na buwan na kami sa ganitong sitwasyon. Hindi ko magawang banggitin ang tungkol sa label. Hindi pa ako handa.
Ang dami kong naiisip sa tuwing sumasagi sa akin na magkakaroon kami ng label. Para kasi sa akin, date to marry talaga ang gusto ko. Kung magkakaroon man ako ng karelasyon, gusto ko siya na ang mapapangasawa ko. Nakakapagod umulit nang umulit sa mga ganitong sitwasyon.
Nakakapagod magbanggit na naman ng mga paborito ko, o magtanong ng mga gusto niya. Nakakapagod kumilala ulit ng bago. Pero sinubukan ko kay Dave. Sinusubukan ko sa kaniya.
[“Hi, baby. Katatapos lang ng work.”]
Tumawag siya saktong alas diyes ng gabi. Inaantok na nga ako, pero hinintay ko talaga siya. I really love his voice. Husky and manly. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing magsasalita siya.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short Story©All Rights Reserved COLLECTION Started: September 2, 2024 Ended: Collection of my one shot stories. Photo in book cover is mine and captured by me. ^^ Romance ✔️ Tragic ✔️ Horror ✔️ Open ending story ✔️ Teen Fiction ✔️ Mystery Thriller ✔️