“Babe, kinikilig ako! Ang ganda nung bagong story ni Jonaxx. Grabe! Natapos ko ’yon kagabi lang. Sobrang mixed emotions talaga palagi kapag story na niya ang binasa. I really love her talaga. Gusto kong makapunta sa book signing niya,” masiglang kwento ko kay Jayvi.
He’s my long term boyfriend. Three years and counting. Magkasama kami ngayon dahil date namin. Buti nga at nagkaroon siya ng free time. Sobrang busy niya kasi sa academic, malapit na ang exam nila.
“Nagpuyat ka na naman pala kagabi?” tanong niya, hindi pinansin ang ibang sinabi ko.
Tumango naman ako. “Oo. Tinapos ko kasi ’yung isang story,” sagot ko.
Naglalakad kami ngayon dito sa mall, naghahanap ng kakainan. Siya ang pipili dahil pihikan siya sa pagkain. Kung anong bet niya, doon na rin ako.
“Wala ka namang mapapala sa pagbabasa ng mga ganiyan. Ang hilig mo sa ganiyan,” sabi niya.
Hawak niya ang kamay ko. May nakita na siyang kainan na gusto niya. Pumasok kami ro’n. Hindi familiar sa akin ang mga pagkain na nasa menu. Japanese food kasi, hindi ko hilig ang gano’n.
Kaya naman siya na ang hinayaan kong mag-order ng pagkain na para sa akin. Alam niya naman na hindi ako mahilig sa maanghang, siya lang din ang nakakaalam ng pagkaing ganito.
“Try mo ’yan. Masarap ’yan. Ilang beses ko nang nasubukan,” sabi niya sa akin.
Hindi ko maintindihan ang pagkaing nakahain sa harapan ko. Nang magsimulang kumain ay parang nag-aalangan pa ako. Sa unang subo pa lang, naramdaman ko na agad ang anghang nito. Agad akong napainom sa tubig na nasa harapan ko. Tumingin siya sa akin at nagtataka sa inakto ko.
“Hindi ako kumakain ng maanghang,” sabi ko.
Nangunot ang kaniyang noo. Sarap na sarap siya sa pagkain niya, habang ako ay hindi na makaulit dahil maanghang ang inorder niya para sa akin.
“Gusto mo ’yung inorder na lang natin last time? Masarap ’yon,” sabi niya.
Last time? Ito ang unang beses na nagpunta kami rito. Hindi nga ako familiar sa kainan na ito. Paanong last time ang sinasabi niya? Nagpunta siya rito at iba ang kasama?
Hindi ako umimik. May kung ano akong naramdaman sa puso ko. Hindi na ako napakali matapos marinig ang sinabi niyang iyon. May iba na ba siya? Niloloko niya ba ako?
Nasagot lahat ng iyon isang linggo makalipas ng date namin. Nang subukan kong bumalik sa japanese food chain na iyon, nakita ko siyang may kasamang babae. Kung anong inorder ko last time, iyon ang kinakain nung babae ngayon. Kaya niyang kumain ng maanghang. Masaya si Jayvi sa kaniya. Kitang-kita ko rin kung gaano kainteresado ang boyfriend ko sa kung anong sinasabi nung babae.
Ang sakit. Bakit sa iba nagagawa niya iyon, sa akin na mismong girlfriend ay hindi?
“Let’s break up,” bungad ko sa kaniya nang ayain niya akong makipagkita sa kaniya.
Nagulat siya. “Bakit?” takang tanong niya.
Walang gana akong tumingin sa mga mata niya. Wala akong makitang sakit doon. Puno lang ng pagtataka. Gusto niya na rin sigurong kumawala sa relasyon naming dalawa.
“Para hindi ka na mahirapan. You’re cheating on me. I saw you and your girl. Pwede mo namang hiwalayan na lang ako kung ayaw mo na. Mas tanggap ko pa iyon, kaysa sa magcheat ka pa,” sagot ko.
Mahirap bitawan ang ilang taong pinagsamahan. Akala ko siya na hanggang dulo. Pero tinanggap ko na wala na talaga kami. It took two years bago ako sumubok ulit. Siniguro kong healed na ako kay Jayvi. Siniguro kong wala na talaga akong nararamdaman para sa kaniya, saka ako sumubok na muli sa iba.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short Story©All Rights Reserved COLLECTION Started: September 2, 2024 Ended: Collection of my one shot stories. Photo in book cover is mine and captured by me. ^^ Romance ✔️ Tragic ✔️ Horror ✔️ Open ending story ✔️ Teen Fiction ✔️ Mystery Thriller ✔️