she can be a perfect Mom

3.3K 74 1
                                    

Alison's POV
Nakapikit lang ako pero hindi pa ako tulog at ng mag goodnight sa akin si Emily and she called me Mrs. Alison Fields, gusto kong harapin ito para mahalikan ko ito at mayakap ng mahigpit dahil sa sobrang saya ko, pero ewan ko ba kung bakit hindi ko ginawa. Pansin ko din na may ilang araw na nga din na lagi kong nasusungitan si Emily. Hindi ko din talaga maintindihan ang sarili ko, basta ang bilis uminit ng ulo ko pagdating dito, pero natawa naman ako ng itanong nito kung buntis daw ako. Makatanong akala mo ay may kakayahang makabuo, hambalusin ko nga ng unan, napaka assuming, eh. Actually atag din akong laging pakiligin nitong si Emily, kagaya ng pagpropose nito, na para sa akin ay napaka wierd, pero ewan ko ba, basta masaya ako dahil at last matutupad na ang pangarap kong makasal din sa taong mahal ko, kagaya ng mga bestfriends ko. Malapit na din akong maging bride and soon to be Mrs. Fields. Ang mga ideas ni Emily about sa wedding, sa totoo lang kinikilig ako pero hindi ko maipakita. Basta feel ko lang laging mainis at mag sungit. Nag-eenjoy ako pag napapasunod ko si Emily at lalo na pag inaamo ako nito ay mas lalo kong ginagawa ang asal ko. Naisip ko lang, ang sarap na nga ng feeling na ganito kami ni Em, ano pa kaya kung mag-asawa na talaga kami? Hinawakan ko ang kamay nito na nasa tiyan ko at dahan-dahan akong humarap dito. Hinaplos ko ang pisngi nito, naisip ko pag sinusungitan ko ito at mag-aasta itong parang bata- so cute and so adorable talaga nitong babaeng ito! Bahagya kong pinisil ang pisngi nito saka ko hinalikan ito sa labi, then sumiksik akong lalo sa katawan nito at saglit pa ay naka tulog na din ako.

===================
Muli na namang nanganak si Cece sa ikaapat na nilang anak ni kuya Jayson. Sumaglit lang ako sa ospital at nadatnan ko na doon ang tatlo kasama ang mga asa-asawa ng mga ito. Hindi na din naman ako nagtagal dahil alam kong nasa bahay ang tatlo kong mga pamangkin at mag-isa lang doon si Emily, alam ko kasing kahit nandoon ang mga yaya ng mga bata ay mapapagod pa din ito.

Pagpasok ko sa front door ay agad akong inikutan ng tatlo nina Jaycee, Craig, at Aika. Nagsipagtago ang mga ito sa binti ko dahil habol ang mga ito ng nagkukunwaring monster na si Emily.

"RAWR!!!" Atungal kunwari ni Emily na nag-ko-crawl sa sahig.

Napatayo ito at pumormal ng makita nitong nakapamewang ako, agad din nitong iniluwa ang fake fangs na nasa bibig nito saka humalik sa akin.

Pigil na pigil naman ang tawa ko sa itsura nito na akala mo ay constipated na ng ilang araw.

"Hi, baby! Naglalaro lang kami ng mga bata." Pagpapaliwanag nito ng makita nitong nakataas ang kilay ko.

"Naglalaro? Eh, tinatakot mo kaya ang mga ito!"

"Hindi naman, eh! Di ba kids naglalaro lang tayo?" Kinutsaba pa nito ang tatlo.

Umalis na nga ang mga ito sa may binti ko at lumapit na kay Emily, si Aika nga ay nagpabuhat pa dito.

"Right, Aunt Ali! We are just playing and we love playing with Mama Em!" Si Jaycee.

"Ninang, Mama Em is kind! She don't scare us, so please don't get mad at Mama Em!" Si Craig.

"Love, love, Mama!" Kumiss pa sa pisngi ni Emily si Aika.

They looked so adorable at makikita talaga ang attachment ng mga bata dito, katunayan ng mula ng makilala ng mga ito si Emily, ay Mama Em na ang tawag ng dalawa nina Jaycee at Craig dito na kahit sawayin ni Cece, eh balewala sa mga ito, kaya naman iyon na din ang nakasanayan ni Aika na tawag dito. Ang pamangkin kong si Aika na pinaglihi nga pala talaga ng hipag ko kay Emily.

"See, Baby! We are just playing, you know that kids don't lie!"

Napangiti na lang ako ng magkakasama ng umakyat ang mga ito, naisip ko lang for sure kung magkakaanak kami magiging super duper great Mom si Emily.

===================
Nandito na kami sa bed ngayon, nakaunan si Emily sa tummy ko habang hinahaplos-haplos ko ang buhok nito. Halata kong pagod na pagod ito dahil maghapon na daw na naglaro ito at ang mga bata, tapos ngayon nga ay kapapatulog lang nito sa mga iyon.

"Em?"

"Yes, baby!?"

Napangiti ako dahil kahit alam kong pagod na pagod ito ay napaka enthusiastic pa din ng boses nito.

"Do you want us to have our own baby or babies someday?"

"Honestly, I don't want to!"

Napatigil ang paghaplos ko sa buhok nito. Akala ko kasi since mahilig ito sa mga bata, eh gusto nito na magkaroon kami ng sarili naming anak pero parang mali ata ako. Umangat ang ulo nito mula sa tiyan ko at hinarap ako.

"Akala ko gusto mong magkaanak tayo." Malungkot kong sabi dahil ako sa sarili ko gusto kong magkaanak kami kahit isa man lang.

"Babe, don't be sad! Ofcourse I love to have babies, lalo na at ikaw ang Mommy ng mga magiging anak ko!"

Ikiniss pa ako nito sa lips at hinaplos pa ang pisngi ko.

"Talaga?"

"Talagang, talagang-talaga!"

Pinisil nito ng hindi masakit ang magkabila kong pisngi saka ilang ulit akong kiniss sa lips.

"Truth is I can't wait to see a mini Ali and mini Emily running around in this big mansion of yours... kaya sisiguraduhin ko sa honeymoon natin makakabuo na tayo!" Liyad ang dibdib na sabi nito. "Or pwede din namang simulan na natin ngayon!" Tiningnan at nginitian ako nito ng mapang-akit. "What do you think?" Tanong nito habang hinahalik-halikan ako nito sa shoulder at braso ko.

"I think-" paungol kong sagot habang inililiyad ko ang katawan ko.
"-kailangan ko ng matulog, maaga pa ang meeting ko bukas!" Dugsong ko sabay ayos ko na ng higa.

Umungol naman ito at hindi makapaniwalang naihilamos nito ang palad sa mukha. She looked so sexually frustrated kaya napaawa naman ako.

"Come here!"

Pinahiga ko ito sa kama at walang sabi-sabing naupo ako sa ibabaw nito. Hinubad ko na din ang nighties ko pinahawak ko ang dibdib ko dito saka nag-umpisa na akong gumiling doon. Ang aksyon kong iyon ang nagpa-lighten-up sa mukha nito.

===================
Emily's POV
Ilang linggo ko ng inaayos ang magiging kasal namin ni Alison. Well, sa tulong syempre ni Mom at ni Mommy Jessica na akala ni Ali ay nasa tour pa din, pati ang apat na bestfriends at mga asawa ng mga ito ay pinatulong ko na din para mas madali at maging maayos na perfect talaga! Hindi ko sinasali sa preparation si Ali dahil gusto kong isurprise ito. I want everything to be special for my precious fiance!

Alison's POV
Nagtataka ako sa mga kinikilos ni Emily this past few weeks, para bang lagi itong pagod na ewan. Basta pagdating ng gabi ay wala na itong nagagawa talaga kundi ang matulog na lang. Ni hindi na nga ako nito nasusundo sa office minsan. Wag naman sanang may ginagawa na naman itong kalokohan, ay naku!!!

Emison fan fic GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon