Emily's POV
Kinabukasan ay past 9 na ako nagising agad akong dumiretso sa cr- nagshower, nagtoothbrush, tapos nag bihis na ako, nag make-up, at inayos ko na din ang buhok ko."Mom, aalis po muna ako!" Agad na pamamaalam ko.
"Aba! Hindi ka ba muna kakain? Kagabi ka pang hindi nakain, ah!"
"Sa mall na lang po ako kakain. Bye, Mom!" Humalik na ako sa pisngi nito saka tuluyan na akong umalis.
Nag taxi na lang ako at sa Ias' ako nagpahatid. Magpapasama kasi ako kay Toby sa mall. Well, sana pumayag yung bestfriend ko na iyon! Sabagay hindi man iyon pumayag, eh siguradong magbabago ang isip nun pag nalaman kung ano talaga ang pakay ko sa Mall. Pagpasok ko ng cafe ay agad ko ng nakita si Toby.
"Hoy, Bestfriend!" Bati ko.
"O, Em naligaw ka! Aga mo, ah!"
"Samahan mo ako sa mall." Lambing ko dito.
"Ngayon na ba?"
"Oo, tara na!" At hinila ko na nga agad ito.
Wala naman na itong nagawa kundi ang mag bilin sa mga tauhan nito. Kotse din nito ang ginamit namin. Ayos! Nakatipid na ako sa gas, may driver pa ako! Bwahaha! Pagdating namin sa mall ay sa jewerly shop agad kami dumiretso. Kanina pa, sa sasakyan pa lang ay tumanon na ng tumanong si Toby, kung ano ba daw ang gagawin namin sa mall.
"Ano bang ginagawa natin dito, Em?"
Pangungulit nito habang patingin-tingin ako sa mga singsing sa istante.
"Magpo-propose ako kay Ali, kaya tumahimik ka na lang dyan at tulungan mo akong humanap ng magandang singsing na babagay sa kanya!"
Kita kong ngumisi ito pero hindi na nga umimik at tumingin-tingin na din sa mga singsing.
"Ma'am, Sir, ano pong hanap nila?" Tanong sa amin ng magandang sales clerk.
"We are looking for a ring! Magpo-propose kasi itong bestfriend ko!" Nakangiting sagot ni Toby sa babae saka inakbayan pa ako.
Tumingin ng malagkit at may pagpapa cute sa akin ang babae, at alam ko na agad na natypan ako nito! But I'm sorry nagbago na ako, I only have eyes for my one and only beautiful girl- si Alison DiLaurentis. Hindi ko lang talaga maintindihan ang mga babae na ang bilis ma-attract sa akin, Tsh!!!
"Ang swerte naman Ma'am ng pagpo-proposan nyo!" May panghihinayang at pananaghili pang kumento nito.
Ngumiti na lang ako.
Naglabas na ang babae ng ilang mga singsing na pwede naming pagpilian- pero wala akong matipuhan!
"Ano, Em? Eto okey sayo?" Makailang tanong na ni Toby sa akin.
"Hindi, eh! Parang masyadong ordinary ang mga ito!" Nakasimangot ko ng sabi. "Miss, wala ba kayong something classy pero unique, yun bang wala talagang katulad!" I'm trying to explain what I want, dahil sobrang special sa akin magsusuot nun, kaya dapat lang na extravagant talaga ang ring na mabili ko.
"Ahm! Ma'am, I'm the owner of this store and I heard that you are looking for a very special ring!"
Isang mukhang matrona ang babae na nalingunan ko/namin, pero napaka elegante ng itsura nito at mukhang mabait.
"Yes po! Sana talaga, e yung special at walang katulad!"
"Meron akong ganyan, iha... pero hindi biro ang halaga!"
"No worries! Kahit magkano pa yan! I don't care!" Malakas ang loob ko dahil alam kong walang limit ang card na binigay sa akin ni Dad. "Maaari ba naming makita ang sinasabi ninyo?" Excited ako dahil feeling ko iyon na ang hinahanap ko.
"Sumunod kayo sa akin!" Sabi ng ginang.
Pumasok kami sa opisina ata nito iyon at lumapit ito sa isang volt, tapos pagbalik ay may hawak na itong red box at ng buksan nito iyon ay literal akong napanganga!
Sakay na kami ngayon ni Toby sa kotse, ihahatid na nito ako sa bahay ng parents ko. Pangiti-ngiti lang ako habang kinakapa ko ang kaheta sa breast pocket ng jacket ko.
"Shit, Em! Hindi ako makapaniwala sa presyo ng kapiranggot na alahas na yan! Grabe kasinghalaga na ng isang grandyosong mansion, eh!" Halata talaga sa mukha nito ang hindi pagkapaniwala.
"Just for my precious Ali! I don't care kahit magkano pa ito!" Malapad ang ngiting sabi ko.
"Ay, bestfriend ikaw na talaga!"
Pagdating namin sa bahay ay nagpasalamat na lang ako kay Toby, hindi na kasi ito bumaba dahil kailangan na daw agad nitong makabalik sa Ias'.
Pinakita ko din kay Mom and Dad ang singsing na nabili ko at kagaya lang din ng unang reaksyon ko. Napanganga din ang mga ito at ng malaman ni Dad ang presyo ay mas lalong napanganga ito. Sabi pa nga ni Dad, napasubo daw yata siya. Nagtawanan lang naman kami ni Mom.
May plano na ako kung paano akong magpropopose, na print ko na din ang props ko at naihanda ko na din ang susuotin ko.
'Tomorrow is the day!'
Hindi ko na pinansin ang cellphone ko kahit pang hindi man lang iyon tumutunog. Pababayaan ko na muna ang sintenmyento ng mahal ko, tutal bukas naman eh, pasasayahin ko na ito. Pero sana nga lang talagang tama si Mom sa hinala nito. Kahit naman kasi alam kong mahal ako ni Alison ay natatakot pa rin akong ma reject.
Ay ano ba yan? Dapat positive lang! 'All is well' naniniwala ako ke Ranchoddas Shamaldas Chanchad!
BINABASA MO ANG
Emison fan fic GxG (Completed)
Fanfictionthis has nothing to do with the story in pretty little liars.