My baby is back!

3.4K 82 1
                                    

Alison' POV

"Aunt Ali!"

"Ninang!"

Agad na bati at salubong sa akin nina Jay-cee at Craig, parehas na yumapos ang maliit nitong mga braso sa leeg ko ng yumuko ako sa level ng mga ito, nakakuha din ako ng tig isang kiss sa magkabila kong pisngi.

Jay-cee is two years old and Craig is one.

"Alison, I've missed you so much." Agad din akong niyakap ni Cece ng tumayo ako.

Napansin ko malaki ang tiyan nito.

"Buntis ka na naman?" Yan ang hindi makapaniwalang bati ko dito, matapos kaming mag bitaw sa yakap.

Ang mag-iina kasi ang sundo ko dito sa Airport.

"Well, yes. Five months na." Hinimas pa nito ang tiyan.

"Wow, ha! Ilan ba ang balak ninyong anak ni kuya?"

"Eh, ewan ko... basta, saka wala pa kasi kaming baby girl."

"Ganun? Kaya kailangan taon-taon buntis ka?" Nakataas ang kilay ko.

"Pwede mamaya mo na ako tarayan? Umuwi na muna tayo sa bahay."

"Fine!"

Hinawakan ko na sa magkabila kong kamay ang dalawa kong cute na mga pamangkin, naipasok naman na ng driver sa sasakyan ang lahat ng mga bagahe ko.

"Aunt Ali, do I have choklates(chocolates)?" Tanong sa akin ni Jay-cee.

"Ofcourse, baby. Mamaya pagdating natin sa bahay, ibibigay ko ang mga chocolates and toys na dala ko para sa inyo,"

"Aw(how) 'bout me, Ninang?" Hinarap ako ng kalong kong si Craig.

"Pwede ba namang mawalan ang ninong ko?" Humagikgik ito ng kilitiin ko.

Ninong kasi ang tawag ko kay Craig, wala lang inaanak ko siya, e.

"Kung gaano kadami ang dala kong chocolates for kuya Jay-cee, syempre ganun din ang para sa ninong ko."

May pagpalakpak pa talaga ang dalawang makukulit na bata. Nakangiti namang nakatingin lang sa amin si Cece.

=================
Pagka park pa lang ng Montero sa garage, ay agad ng may nag bukas ng pinto sa tabi ko at tumitili at tumatalon-talon pang niyakap ako ni Hanna.

"Han? Hanna, relax... Hmmp! Pwede pababain mo muna ako." Niyayakyak ako ng husto nito.

"Aunt Hanna, iipit ako." Reklamo ni Craig.

Lumayo naman na si Hanna at bumitaw na sa akin.

"I'm sorry, baby." Pag baby talk nito kay Craig.

"Yaya, pakikuha nga muna si Jay-cee at Craig." Narinig kong sabi ni Cece.

"Come, Craig." Aya ng yaya kay Craig.

"Ninang, yung choklates and toys ko?"

"Later, ninong. Sama ka na muna kay yaya, ha."

Nagpa buhat na nga ito sa yaya at si Jay-cee naman ay nakita kong akay na din ng yaya nito.

Bumaba na ako ng sasakyan at halos matumba ako ng dambahin ako ng yakap nina Spencer, Aria, at ng parang bata na si Hanna. Buti na lang buntis si Cece, dahil kung hindi ay Hanna the second pa ito. Natawa nalang akong yumakap din sa tatlo.

"My God! Ali, sobrang na missed ka namin. Limang taon kang hindi nagpakita man lang." Sabi ni Spencer na bumitaw na sa pagyakyak este pagyakap sa akin.

"Sinadya ko yun, Spence." Birong totoo kong sabi.

"Ganun? Grabe ka akala ko nalimutan mo na kami, e." May pagka emotional namang sabi ni Aria.

"Pwede ba naman yun?" Muli kong niyakap ito.

"Alison? Nasaan ang mga pasalubong ko?" Tanong naman ni Hanna, na hindi ko napansing wala na pala sa tabi ko, nandoon na ito sa mga bagahe ko at binubuksan na.

"I missed you too, Han." Pang aasar kong sagot dito.

Parang walang lumipas na mga taon, kahit hindi ako nagpakita ng limang taon ay nanatili ang strong bond ng friendship naming lima.

Tuloy ang kumustahan, kwentuhan, kulitan, at tawanan namin.

Pero may isang tao pa din akong iniisip.

'Kumusta na kaya siya?'

==================
Emily's POV
Nasa condo lang ako ngayon, wala naman talaga sadya akong pupuntahan. Inaaya ako ni Paige na mag swimming ulit sa country club nila, pero tumanggi ako. Sabi ko nalang busy ako, ayoko na ngang makasama iyon ulit.

Pinalitan ko ang suot kong panjama kagabi. Gray na sports bra at black na leggings, nag suot din ako ng rubber shoes, at itinaas ko ang buhok ko, saka nag start na akong mag gym dito sa unit ko, actually sa trendmill lang naman talaga ako, siguro mga one hour lang dito at burn na ang lahat ng fats ko, sa katunayan wala naman talaga akong fats, masyado lang talaga akong conscious sa body figure ko.

Nakikinig ako sa tv, pero hindi ako nanunuod. Tagaktakan na ang pawis ko pero sige pa din ako sa pag run in place.

Maya-maya ay naagaw ang pansin ko ng News Caster sa breaking news, dahil binanggit lang naman nito ang pangalan ng taong laging laman ng puso, isip, at mundo ko, si Alison DiLaurentis.

"Alison DiLaurentis, the youngest daughter of the business magnet, Don Kennet DiLaurentis is back." Sabi ng News caster habang pinapakita ang video footage na kuha sa airport.

Parang wala sa sarili akong lumapit sa tv, at hinaplos ko ang mukha ni Ali sa screen. Parang naluluha ako habang tinitingnan ko si Alison, napakaganda pa rin nito. Hanggang ngayon ay akmang-akma pa rin dito ang salitang 'perfectly beautiful'.

May itinanong dito ang reporter at -

"Yes, I'm staying here for good, to help my brother, to manage all our business." Seryosong sabi nito.

Tapos nawala na ito sa screen at bumalik na ulit ang News Caster, and then nag commercial na.

'She's back. My baby is back.' Hindi makapaniwalang sabi ko sa sarili ko.

==================
"I need to see her... but how?"

Pacing back and fort lang ang drama ko dito sa living room ko, hawak ko ang cellphone ko. Maya-maya ay nag dial ako.

Tel. con.

Me: Hello? Mona, this is Emily. Emily Fields.

Mona: Wow! The famous favorite pet of Alison DiLaurentis is calling me? Is this for real?

Me: Cut the sarcasams, will you?... I called, because I need your help.

Mona: You called me and now you are asking for my help? Yung totoo, mag-e-end of the world na ba?

(I rolled my eyes sa inis ko, ayoko lang patulan ito dahil may kailangan nga ako.)

Me: Mona please, alam kong hindi tayo close pero atleast civil naman tayo sa isa't-isa. I really need this favor. (I tried to be sound helpless. Which is true anyway.)

Mona: Okey, fine. Ano ba iyon?

Me: I want you to organize an event, our batch reunion.

Mona: Wow! Emily, are you serious?

Me: I am. Please, I know you can do this. Walang problema sa gastos, sagot ko na lahat.

Mona: Fine. Come here to my office, para ma discuss natin ng maayos yang reunion thing mo.

Me: Thanks Mona, you are an angel. Bye.

End of con.

Emison fan fic GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon