almost!

4.4K 118 2
                                    

Emily's POV
Lunch break ngayon at ang binili ko lang ay yogurt at apple, hindi sa diet ako, kundi ayoko lang mag heavy meal at magtagal sa loob ng canteen, kung saan nandoon ang grupo ni Alison. Nakita kong mag-isang nakaupo sa bench ang bestfriend kong si Toby.

"Hoy,Toby mag-isa ka na naman dyan." Agad akong naupo sa tabi niya ng makalapit ako.

"Wala naman sadya akong ibang kaibigan bukod sayo, kaya sino namang kakasamahin ko?"

Para sa isang lalaki ay napaka-mahiyain ni Toby, pero ito ang isa sa mga dahilan kaya naging magkaibigan kami.

"At isa pa pagti-tripan lang ako nina Alison kung sa canteen ako kakain." Patuloy na sabi nito habang kumakain ng burger. "E, ikaw bakit nandito ka?"

"Kagaya mo lang din, ayoko makita sina Alison, dahil baka hindi ako matunawan."

Nagkatawanan kami pareho.

"Sira ka naman kasi, eh. Kung napayag ka na ba kasing maging kayo ni Alison, panigurado sarap buhay ka na at pati ako." Sabi nitong nagtatawa pa rin.

Tama naman ito, kung sakali nga na maging kami ni Alison, one million and one percent sure na wala ng mangbu-bully sa akin at kay Toby, pero hindi ko gustong gamitin si Alison, kahit pa nga masama ang ugali nito. Hindi ko magagawang makipagrelasyon kay Alison, kung hindi pag-ibig ang dahilan.

"Kumain ka na nga lang,  walang pag-asa na makawala tayo sa mga bully."

"Bakit, wala ba talagang pag-asa na magustuhan mo si Alison? Bulag ka ba, Em?" Talagang hinarap pa ako nito at tiningnan sa mata. "Lahat halos ng tao pinapantasya si Alison DiLaurentis... well pati nga ako crush ko yun, eh." Nag yuko ito ng ulo ng sabihin iyon.

Napatingin ako dito, dahil ngayon lang nito hayagang sinabi na gusto nito si Alison.

"Seryoso ka ba, Toby? Crush mo iyong Queen of Mean na yon?"

"Seryoso ako! Bakit naman ang hindi, napakaseksi at napakaganda ni Alison, lalo na pag ngumingiti, para siyang isang anghel na bumaba dito sa lupa." Parang nangangarap pa na sabi nito.

"Anghel na bumaba sa lupa? Baka naman anghel na ipinatapon dito sa lupa, dahil sa sama ng ugali." Naka-ismid kong sabi.

"Ewan ko sayo, Emily. Wala ka ng nakita kay Alison kundi negative."

Hindi na ako nag salita, at ganoon din ito. Nang matapos kaming kumain ay sabay na kaming bumalik sa classroom.

===================

"Uuna na ako, Toby." Pamamaalam ko dito.

Nasa labas na kami ng school building, pero sa halip na sumagot ito ay may pasimple itong itinuro sa akin, pagtingin ko doon at nakita ko si Alison, nakatayo sa may kotse ko.

"Goodluck, Em." Bulong ni Toby.

Wala na akong nagawa kundi ang lumapit sa kotse ko.

"Em?"

Pasakay na ako ng tawagin ako ni Alison.

"Ano na naman bang kailangan mo?" Bakas na naman ang inis sa boses ko.

"I just want to talk to you."

"Kailangan ko ng umuwi, hinihintay na ako ng Mom ko." Sabi ko saka tuluyan na akong sumakay sa kotse.

Nagulat naman ako ng sumakay din si Alison sa passenger side, napatingin ako dito, nagtatanong.

"I told you, kailangan kitang maka-usap."

Nakadama akong lalo ng inis dito.

"Ano bang gusto mong pag-usapan? Ipipilit mo na naman ba ang sarili mo sa akin!" Tuluyan ko na itong hinarap. "Hindi ka man lang ba nahihiya sa sarili mo, ha Alison? Ilang beses na kitang tinanggihan at wala akong pakialam sa mga offers mo. Hindi kita gusto, at hindi kita magugustuhan kahit na kailan!" Pasigaw kong sabi dito.

"Emily, please."

Iyon lang ang nasabi nito, dahil kita kong parang naiiyak na ito, pero wala na akong magagawa nandito na ito, kaya itutuloy ko na, para naman kahit paano ay makabawi ako sa mga pinaggagawa nitong kasalanan sa akin, sa girlfriend ko, at sa lahat.

"Please, what?" Nilapit ko ang mukha at sarili ko dito. "Eto ba ang gusto mo, Alison." Sabi ko saka marahas ko itong hinalikan, tuluyan ng nag dilim ang paningin ko, wala ng nasaisip ko kundi ang makaganti dito, kung saan-saan na gumala ang isang kamay ko sa katawan nito, habang ang isa ay nakasabunot sa buhok ni Alison, para mas maidiin ko ang paghalik dito, bumaba sa leeg nito ang mga labi ko, saka ko marahas na nilamas ang isang dibdib nito, malakas na napasinghap sa sakit si Alison, at ito ang nagpabalik sa katinuan ko, lumayo ako dito, at nakaramdam ako ng awa at pagsisisi ng makita ko ang itsura nito. Walang salitang lumabas ng kotse ko si Alison.

'God, I almost raped her!'

Inis na nasabunutan ko ang sarili ko, pagkatapos ay frustrated akong sumubsob sa manibela.

Emison fan fic GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon