My savior

3.3K 68 1
                                    

6 months later

Emily's POV
Alam kong tuloy-tuloy na ang paggaling ko. Salamat sa pagmamahal, pag-aalaga, pag-unawa, at pagtitiyaga ni Ali sa akin. Pagkatapos kasing lumabas ako noon sa ospital ay ito na ang nag-intindi sa akin parang hiningi na ako nito sa mga magulang ko... literally. Inasikaso din nito ang kaso kong Arson na isinampa ng may-ari ng Condominuim building. Tapos ipinasok ako nito sa isang exclusive rehab, kaya every now and then ay nadadalaw ako nito doon, minsan nga doon pa ito natutulog para alagaan at samahan ako. Basta alam ko pinatawad na ako agad nito wala ng sabi-sabi at tinanggap nitong muli ang pagmamahal ko, well binanggit nito ang pagkausap daw dito ni Bestfriend Toby, kaya naman sobra ang pasasalamat ko dun. Nawala na ang mga insecurities ko, nawala na din ang mga demonyo sa imahinasyon ko. Out of the picture na din lahat ng mga babae sa akin dahil sa pagmamahal na pinakikita at pinadarama sa akin ni Alison ay kuntento na ako. Habang tinititigan ko ito ay hindi ko pa rin talaga maisip kung anong nagawa kong mabuti para ma deserve ko ang super perfect na babaeng ito, she save my life... alot of times, how can I get so lucky?

Alison's POV
Nakaupo ako sa ibabaw ng kama habang kalong ko ang laptop ko. May itsine-check lang ako na documents na ini-mail sa akin ni Shana. Maya-maya ay naramdaman ko ang pag bukas at muling pagsara ng pinto ng kwarto ko. Tapos ay umupo sa tabi ko si Emily. Hindi ko ito tinitingnan dahil nga abala ako pero ramdam kong pinagmamasdan ako nito. Ilang saglit pa at hindi rin ako nakatiis, tumunghay at tumingin ako sa gawi nito. Malaki na ang pinagbago nito mula noong lumabas ito sa exclusive rehab na pinagdalhan ko dito. Malaman na ito ulit at normal na ang kulay nito, buhay na din ang mga mata nito, kaya naman mas lumabas ang kagandahan nitong taglay. Pagkatapos noong makita ko itong muntik-muntikan ng mamatay, ay hindi ko na ito iwinaglit sa paningin ko. Inilaan ko na talaga dito ang buhay ko para maalagaan ko at mapagaling ko ito ng tuluyan at sa nakikita ko naman ay worth it ang naging didekasyon ko dito.

"What?" Tanong ko dito ng matagal na kaming nagtititigan.

"Nothing!" Sagot nito na may kasama pang iling. "I just-"

"Just what?" Putol ko sa sasabihin nito. "Don't tell me magpapaalam kang mag bar?" Biro ko, pero deep inside gusto ko din talagang malaman kung sumasagi pa ba sa isip nito ang mga nakasanayan nitong gawin noon.

"What? No!" Mabilis na sagot nito.

Natawa naman ako sa reaction nito na akala mo ay nahuli sa aktong gumagawa ng kalokohan na todo tanggi.

"Eh, ano ba kasing sasabihin mo?" Binaling ko na ulit sa laptop ang tingin ko.

"Itatabi ko muna ito, ha."

Pagpapaalam nito, saka kinuha ang laptop sa binti ko at marahan nitong ipinatong iyon sa side table, tapos ito din ang nagtanggal ng reading glass ko sa mata at ipinatong din sa tabi nuon. Hinayaan ko na lang ito, nangingiti ako pero hindi ako nagsasalita. Pumwesto ito sa harap ko- bale naka indian seat ako habang parang nakaluhod ito na nakalapat ang puwet sa binti. Kinuha nito ang dalawang kamay ko saka dinala sa labi, hinalikan nito ang mga iyon bago inilipat nito sa pisngi. Isip ko ano na naman kayang drama nitong babaeng ito.

"Baby?" Tawag nito sa akin, hawak pa din nito ang mga kamay kong nasa pisngi nito.

"Hmm?"

"I just want to say thank you and I love you!" Seryosong sabi nito habang titig na titig sa mga mata ko.

Binawi ko ang mga kamay kong hawak nito saka yumakap ako dito. Hindi ko maintindihan pero sa maliit na gesture nitong iyon at sa napaka simpleng sentence na binitiwan nito ay napaluha ako. Hindi ito ang unang beses na nagpasalamat ito sa akin pero iba, eh! Tagos sa puso ko, kaya umapaw sa mga mata ko. Marahan akong inilayo nito sa katawan nito ng maramdaman siguro nitong umiiyak ako. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko para magkaharap kami.

"Baby, why are you crying?" Masuyong tanong nito, saka pinahid nito ang mga luha ko na sige lang sa pag-agos. "Ali? Baby?" Tawag nitong muli.

Nag-aala na ito dahil sa hindi ko pag-imik at sa patuloy kong pag-iyak. Yumakap na lang ulit ako dito, 'coz I really don't know what to say. Basta ang alam ko lang napakasaya ko na kasama ko pa rin ito hanggang ngayon.

"Shh! Wag ka ng umiyak, baby! Natatakot na ako, eh!" Sabi nito habang tuloy lang sa pag haplos sa buhok at likod ko.

Bigla naman akong natawa ngayon. Muli akong inilayo nito at hinarap. Para na akong luka na umiiyak at tumatawa.

"Alison naman, eh! Ano ba? Kailangan ko na bang tawagan si Dr. Sullivan?"

Lalo naman akong natawa dahil ang Dr. Sullivan kasi na tinutukoy nito ay ang Psychiatrist nito. Marahan ko itong hinampas sa balikat.

"Kakainis ka!" Nakalabi kong sabi dito.

"Bakit naman akong naging kakainis?"

"Eh, bakit mo tatawagan si Dr. Sullivan?"

"Eh, nag-aalala na ako sayo! Naiyak ka tapos natawa! Aba, eh baka kung napapano na, di ba!" Nagpipigil ng tawa na paliwanag nito.

"Heh! Ewan ko sayo! Mag-si-sweet-sweetan ka dyan, tapos pag nag react ako pagkakamalan mo akong naloloka!" Galit-galitan kong sabi saka pinag-cross ko ang mga braso ko sa dibdib ko.

"Sus naman ang baby ko! Tampo ka na nyan?" Sinundot nito ang tagiliran ko na ikinaigtad ko.

"Ano ba!?" Irap ko dito.

"Ano ba!?" Ginaya nito ang arte ko habang sinusundot-sundot pa din nito ang tagiliran ko.

"Isa, Emily!" Banta ko.

Bigla akong sinakyan nito kaya naman napahiga ako.

"Ano yang isa na yan, ha?" Tanong nito saka tuluyan na akong pinagkikiliti nito.

Panay naman ang irit, tawa, at pagpipigil ko dito. After siguro ng napakadaming minuto ay nilubayan din nito ang pag kiliti sa akin, pero nasa ibabaw ko pa din ito, inayos nito ang buhok ko na tumakip sa mukha ko, saka unti-unti nitong ibinaba ang mukha nito sa akin. Alam kong hahalikan nito ako, kaya naman pabirong iniwas ko ang labi ko. Sa pisngi ko tumama ang halik nito. Umungol ito saka marahang kinagat ang pisngi ko. Hindi makapaniwalang naitulak ko ito, tatawa-tawa lang naman ito. Wala na kaming ginawa kundi ang magkulitan hanggang sa mapagod at makatulog na lang kami na magkayakap syempre.

Emison fan fic GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon