done with you!

2.6K 60 0
                                    

Alison's POV
It's been a month and a half mula noong kausapin ako nina Hanna at Sharpay tungkol sa naging 'thing' umano nila kay Emily and guess what, kahit dalawa na silang nagsabi sa akin na pareho ko pang trusted friends ay hindi ko pa din iyon pinaniwalaan. Mas ginusto ko pang makita mismo ng mga mata ko ang panlolokong ginagawa pala ni Emily sa akin.

Flashback
Right after na dumating sa ospital si kuya Jayson para sa mag-ina nito ay nagpaalam na agad ako, para asikasuhin ko naman ang sarili kong problema. Pagdating ko sa bahay ay wala si Emily, hindi ko alam kung nasaan at wala akong pakialam, (atleast yan ang pinipilit kong maramdaman). Dumiretso ako sa kwarto ko at hinalwat at pinagtitingnan ko ang mga gamit ni Emily na nandoon. First time kong ginawa iyon, I don't even know why I am doing this, maybe I'm trying to find some evidences na magpapatunay sa ginagawa diumanong panloloko sa akin ni Emily. I didn't found anything na magpapatunay na nambabae si Emily, pero nakakita ako ng ilang maliliit na sachet ng white crystalized powder, also know as shabu at marijuana kasama ang ilang drug paraphernalias sa loob mismo ng closet nito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa pagkakatuklas ko sa pagiging addict pala ng taong mahal na mahal ko. I tried to asked myself kung paanong natutong gumamit ng mga ganito si Emily. Ang kilala ko kasing Emily Fields noon ay ang star swimmer ng D.L.I.S. isang athletic at napaka health concious na tao. Tapos ngayon bigla-bigla isa na itong drug user, drug addict! How come? I did the first thing that came into my mind, dinala ko sa cr ang mga iyon, binuksan ko isa-isa ang mga sachet at itinapon ko lahat iyon sa toilet bowl, saka ko flinush. Ang mga plastic at ibang gamit na hindi pwedeng i-flush ay itinapon ko sa garbage bin na nandoon din sa loob ng banyo at bigla napatingin ako sa katabi nun, ang laundry basket. Linapitan ko iyon at dinampot ko ang damit na walang ayos na nakalagay doon at nakita ko agad ang lipstick stain sa may collar ng damit na iyon, I'm very sure that is not my color. Inamoy-amoy ko pa iyon at galit na itinapon ko ang 'basurang' iyon sa trash bin. I want proof and I saw it!

Later in the afternoon ay dumating si Emily. I tried myself so hard to act normal, because I still have plans and I don't want to ruin it. Nang magpaalam sa akin si Emily after namin mag dinner ay tumango lang ako at dumiretso na ako sa bed para matulog ng maaga kunwari, pero pagkaalis ni Emily ay inopen ko agad ang laptop ko and there alam ko na agad kung saan ko susundan ito. Nag jacket lang ako at dumiretso na ako sa kotse ko, dala ko pa rin syempre ang naka open kong laptop. Mayroon kasi akong ipinakabit kay Caleb na tracking device sa kotse at cellphone ni Emily na ngayon ko pa lang gagamitin. Ipinasok ko ang kotse ko sa isang cheap na motel at dumiretso ako agad sa information desk.

"Good evening, Ma'am. Ano pong maipag-"

Naputol ang sasabihin pa sana ng babaeng nandoon ng ibagsak ko sa desk nito ang isang sobre na nakabukas at may nakalabas na lilibuhing papel. Kita ko ang panlalaki ng mata nito.

"Give me the keys in room 410 and that money is all yours!" Maautoridad kong sabi.

Wala namang pag-aalangan nitong inabot sa akin ang susi, saka gahamang kinuha nito ang sobre ng pera. Agad ko naman tinalikuran at iniwan na ito at tumuloy na ako sa talagang pakay ko. Pagtapat ko sa kwarto ay agad kong isinuksok sa keyhole ng doorknob na may nakasabit pang 'don't disturb' ang susing dala ko and there bumukas ang pinto at tumamba sa akin ang babaeng blonde na nakahubad habang nakaupo sa ibabaw ng magaling kong girlfriend. Nagulat ang mga ito at galit pa nga na napabalikwas ng bangon si Emily at ng makilala ako nito ay agad nitong itinulak ang babaeng nakaupo sa ibabaw nito.

"Alison, this is not what it's look like."

Bumangon ito at lumapit sa akin at ano pa nga ba ang dapat kong gawin kung hindi ang harapin ito ng isang ubod lakas na sampal na nagpasakit lang din sa palad ko, pero wala pa iyon kumpara sa sakit na nasa loob ko.

"It's not what it's look like... really, Emily? I was not born yesterday! Kaya wag mo akong gawing tanga! You are with that naked fucking slut in this cheap motel room! Anong gusto mong isipin ko? Na nag gegeting to know each other lang kayo dito!" Dire-diretsong litanya ko.

"Baby, please listen to me."

Tinangka nitong hawakan ako, pero sinampal ko lang ulit ito.

"I wasted so much time on you!"

"Ali?"

"I'm done, Emily! I am so done with you!" After that ay umiiyak na akong umalis.

End of flashback

Ilang beses pa akong tinangkang kausapin ni Emily, pero dahil sa sobrang sakit ng ginawa nito sa akin ay hindi ko kayang makaharap pang muli ito. Hindi ko naman magawang magtago nalang ulit kagaya ng ginawa ko 5 years ago. Ngayon ay mga dapat na akong isaalang-alang. Hindi na ako ang 16 years old na little girl. Nagkaroon pati ng malaking problema ang airlines namin dahil may nag crashed na international plane, na sa kasamaan palad ay walang naging survivors. Kinailangan kong tulungan sina kuya Jayson sa pagsasaayos nuon.

"Ms. Alison, Mr. Toby Cavanaugh is here. He said that he want to talk to you, should I let him in?" Boses iyon ng secretary ko sa intercom.

"Yes, send him in."

Naisip ko lang ano ang kailangan ni Toby sa akin para puntahan ako nito dito sa office ko.

There is a light knock on the door at ng bumukas nga iyon ay iniluwa nuon ang makisig na Mister ng isa sa mga bestfriends ko si Spencer.

"Hey! What a surprise!" Bati ko dito after naming mag beso sa isa't-isa. "Have a seat."

"Shana, dalhan mo kami ng coffe." Utos ko sa secretary ko through intercom. "Napasyal ka Toby? Is Spencer and Ias okey?" Nag-aalalang tanong ko.

"They are both fine. Well, actually they are more than okey." He let out a light chuckle.

Makikita talaga sa mga mata nito na mahal na mahal nito ang pamilya nito. He look so happy and contented.

"Okey! So, ano ang atin?" Nakangiti at curious kong tanong.

"This is about Emily."

Agad na nabura ang ngiti sa labi ko sa sinabi nito at napabuntong-hininga pa ako.

"I don't want to be rude, Toby... but I have a lot of works to do... so, if you'll excuse me!" Pasimpleng pagtataboy ko dito, habang binubuklat ko na ang mga folders sa table ko.

Emison fan fic GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon