Toby's POV
Halata kong pinapaalis na ako ni Alison. Pero ayokong umalis, hindi ako aalis hangga't hindi nito pinapakinggan ang mga sasabihin ko tungkol kay Emily. Awang-awa na ako sa Bestfriend ko at ito na lang ang tanging alam kong paraan para kahit paano ay matulungan kong maisalba ito sa mas matindi pang pagka lugmok. Muli akong tinunghay ni Alison at sinabihan ng "Goodbye!" ng makitang hindi pa ako natitinag sa upo ko."No, Alison! Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo pinakikinggan ang kwento ko about sa side ni Emily." Madiin at lakas-loob kong sabi.
"Wow! At talagang ikaw pa pala ang counsel ng bestfriend mo!" Sarcastic na sabi nito.
Pinilit kong hamigin ang sarili ko. Kailangan kong maging mahinahon para sa ikaka-ayos ng ipinunta ko dito.
"Please, Alison! Pakinggan mo lang ito at pagkatapos ikaw na ang bahala kung anong gagawin mo." I am hoping na mapapapayag ko ito.
Ilang sandali pa ang lumipas saka pabuntong-hiningang sumang-ayon ito.
Inumpisahan ko naman na ang pagkikwento.
"Bata pa si Emily ay alam na ng mga magulang nito na may kaunting deprensya sa pag-iisip si Emily. Wala pang nadidiskubreng gamot para sa sakit nito at ang ipinayo lang ng Psychiatrist nito kina tito at tita ay mahalin at unawain lang ng sobra si Emily, dahil iyon lang daw ang kailangan nito. Ginawa nga iyon ng mga magulang nito, ngunit ng mamatay ang kapatid ni Em-"
"What may kapatid si Em?" Gulat na pag interrupt ni Alison sa kwento ko.
"Ali, I don't want to be rude, pero pwede patapusin mo muna ang kwento ko, saka ka mag react at mag tanong!" Hindi ko maiwasang magsuplado.
"Sorry!"
Tumahimik na nga ito at nagpatuloy naman na ako.
"So, iyon nga namatay ang kuya ni Emily, si Wayne Emerson. Nalunod ito ng sagipin nito si Emily. 6 years old noon si Em at 8 naman ang kuya nito. Mula noon ay nag iba na ang pakikitungo ni Tito kay Emily. Nag focus na lang si Tito Wayne sa business nito at bihira na lang itong umuwi sa mag-ina nito dahil si Em ang sinisisi ni tito sa pagkamatay ng paboritong anak nito. Nalungkot at nadepressed ng husto si Emily sa pagkawala ng dalawang importanteng lalaki sa buhay nito, pero hindi ito pinabayaan ni
Tita Pam. Minahal nito ng husto si Em at pinilit na pinunan ang pagkukulang ng asawa nito dito. Unti-unting naka recover si Emily sa tulong ng ina at mas naka recover pa itong lalo ng makilala nito si Samara, naging masaya ito sa piling ng girlfriend nito, pero muli itong inatake ng sakit nito ng mag pakamatay si Samara, kaya kung mapapansin mo laging galit at tila aburido sa lahat si Emily. Pero unti-unti ulit itong naka recover dahil sayo Ali, minahal ka ni Em, pero iniwan mo ito 5 years ago-""Wait! You said iniwan ko si Em? I only did that because she used me! She hurts me so much!"
Hindi na naman nito maiwasang sumabat sa kwento ko.
"Look, I don't know exactly what happened but all I can say is, she can never hurt you, okey? And again Alison, I want you to listen to my story and stop mo yang pag barge in mo!"
"Hey! Toby Cavanaugh, watch your mouth! You snapped me twice and I'm warning you, huh!" She gave me her Alison DiLaurentis death glare.
"I'm s-sorry! Kasi naman nagki-kwento ako sabat ka ke sabat! Patapusin mo muna sabi kasi ako, eh."
Honestly, affected ako sa warning at glare ni Alison, because I still know where I stand pag itong Queen na ito ang kaharap ko. Kahit pa nga super bestfriend ito ng asawa ko at ninang pa ito ng anak ko, e ilag pa din ako dito.
"Fine, continue!"
And with that signal, nagpatuloy na nga ako.
"Ang pag-iwan mo kay Emily ay nagdulot ng sobrang lungkot dito. Hindi ito naka recover agad. Tapos nakilala nito si Andrew na isang drug dealer. Ang alam ko nagka affair sila tapos ito ang nagturo kay Em na gumamit ng iba't-ibang klase ng mga drugs. Ang pagiging addict ni Emily ay nagkaroon ng kumplikasyon sa sakit nito. Sabi ng Doctor nito tuwing high si Em ay nag-iibang tao daw ito, nakagagawa daw ito ng mga bagay na hindi nito kayang gawin pag nasa normal state of mind ito. Kagaya na lang ng pakikipag sex nito sa iba't-ibang mga babae na halos kawangis mo sa panlabas na kaanyuan... kung mapapansin mo, umaatake lang ang sakit niya, once na naiiwan siya at nasasaktan. Kaya pag high ito sa drugs ay nagpapa-ibig ito ng kung sino-sino, tapos in an instant ay iniiwan din nito ang mga iyon, dahil doon daw ito nakakakuha ng parang kapanatagan ng loob, pagka proud sa sarili, something like that. Can you follow?" Tanong ko dito.
Hindi ito umimik, nakakunot din ang noo nito, pero tumango din naman.
"Ayaw ni Em na masaktan at maiwan, Alison. Hindi niya kaya ang ganoon. She's different, kaya sana maunawaan mo na ngayon. Alam mo bang lahat ginawa ni Emily para lang makalapit ulit sayo? Siya ang nagpa-organize kay Mona ng reunion natin para sayo. Ginawa din niya ang lahat para mahalin mo siyang muli at pagkatiwalaan. Kaya alam kong hindi sinasadya ni Em na lokohin at saktan ka, hindi lang talaga nito mapigilan ang sarili kaya nangyari ang mga iyon." Tiningnan ko ito at wala akong mabasa sa mukha nito.
"Hindi ko sinasabing kara-karaka ay patawarin mo si Emily, pero sana tulungan mo siya. Ikaw lang Alison ang kailangan niya. Ikaw at ang pagmamahal at pag-unawa mo ang gagamot sa kaibigan ko."
Wala pa rin itong salita, kaya tumayo na ako.
"Salamat sa pakikinig mo, Alison. Aalis na ako." Pamamaalam ko.
Hanggang sa makalabas ako ng opisina nito ay wala na akong narinig pa. Iniwan ko na lang sa table nito ang calling card ng Psychiatrist ni Emily. Sabi ko, just in case may tanong pa ito about sa sakit ni Em, ay doon na ito mag tanong.
Bakit alam ko lahat ng iyon? Hindi pala-kwento si Emily, pero noong time na ready na ito mag kwento, lahat ay ikwinento nito sa akin, kaya nalaman ko. I am really hoping na maunawaan ni Alison ang kaibigan ko... with matching fingers cross!
Alison's POV
Hanggang makaalis si Toby ay wala na akong nasabi. I have a lot of things in mind, but one thing is for sure... I am more than willing to be with Emily...... again!
BINABASA MO ANG
Emison fan fic GxG (Completed)
Fanfictionthis has nothing to do with the story in pretty little liars.