HIS POV:
People notice you when you’re good at everything. Ang iba sa kanila ay humahanga, ang iba naman ay naiinggit. Kung tutuusin, hindi ko naman gustong laging napapansin. Mas gusto ko pa na tahimik lang akong maglalakad sa hallway, na parang hangin lang ako para sa iba.
“Good morning, Ralph!” bati sa akin ng kumpon ng mga babae.
Tipid akong ngumiti at tumango na lang sa kanila. Sa simpleng akto na ’yon, nagdulot na ng kilig sa kanila. Palaging gano’n. Marami ang nagpapakita ng nararamdaman nila para sa akin, pero lahat sila ay hindi ko naman napapansin.
Siguro dahil hindi ko makita sa kanila ang hinahanap ko. Wala sa kanila ang mga bagay na gusto ko sa isang babae. Kaya patuloy ako sa paghahanap no’n. Hindi ako sumusubok pumasok sa isang relasyon dahil ayaw kong makasakit. Hindi ko pa nahahanap ang babaeng para sa akin.
“Bro, cafeteria tayo?” tanong ni Von.
Tango na lang ang naging tugon ko. Laging gano’n naman kasi ang routine namin kasama ang mga kaibigan namin. Araw-araw ay laging tumatambay muna sa cafeteria.
Doon ko nga unang napansin si Janine. Kaklase ko siya. Pero nung mga oras na ’yon, sa cafeteria ay nakita ko siyang mag-isang nakapila, wala ang kaibigan niya. Bahagyang salubong ang kilay niya habang naka-cross arms pa. Bahagya ring nakapout ang labi niya, siguro ay natural nang gano’n iyon, o dahil baka naiinip na siya sa pila. Pinanood ko ang bawat kilos niya nang mga oras na ’yon.
Hindi mapakali ang mga braso nito. Minsan ay naka-cross, minsan naman ay magkahawak iyon at nasa likuran niya. Minsan ay yumuyuko siya at bahagyang sumisipa. Bored na bored ang itsura niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti habang tinitingnan siya.
“Type mo ba si Phine?” tanong ni Von sa akin.
Agad akong umiling. Madalas nila kaming nakikita ni Phine na magkausap. Kaibigan ni Janine ’yon. Syempre magpapatulong ako sa kaibigan niya para mapalapit ako kay Janine.
Masyadong mailap si Janine. Ang sabi nila may gusto sa akin ’yon, pero bakit sa tuwing malapit ako, hindi niya ako pinapansin?
“Si Janine ang gusto ko,” sagot ko.
May kung ano akong naramdaman sa puso ko nang banggitin ko iyon. Siguro…nahanap ko na. Siya na ’yon. Siya na ang babaeng hinahanap ko.
“Si Ralph nga wala pang ginagawa kayang-kaya nang mapasagot ang mga babae kahit hindi siya manligaw,” sabi ni Tristan.
Natatawa ako sa sinasabi nila. Nandito kami sa tambayan namin sa cafeteria. Laging ako ang nagiging topic nila. Wala naman akong ginagawa, sadyang pansinin lang ako ng mga babae.
Sa gitna ng pagtawa ko ay napabaling ako sa gawing pintuan. Nandoon si Janine kasama si Phine. Hinatak na nito si Phine papunta sa pila. Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. Ang ganda niya talaga.
“Pumila ka na, Ralph. Nandoon na ’yung crush mo oh!” si Von, nang-aasar sa akin.
Nakangisi akong tumayo at lumapit din sa pila. Nasa harapan ko ang magkaibigan. Ang bango ni Janine. I really like her sweet smell.
“Wala man lang kasing pa-mix and match,” sabi ko.
Nagpaparinig lang sa crush ko. Pinaparamdam ko lang ang presensya ko rito sa likuran niya. Kaso walang epekto. Hindi man lang siya lumingon dito.
“Hindi naman pwede rito ’yon,” sagot ni Phine.
Nakatitig ako sa likod ni Janine. Nanatili siyang nakatayo lang at nakatuon sa harapan ang atensyon. Hindi man lang siya bumaling dito. Akala ko ba gusto rin niya ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/375973635-288-k35853.jpg)
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short Story©All Rights Reserved COLLECTION Started: September 2, 2024 Ended: Collection of my one shot stories. Photo in book cover is mine and captured by me. ^^ Romance ✔️ Tragic ✔️ Horror ✔️ Open ending story ✔️ Teen Fiction ✔️ Mystery Thriller ✔️