An eighteen years old me promised that I will be successful after ten years. I am now twenty five years old, I still have three years. Marami namang achievements, maraming opportunities na nakukuha. Pero hindi pa rin nakakarating sa mismong goal.
I want to built my own house. I want to built a business. Gusto kong suklian lahat ng hirap ng parents ko sa akin. Gusto kong mapagtapos ang bunsong kapatid ko ngayon.
“Tara kain,” aya sa akin ni Merys.
Kaibigan at the same time katrabaho ko siya. Mas mataas ang posisyon ko sa kaniya kaya kapag oras ng trabaho, isinasantabi ko muna ang pagkakaibigan namin. Alam niya naman iyon, sinabi ko sa kaniya na focus ako sa work at hindi ko isinasali ang personal na buhay.
Kapag pumapalpak siya, pinagsasabihan ko bilang mas nakatataas sa kaniya. Kapag tapos na ang work saka ko siya kakausapin bilang kaibigan ko naman. Naiintindihan niya naman ang gano’ng akto ko. Tatlong taon na rin kaming magkasama sa trabahong ito.
“Una ka na. Magdadala si Harvey ng pagkain ko,” sagot ko naman.
Harvey is my long term boyfriend. Four years na kami. Parehas naman kaming may trabaho, kapag oras ng break ko ay dinadalhan niya ako ng pagkain. Tatlong taon niya nang ginagawa iyon. Buti nga at hindi nagsasawa ang isang ’yon.
“Malapit na anniversary ninyo, a? Anong plano mo?” tanong ni Merys.
Nandito kami ngayon sa labas, sa may bench. Mauuna na siyang kumain dahil nilabas niya na ang baon niyang pagkain. Hinihintay ko naman ang dadalhin ni Harvey.
“Balak kong mag out of town kami. Kahit two days and one night lang. Magleleave ako,” sagot ko naman.
Tumango-tango naman siya. Nagsimula na siyang kumain. Inalok niya pa nga ako.
“Saan mo balak? May isang linggo pa bago ang anniversary ninyo,” aniya.
Hindi ako agad nakasagot dahil binabasa ko ang message ni Harvey. Papunta na raw siya. Nagreply ako na nandito ako sa may bench area. Alam niya naman kung saan ito.
“Thailand siguro. Depende pa. Pinagpipilian ko ang Thailand o Taiwan,” sagot ko kay Merys.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita ko na si Harvey na palapit. Agad sumilay ang ngiti ko at tumayo para salubungin siya. He hugs me. Hinalikan niya rin ako sa noo.
Inabot niya sa akin ang paper bag na may lunch ko. Inaya ko siya sa may bench. Kumakain pa rin si Merys at tumango lang kay Harvey. Binati naman ni Harvey si Merys at saka bumaling sa akin para asikasuhin ang pagkain ko. Nilabas niya ang mga iyon sa paper bag.
“I cooked this, babe. Umuwi ako kanina para magluto,” sabi niya pa.
Mainit-init pa nga ang adobo niya. Dalawang klase ang ulam na dala niya. Adobo at fried chicken. Alam na alam talaga niya na ang mga paborito ko. May mogu-mogu pa ngang kasama sa paper bag na dala niya.
“Thank you, babe!” natutuwang tugon ko naman. “Merys, kuha ka oh. Marami ’tong dala ni Harvey,” sabi ko naman sa kaibigan ko.
Lagi ko naman siyang binibigyan sa tuwing dinadalhan ako ng pagkain ni Harvey. Lagi niya ring pinupuri na masarap itong magluto. Totoo naman iyon. Kay Harvey nga ako natutong magluto ng iba pang putahe. Adobo lang ang alam kong lutuin noon, ngayon kaya ko na magluto ng kahit anong putahe.
Lumipas ang mga araw at napili kong sa Thailand na lang kami magpunta ni Harvey. Magfifile ako ng leave for three days. Hindi ko pa naman nagagamit ang leave ko kaya ayos lang kung tatlo agad ang magawa kong leave ngayon.
“Sorry, Dahlia. Pwede next week ka na lang magleave? Dami kasi nating kailangang tapusin this week. Tinambakan tayo,” sabi ng isang kasamahan ko.
Sayang naman. Plano ko pa namang magpunta nga kami ni Harvey sa Thailand para doon i-celebrate ang anniversary namin. Last year sa Boracay kami nagcelebrate. Bawi na lang next year siguro.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short Story©All Rights Reserved COLLECTION Started: September 2, 2024 Ended: Collection of my one shot stories. Photo in book cover is mine and captured by me. ^^ Romance ✔️ Tragic ✔️ Horror ✔️ Open ending story ✔️ Teen Fiction ✔️ Mystery Thriller ✔️