Ended That Way

12 3 0
                                    

Top student list… Top two… Top one… Kianna Uly Hermoza. Yes! Top one pa rin ako. Sobrang nakahinga ako nang maluwag dahil hindi ako naalis sa pagiging top one.

Matutuwa si Mommy nito. Na-maintain ko ang pwesto kong iyon. I’m still the top one student of the school. Yes, hindi lang sa room kundi sa buong school na mismo. It pressures me, but it’s fine. At least I made it. Next month ulit ang sunod na result nito. Kailangan kong pagbutihan.

“Naly babe!” malakas na tawag ni Fermond sa akin.

Fermond is my best friend. Pero umamin ’to sa akin na may gusto siya sa akin. I can’t risk our friendship over love. I have feelings for him, too. Pero natatakot ako na baka kapag sumubok kami, pati friendship ay mawala balang araw.

Agad niya akong inakbayan. “Grabe talaga ang talino mo ’no? Bakit hindi mo i-share sa akin ang iba?” nagbibirong sabi niya.

Bahagya na lang akong natawa. Simula nang umamin siya, mas lalo lang siyang naging clingy sa akin. Hawak sa kamay ko, akbay minsan, minsan naman ay yumayakap pa. Hinahayaan ko dahil nga gusto ko rin naman siya, at magkaibigan kaming dalawa.

“Nahiya naman ako sa top two na nasa list. Fermond Carlos,” sabi ko at tinuro ang pangalan niya ro’n.

Siya ang top two. Ilang buwan na rin na gano’n. Ang sabi niya nga ay hindi niya pa ginagalingan. Paano raw kung galingan niya na, baka raw maging top one na siya at maalis na ako sa pwestong iyon.

Pinagbibigyan niya lang daw ako. Alam niya kasing gusto kong nasa top one ako. Gusto kong matuwa sa akin ang parents ko.

“Hayaan na ’yan. Tara at kumain na lang. Nagugutom ako kanina pa,” reklamo niya na.

Kinabig niya pa ako palapit lalo sa kaniya. Matangkad siya, kasali rin siya sa varsity player ng school. Hanggang balikat niya lang ako. Ginagawa niyang patungan ng braso ang balikat ko dahil sa height difference namin.

“Hindi ka na naman ba nagbreakfast bago pumasok?” tanong ko.

Nagsimula nang magsalubong ang kilay ko. Handa na akong magsermon sa kaniya pero pinisil niya ang pisngi ko at tumawa.

“Heeeppp! Kumain ako. Nagugutom lang talaga ako,” sabi niya at binitawan ang pisngi ko.

Hilig mangurot ng pisngi. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako patakbo sa cafeteria. Naabutan namin doon ang ibang kaibigan namin. Kinawayan kami ng mga ito at inaya sa pwesto nila. Hinatid ako ni Mond sa mga kaibigan namin, saka siya nagpaalam sa akin at sinabing siya na ang bibili ng pagkain namin.

“Mahal na mahal ka talaga ni Fermond,” sabi ni Jovin, kaibigan namin.

Tipid akong ngumiti. Hindi ako sumagot sa sinabi niyang iyon. Kami na naman ang magiging topic sa table na ’to.

“Bakit kasi hindi ninyo subukan?” tanong naman ni Angeline.

Napatingin ako sa pila kung nasaan si Mond. Nakatingin din pala siya rito. Agad na ngumiti nang magtama ang tingin naming dalawa. Kumaway pa ang loko.

“Natatakot lang ako na baka pati friendship masira,” nasabi ko na lang.

“Sus! Para kang West Philippine Sea para kay Fermond. Handa ka niyang ipaglaban lalo na at alam niyang pag-aari ka niya,” natatawang sabi ni Jovin.

Kahit ako ay natawa. Talagang naisingit niya pa iyon. Pero totoo naman. Alam kong kayang-kaya ni Mond na magtake ng risk sa akin. Ako lang naman itong nagdadalawang isip.

“Ang kaibahan naman ni Fermond sa Pilipinas, hindi ka niya hahayaang makawala, hindi kagaya ng ginawa ng Pilipinas kay Alice Guo,” sabi naman ni Angeline.

Ang lakas ng naging tawa nila nang sabihin ni Angeline iyon. Napatingin ako ulit kay Fermond. Curious siguro siya dahil sa tawanan dito sa table namin. Akala siguro niya ay siya ang pinag-uusapan.

Well…siya nga. Kaming dalawa ang pinag-uusapan ng mga kaibigan namin. Sanay naman kami sa mga ito. Palagi ay kami ang inaasar. Siguro kapag nalaman nilang may something na sa amin ni Mond, baka mauna pa silang magdiwang.

Masaya naman kami sa pagiging magkaibigan namin. Pero siguro nga tama rin sila, bakit hindi ko subukan? Baka mas magandang i-level up ang friendship naming dalawa. Kaya naman isang araw ay nagpasya akong sabihin kay Fermond ang nararamdaman ko.

Hindi niya alam na parehas kami ng nararamdaman. Ang alam niya ay para lang talaga kaming magkaibigan. Akala niya siguro hinahayaan ko lang siya sa lahat ng akto niya…dahil kaibigan ko siya. Pero ang totoo, mahal ko rin talaga siya.

“Punta ka sa may lumang playground sa kabilang kanto, may sasabihin ako sa ’yo,” sabi ko.

Taka niya akong tiningnan. “Bakit hindi pa ngayon sabihin?” tanong niya.

Bahagya ko siyang hinampas sa braso. Hindi pa ako nakakapagpractice ng sasabihin sa kaniya. Saka kinakabahan nga ako.

“Basta mamaya na lang. Hintayin mo ako ro’n,” sabi ko na lang.

Buong araw iyon ang nasa isip ko. Bumuhos ang ulan bandang alas kuatro ng hapon. Nakauwi na ako bago pa iyon bumuhos. Pero naisip ko baka naghihintay na si Mond sa playground.

Nagmessage ako sa kaniya pero hindi naman siya nagrereply. I tried to call him pero nakapatay yata ang phone niya. Naghintay kaya siya ro’n? May masisilungan naman siya kung nandoon nga siya.

Tita Ferlie:

Kianna, nandito kami sa Ospital ngayon. Can you come here? Fermond needs you right now.

Kinabahan ako sa text ni tita sa akin; ang mama ni Fermond. Nagmadali akong gumayak at kumuha ng pamasahe. Hindi ko na nagawang magpaalam pa kila Mommy dahil sa pagmamadali.

Pumunta ako sa Ospital kung saan nandoon sila. Sa labas ng emergency ay naabutan ko si Tita na umiiyak. Agad niya akong niyakap nang makalapit ako.

“Si Fermond…Kianna, si Fermond…” nahihirapan na sabi ni Tita.

I don’t want to think about negative things. Pero nang lumabas ang doctor at hinanap ang relative ni Fermond, nanghina ako bigla. Lalo na nang marinig ko ang sinabi nito.

“I’m really sorry. Malakas ang naging tama sa ulo niya. Ang dami ring nawalang dugo sa kaniya. We tried…but we failed to save him.”

Para akong nabingi. What the hell happened? Okay pa kanina. Magkikita pa dapat kami ’di ba?

“Tita…what happened?” nanghihina kong tanong.

Umiiyak si Tita at nahihirapang magsalita. Dumating si Tito at inalo ang asawa. Napaupo na lang ako at napatulala. Napatitig ako sa payong kong hawak na basang-basa. Sobrang lakas ng ulan pero sinikap kong makapunta rito. At ito ang balitang aabutan ko?

Fermond is gone. Hindi ko man lang nasabi sa kaniya ang nararamdaman ko. Hindi niya man lang nalaman na mahal ko rin siya.

“He went to the old playground. Sabi niya ay may kikitain siya ro’n. Ang lakas ng ulan, ayaw ko siyang payagan pero mapilit siya. Then we received a call…” tumigil si tita sa pagsasalita dahil naiyak na naman siya.

“Isinugod sa Ospital si Fermond dahil naaksidente siya. Isang truck ang nakabundol sa kaniya habang naglalakad siya. Tumakas ang truck driver na nakabunggo sa kaniya. And…my son…he’s gone.”

Tears fell down like a rain drops. Walang tigil. Blanko ang isip ko at parang may malaking nakadagan sa puso ko. Nahihirapan akong huminga. Hindi magsink in sa isip ko na wala na siya.

It ended that way. My bestfriend, my comfort, my safe place…he’s gone. He’s gone without knowing my feelings for him. Regrets filled me. Sana pala sinabi ko na noon pa. Sana pala nagtake ako ng risk. Sana pala…hindi ko na pinatagal pa. Sana buhay siya ngayon kung hindi ko na pinatagal pa ang pag-amin sa kaniya.

-----------------------

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon