My head hurts really bad. Puro puti ang nasa paligid nang idilat ko ang mga mata ko. Marahan kong hinawak ang kamay ko sa ulo ko, may nakapa akong nakabalot dito. Anong nangyari? Bakit naka-benda ang ulo ko? Bakit nasa ospital ako?
Bumukas ang pinto kaya napatingin ako ro’n. Nakita ko si Luke na gulat na nakatingin sa akin. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Gusto yatang lapitan ako, pero gusto ring umalis.
“I’ll call the doctor,” sabi niya at agad umalis.
Tiningnan ko na lang ang mga kamay ko. May nakasaksak pa palang swero doon. Ano ba talaga ang nangyari sa akin? Wala akong maalala sa nangyari. Ang huling naaalala ko lang ay may date kami ni Luke. Naaksidente ba ako habang papunta sa meeting place namin?
Kumikirot ang ulo ko kaya tinigil ko na ang pag-iisip sa kung anong nangyari sa akin. Bumukas muli ang pinto at pumasok si Luke, kasunod niya ay ang doktor at isang nurse. Lumapit sila sa akin.
“Hello, Charm. Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ng doctor.
Tumingin ako kay Luke na tahimik lang at nakatitig sa akin. Naghihintay sa isasagot ko.
“Ayos lang po. Masakit lang ang ulo ko,” sagot ko.
May inutos ang doctor sa nurse na agad nitong sinunod. Lumapit sa akin ang nurse at sinuri ako. Hinayaan kong gawin niya ang dapat niyang gawin. Tahimik akong nanonood sa kilos niyang iyon.
Nang balingan ko si Luke ay nagtama ang tingin namin. May kung anong lungkot sa mga mata niya habang nakatitig sa akin.
“Alam mo ba ang nangyari?” tanong ng doctor sa akin.
Agad akong umiling. “Hindi ko maalala, doc. Ano po ba ang nangyari?” tanong ko.
Tumingin ang doctor kay Luke at bahagyang tumango ito. Bumaling ulit sa akin at tipid na ngumiti.
“Maaari ko bang malaman ang huling naaalala mo?” tanong niya muli.
Tumingin ako kay Luke. Tahimik siya kanina pa. Hindi ba siya masaya na nagising na ako? O sobra siyang nag-aalala sa akin kaya hindi siya makakibo?
“May date kami ni Luke. Magkikita dapat kami sa mall,” sagot ko.
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Luke nang sabihin ko iyon. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari matapos nung tagpong iyon sa amin.
Hindi na ako muling tinanong. Pinagpahinga ako ng doctor matapos akong i-check. Iniwan din ako ni Luke para makatulog daw ako, kakausapin niya pa ang doctor.
I stayed at the hospital for almost one week. Nabobored ako. Kaya nang sabihing pwede na akong makalabas ay laking tuwa ko. Maaga akong nagising nang araw na ’yon. Excited akong umuwi. Inaya ko agad si Luke na kumain kami ng pizza sa paborito naming pizza parlor.
“Babe, busy ka today?” tanong ko sa kaniya.
Kasasagot niya lang ng tawag ko. Wala naman siyang trabaho ngayon. Kahit ako ay wala naman ding ginagawa. Hindi ako pinapayagan nila Mommy na magbalik sa trabaho ko, sabi ay kailangan ko munang magpahinga at magpagaling.
[“No. Why? May gusto ka bang puntahan?”] tanong niya naman.
I smiled. “Let’s watch movie? May bagong labas ngayon, babe. I wanna watch it with you,” malambing kong sabi.
Natahimik siya sa kabilang linya. I heard his sigh.
[“I missed you, Charm. I miss you, babe.”]
Nagsalubong ang kilay ko at nagtaka. Nagkita naman kami nung nakaraang araw. Kahapon lang yata kami hindi nagkita dahil may inasikaso siya.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short Story©All Rights Reserved COLLECTION Started: September 2, 2024 Ended: Collection of my one shot stories. Photo in book cover is mine and captured by me. ^^ Romance ✔️ Tragic ✔️ Horror ✔️ Open ending story ✔️ Teen Fiction ✔️ Mystery Thriller ✔️