“BUTTERFLY!”
Masiglang sambit ko nang may makita akong kulay brown na paru-paro. Ang laki pa nga no’n, ang laki ng pakpak niya.
I heard his chuckles. “You really love butterfly,” he said to me.
I smiled. Nanatili akong nakatitig sa nakadapong paru-paro sa dahon. Natigil pa nga ako sa paglalakad para mapagmasdan iyon.
“If I die, I want to be a butterfly.”
His arms snaked in my waist. Locking me in his embrace. I felt his hot breath in my cheek.
“Iyan na naman ang iniisip mo. Sa tuwing makakakita ka ng paru-paro, lagi mong sinasabi iyan,” malambing niyang bulong sa akin.
Bahagya akong natawa dahil sa kiliting dulot ng pagsasalita niya sa bandang tainga ko. Tinapik ko ang braso niyang nakayapos sa baywang ko.
Umalis na ang paru-paro. Lumipad na iyon at lumayo. Pero ang ngiti na naging dulot niya sa akin ay nanatili. Ang ganda ng paru-parong iyon. Gusto ko rin na maging gano’n pagdating ng panahon.
Gusto kong maalala ako ng mga tao sa pamamagitan ng paru-paro. Na sa tuwing makikita nila iyon, ako ang maaalala nila. Pero baliktad ang nangyari. Bakit siya ang nagsilbing paru-paro? Bakit ang lalaking mahal ko?
“Tumutulo na naman luha mo. Kanina ka pa nakatitig sa paru-paro na ’yan,” sabi ng kaibigan ko.
Hawak ko ang paru-parong nasa loob ng isang glass. Binili ni Rime sa akin ito, regalo niya noong magbirthday ako. Sabi niya kasi mahilig daw ako sa paru-paro, kaya ito ang niregalo niya. Biniro niya pa nga ako na siya raw ang butterfly na nasa loob ng glass. Ako raw ang glass. Nakakulong na siya sa akin. Hindi na makakawala pa.
Ilang araw matapos ang birthday ko, nabalitaan ko na lang na sinugod siya sa Ospital. Dead on arrival daw, naaksidente. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Parang bumagsak ang buong mundo ko nang marinig ko iyon.
At ilang linggo na ang nakalipas, hindi pa rin ako maayos. Umiiyak pa rin ako sa tuwing makakakita ako ng paru-paro. Lalo na kapag nakikita ko ang regalo niya sa akin.
“Remember that I am always here. This butterfly is me, baby. I am with you always. I love you.”
His message. Nasa card iyon kasama nitong regalo niya. He’s always here? Pero bakit wala naman siya. Iniwan niya naman ako.
“Life is so unfair ’no? Kung sino pa ’yung mabait, iyon pa ang unang kinukuha,” nasabi ko na lang.
Bahagya akong tinapik ng kaibigan ko sa likod bilang pagcomfort sa akin. Natuyo na ang luha sa pisngi ko pero nanatili akong nakatitig sa paru-paro.
“Baka may dahilan. Baka ibabalik din siya sa ’yo balang araw. Huwag mong sayangin ang buhay mo ngayon, Ally. Hindi magugustuhan ni Rime na ganiyan ka.”
Indeed. Nagpakita siya sa panaginip ko. He looks sad. Wala siyang sinabi pero ang mga mata niya ay puno ng emosyon.
And that was the time I realized that I am not in myself for months. Masyado akong nagpabaya sa sarili ko simula nung mawala siya. Kaya matapos no’n, inayos ko ulit ang sarili ko. Tinuon ko sa mga bagay na tingin ko ay makapagpapabago sa akin.
“Ang dalas mo rito,” sabi sa akin ng isang staff.
Ngiti ang tinugon ko. “Gusto kong nakikita lagi ang butterfly museum. Pati na rin ang likod kung saan mas maraming paru-parong buhay,” sagot ko.
Ngumiti siya sa akin. “Parehas po kayo nung isang lalaki na madalas din dito. Ganiyan din ang sagot niya sa akin nung tinanong ko siya.”
Napukaw no’n ang atensyon ko. Hindi ko alam na may iba pa palang bumabalik dito. Karamihan kasi ay mga naiisipan lang bumisita, halos hindi nga pamilyar ang nakikita ko araw-araw.
May tiningnan siya sa gawing likuran ko at ngumiti.
“Nandiyan na siya, Miss. Sabay na kayong pumasok sa loob,” sabi niya pa.
Nang bumaling ako sa sinasabi niya ay nakita ko ang lalaking palapit. Laglag ang panga ko dahil sa nakita. How come he’s alive?
Wait. No. Hindi si Rime ito. Magkamukha lang sila. Iba ang style ng lalaking ito. Ibang-iba kay Rime. Sa ayos ng buhok nito na naka-clean cut, sa pananamit na naka-polo shirt at slacks, may gold watch pa. Si Rime ay hindi ganito mag-ayos. Laging naka-shorts iyon, wala ring hilig sa relo.
“Sir, sabay na kayo ni Miss. Parehas kayong araw-araw nagpupunta rito,” sabi nung staff.
Bakit hindi ko siya nakikita kung gano’n? Baka masyado akong nakafocus sa mga paru-paro. Sabagay, halos lahat nga ng tao rito ay hindi ko naman napapansin din.
Tumango ang lalaki. “Okay. Let’s go, Miss?”
Hindi agad ako nakasagot. Pinauna niya ako sa paglalakad papasok sa loob ng butterfly museum. Hindi nakakasawang tingnan ito kahit na araw-araw pa.
“I’m Allysa. You can call me Ally,” pakilala ko.
Parehas kaming nakatitig sa isang malaking frame kung nasaan ang disenyong puno na maraming paru-paro. Mga paru-parong iba-iba ang kulay at laki. Ang ganda.
“I’m Light. Nice to meet you, Ally.”
His voice is like Rime’s. Bakit gano’n? Ito na ba ’yung sinasabi ng kaibigan ko na babalik sa akin si Rime pagdating ng panahon?
Totoo ba ang reincarnation? O nagkakataon lang lahat ng ito?
“You love butterfly because?” tanong niya sa akin.
Bumaling ako sa kaniya, nagtama ang paningin naming dalawa. Agad din akong nag-iwas ng tingin.
I smiled. “Because of him. My first love. He died.”
Hindi siya kumibo. Pinagpatuloy ko ang sinasabi ko.
“At first, I love butterfly because they’re pretty. They are free. I want to be free, too. Ang sabi ko noon kapag namatay ako, gusto kong maging paru-paro. Pero siya ang nawala, siya ang nagsilbing paru-paro para sa akin.”
“That was sad. I hope you’re fine now.”
I smiled a bit. “Yup. How about you? Why do you love butterflies?” I asked him, too.
He sighed.
“Because she loves it, too. Everytime she saw a butterfly, her eyes sparks. She’s staring at the butterfly with a smile on her lips. I love seeing her like that, that’s why I love butterfly, too.”
My lips parted. My heart is heavy. What is this feeling?
Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Nice to meet you, again. See you tomorrow? I need to go, I need to run some errands.”
Tango ang naging tugon ko sa kaniya. Ilang minuto akong nakatitig sa frame na puro butterfly. Nang maisipan kong pumunta sa likod kung nasaan ang totoong puno na maraming paru-paro, may isang paru-parong dumapo sa kamay ko.
Rime...
“Sabi nila, totoo ang reincarnation. Lalo na kung hindi ka kayang iwan ng taong nawala,” sabi ng kung sino.
Pero ang titig ko ay nanatili sa paru-parong kamukha nung nasa regalo ni Rime. Ang kaibahan lang ay buhay itong nakadapo sa kamay ko ngayon. Hindi umaalis, nanatili lang at nagpapahinga sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short Story©All Rights Reserved COLLECTION Started: September 2, 2024 Ended: Collection of my one shot stories. Photo in book cover is mine and captured by me. ^^ Romance ✔️ Tragic ✔️ Horror ✔️ Open ending story ✔️ Teen Fiction ✔️ Mystery Thriller ✔️