Another Chapter

5 3 0
                                    

I don’t know if being a writer is good or not. Nandiyan ’yung nakakastress dahil hindi ka makapagsulat nang maayos. O kaya naman ay nauubusan ka ng lakas sa pag-iisip ng mga scenes na isusulat. Minsan pa mapapasabunot ka na lang sa buhok mo dahil walang pumapasok na kahit anong salita sa isip mo, hindi makagawa ng kwento.

Pero sa kabilang banda, maganda rin naman na maging writer. Sa pagsusulat nagagawa ko lahat ng gusto ko. Nailalabas ko ang mga gusto kong sabihin na hindi ko kayang sabihin sa personal. Nakakabuo ng story gamit ang malawak na imahinasyon.

Katulad ngayon, nagsusulat ako para sa lalaking mahal ko. Palagi’t palagi ay kasama siya sa bawat sinusulat ko. Kahit kaunting bagay na tungkol sa kaniya, nailalagay ko sa bawat storyang sinusulat ko. Ilang nobela na rin ang nagawa ko para sa kaniya. Iba pala talagang magmahal ang isang writer. Iba rin masaktan.

“Ay busy! Aayain sana kitang gumala,” sabi ni Mirasol.

Wala man lang siyang pasabi na pupunta siya rito sa amin. Nagulat na lang ako at bigla siyang nagsalita. Naupo na siya ngayon sa kama ko at pinanonood ang ginagawa ko.

Nagsusulat ako ngayon. Wala naman kasi akong ibang gawain, natapos ko na kanina. Ngayong araw ay nakalaan talaga sa pagsusulat ang oras ko. Kung aayain ako ni Mirasol gumala, baka hindi rin ako makasama. Kailangan kong tapusin ang sinusulat ko, para bukas ibang chapter naman.

“Gosh, Mariah! Si Nick na naman ang bida sa sinusulat mo? Hindi ka ba nagsasawa?” puna niya.

Bahagya na lang akong napanguso. Binabasa niya pala ang sinusulat ko ngayon. Anong magagawa ko kung palagi ay si Nick ang naisusulat ko?

Nick is my ex. Mahal ko pa rin kahit na matagal na kaming wala. I’m still hoping for another chapter of our love story. I’m still stock at the end, hoping for special chapter, or another chapter to continue the story.

Ako ang author, siya ang reader. Pero sa pagkakataong ito, sa kaniya ko inaasa ang pagpapatuloy ng kwento naming dalawa. If he still want me in his life, handa akong bumalik. O kung gusto niyang bumalik sa akin, handa ko siyang tanggapin.

“Baka kasi may pag-asa pa,” nasabi ko na lang.

Tiningnan ko ang huling naisulat ko bago dumating si Mirasol. Mga senaryo naming dalawa ni Nick. Mga bagay na nagawa na namin noon. Sinusulat ko iyon sa isang story ko. Ibang pangalan lang ang gamit ko, pero kung babasahin talaga at kung kilala kami ng magbabasa, malalaman na kuha ang idea na iyon sa amin ni Nick.

Nang bumaling ako sa kaibigan ko, inirapan niya ako agad. Alam kong sawang-sawa na rin siya sa paulit ulit na pagkukwento ko tungkol kay Nick. O sa paulit-ulit na paggamit ko ng mga naranasan namin ni Nick sa mga kwentong sinusulat ko.

“Bessy, wala na pag-asa. Ilang buwan na nga kayong no contact. Ikaw lang ang may pakielam. Siya wala na. Iniwan ka na nga ’di ba? Baka nga may bago na ’yon,” sunud-sunod niyang sabi.

Napabuntong hininga na lang ako. Palagi niyang sinasabi na baka mayroon na si Nick na bago. Pero wala naman akong nakikita sa social media account niya. Though sometimes there’s some reels na nakikita kong may likes niya or note.

Ayaw ko namang mag assume dahil lang doon. Mahilig pa naman maglike ng videos iyon kahit hindi naman siya nakaka-relate. Basta trip niya ang nasa post, ililike niya lang iyon. Sanay naman akong gano’n siya kaya hindi ko na rin masyadong pinapansin kapag nakikita ko ang mga videos na may likes niya.

Parehas kaming active sa instagram namin, pero hindi kami nag-usap pa ulit matapos nung break up namin. For me, nagbigay na ako ng closure. Handa naman akong magmove forward. Bigyan lang ako ng isang matinding dahilan para sumuko sa kaniya, gagawin ko talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 21 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon