Binibini

8 3 0
                                    

“OMG! IT’S HER!”

“AAAHHHHHHHH!!!!”

“I LOVE YOUUUUU, AIAH!!!!”

“SOBRANG GANDA MO, AIAH!”

“AKIN KA NA LANG, AIAH! SOBRANG GANDA MO! PARA KANG SI MAMA MARY!”

Doon na ako nagreact. Bahagya akong natawa. Babae kasi ang nagsabi no’n. Kahit talaga babae naiinlove kay Aiah.

She’s really pretty. Totoo na para siyang si Mama Mary. Maamo ang mukha niya, sobrang ganda niya lalo na kapag ngumingiti siya. Naniningkit ang mga mata niya sa tuwing tumatawa o ngumingiti siya. And her words of wisdom, sobrang dami talaga at marami ka ring marerealize sa mga sinasabi niya.

Watching her while singing on the stage with her group. Ang ganda ng boses. Nasalo niya yata lahat ng talent na meron sa mundo.

“Galing ka sa fan meeting ’no?” tanong ng kapatid kong si Faye.

Nakangisi akong tumango. Nang-aaaar na tingin naman ang binigay niya sa akin. Dumiretso ako sa sofa at naupo saka isinandal ang likod.

Sarap sa pakiramdam. Nakakapagod ang biyahe at pila sa fan meeting. Pero worth it naman. I saw her. I saw Aiah.

“Sobrang adik mo kamo sa girl group na ’yan, Kuya. Hindi ka naman nila kilala,” sabi pa niya.

I pursed my lips. “Okay lang. Kilala ko naman sila,” sagot ko naman.

Pairap niyang iniwas sa akin ang tingin. Nagpunta na siya sa terrace kung saan nandoon ang ate niya.

Pinikit ko ang mga mata ko at sinandal na rin ang ulo sa sofa. Mukha ni Aiah ang pumasok sa isip ko. Ang ganda niya talaga. Sobrang amo ng mukha niya. Walang event tungkol sa kaniya ang napalampas ko. Lahat ng iyon pinupuntahan ko.

“Kuya, luto ka dinner ha. Kahit ano na lang,” sabi ni Chelsie.

Tinatamad na namang magluto ito kaya sa akin inuutos. Ako naman talaga ang nagluluto rito sa bahay, pero minsan kapag sinisipag si Chelsie ay siya na ang nagluluto.

Hindi na ako sumagot. Hindi naman na rin siya nagdagdag pa ng sasabihin. I took my phone in my pocket. Nang makuha ko iyon ay saka lang ako dumilat.

Ako:

I just got home. Take care there, okay? I love you.

Mamaya pa siguro magrereply ’to o kaya ay baka bukas na. Kaya nagpasya na akong magluto na ng dinner bago maligo. Sweet and sour fish ang napili kong iluto. Habang nagluluto nga ay pinapatugtog ko pa ang kanta nila Aiah. Ganda ng boses nila. Ang gaganda rin nilang lahat. Lalo na si Aiah. Sobrang ganda.

Nakatapos na akong magluto ng dinner namin. I checked my phone again. Wala pa ring reply. Busy pa siguro siya. Kaya naman nagstream na lang ako ng bagong music video nila Aiah. Mamaya pa naman kami kakain, hindi pa nagyayaya ang mga kapatid ko.

“Paano ka magkaka-girlfriend niyan, kuya. Puro girl group inaatupag mo,” si Faye.

“Kaya nga. Tapos puro anime or kdrama rin inaatupag. Kuya, hindi ka pabata,” dagdag naman ni Chelsie.

Natawa na lang ako. Gustung-gusto na talaga nilang makitang may girlfriend ako. Meron naman, hindi ko lang pinakikilala sa kanila. Hindi pa sa ngayon.

I love how peaceful our relationship is. Kapag busy siya, abala naman din akong manood ng kdrama o anime. Minsan naglalaro ako. Pero madalas, abala ako sa trabaho ko.

“Kumain na lang nga tayo,” aya ko sa kanila.

Sila ang nag-ayos ng mga gagamitin namin. Ako na ang naglagay ng kanin at ulam sa hapag. Kaming tatlo lang naman ang nandito sa bahay. Ang parents namin ay nasa isang bahay namin, sa kabilang lugar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon