I Lost You, I Found Me

10 3 0
                                    

Happiness is a choice. Simple things makes me happy, but simple things are the reason sometimes why I am sad. I choose to be positive everyday. I choose to be happy. That’s the big thing that I can do for myself; being happy.

Happiness come from yourself first, and then you’ll found it from others. Sometimes, our happiness depends on them. If you expect too much, and they didn’t reach your expectation, you’ll be dissapointed. And it will lead you to sadness.

“Tagal niya,” nasabi ko na lang habang nakatingin sa phone ko.

Eight hours straight walang chat. Hindi man lang nakapag “good morning” sa akin. Anong oras na wala pa ring chat.

Gaano ka-busy ang isang tao sa isang araw? Kahit ba ilang minuto ay hindi makakahawak ng phone? May break time naman sa trabaho. May kaunting oras para magsabi sa akin. Update will do, mahirap bang gawin iyon?

I sighed at that thought. Bakit ba lagi kong hinahanap sa iba ang ugaling meron ako? Bakit ba iniisip ko na kaya rin nilang ibigay ’yung effort o atensyon na binibigay ko?

I tried to write at least one chapter. Pero walang pumapasok sa isip ko. Balik ako nang balik sa message namin, nagbabaka sakaling may chat na siya. Pero lumipas pa ang ilang oras ay wala naman akong natanggap. It happened again.

“Magsisimba ka mamaya?” tanong ng pinsan ko.

Tumango ako bilang sagot. Sabado ngayon, hindi ko sigurado kung may trabaho ba ‘yon o nasa bahay lang. Wala pa ring chat sa akin kahit tuldok man lang.

“Ako rin! Sabay tayo,” ani ng pinsan ko. Tumango na lang ulit ako.

Hindi pa nagsisimula ang misa pero ang isip ko ay puno na ng mga salitang hindi kayang bigkasin ng bibig ko. Nagdadasal na ako sa isip ko. Nakatitig ako sa malaking krus sa harapan.

Lord, clear my mind from negative thoughts. Hindi ako ganito. Hindi ito ’yung nakasanayan ko. Masyado ko nang nadedepende ang kasiyahan ko sa iba. Nawawalan ako ng sariling kontrol sa emosyon ko.

My Love:

Good evening.

He chatted me. Thursday ang huling usap namin. Sabado na ngayon. Anong ginawa niya nung Biyernes at kaninang maghapon?

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at huminga nang malalim. Tipid akong ngumiti at nagtipa ng reply sa chat niya.

Ako:

Good evening, love! Kumain ka na? Nabusy ka po?

Ilang message pa ang nagawa ko sa kaniya. It looks excited. Yes, I am excited to talk to him. Laging gano’n naman. Palaging naghihintay lang ako sa message niya.

My Love:

Oo.

Sa rami ng message ko, iyon lang ang natanggap kong sagot mula sa kaniya. I smiled bitterly. Hindi naman na bago ’to sa akin. Ilang beses nang ganito. Sanay na dapat ako.

Ako:

Wala ka po sa mood, love?

The hell was that, Bianca? Damang-dama mo naman sa reply niya na wala siyang gana. Na wala sa mood makipag usap. Bakit nagtanong ka pa?

Ahh this is frustrating. Bumibigat na naman ang loob ko. The energy is going down again. Mamaya nito ay wala na rin ako sa mood. Hanggang sa wala na naman akong ganang gawin ang mga bagay na gusto kong gawin.

My Love:

Oo.

I closed my eyes. Okay. Wala siya sa mood. Damang-dama mo ’yon. Huwag na lang pilitin sa ngayon, dahil kilala mo siya. Alam na alam mo ang ugali niya. Alam mo ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon