Emily's POV
All settled na at ngayon nga ay ikakasal na kami ni Alison ng wala itong kaalam-alam. Sinundo na ito nina Cece at Hanna, kunwari ay pupunta ang mga ito sa Mall para bumili ng damit na isusuot ng mga ito sa isang party na pupuntahan ng mga ito. Nandito na din ang Priestess na magkakasal sa amin at talagang ipinasundo ko pa ito ng private plane sa London, England. Nakabihis na din ako- nakaneat na ponytail lang ang straight at mahaba kong buhok na nag match sa light make-up ko, and for the first time in my life, I dressed up like a dude- dirty white na long sleeve na may baby pink na bowtie tapos naka tuck-in ito sa color white na slacks then white din ang balat na sapatos ko, naka coat din ako ng white na may folded hanky na kakulay ng bowtie ko. Nakatingin lang ako sa salamin ng may kumatok and then pumasok si Mom at lumapit sa akin. Pansin ko na naluluha ito or should I say kagagaling lang nito sa pag-iyak, mula pa kahapon ay napaka-emosyonal na ni Mom, kesyo binata na daw pala ang baby girl nya, natatawa na lang ako. Lumapit ako kay Mom at niyakap ko ito and in an instant umiyak na naman nga ito sa dibdib ko."Mom, you're about to go on my wedding not on my burial, so stop crying!" I cracked a joke hoping to lighten up my Mother's mood.
Bahagya naman itong lumayo sa akin at nagpunas na ng mga luha.
"I'm sorry, honey! It's just that your Mom is emotional knowing that you will no longer be my baby girl." She said then she hug me again and continue to sob in my chest.
"Mom, I'll always be your baby girl!" I rub my Moms back to calm her.
"No, you are Alison's!"
Natawa ako.
"Ayaw mo nun, Mom? Dalawa na kayong may baby sa akin... Well, I mean tatlo pala kayo, kasama na ninyo si Dad!"
Napatawa na din ito at bumitiw na sa pagyakap sa akin. Muli nitong pinahid ang mga luha saka inayos nito ang damit ko.
"Yes, Emily! You will always be our baby, kahit pa may asawa ka na!"
"I love you, Mom!" I kissed her in the forehead.
"I love you too, honey!" She touched my face.
Napapikit ako sa mainit na palad ni Mom at naputol ang moment naming iyon sa sunod-sunod na busina.
"Oh! Let's go, your father hate to be late!" She smiled at me.
"Mom, how do I look?" I asked.
"You look absolutely gorgeous!"
"Yeah, right! You're talking like a real Mom!" I playfully rolled my eyes.
We both laugh and then lumabas na nga kami ng kwarto ko at tinungo na namin ang kotse kung saan impatiently waiting na nga si Dad.
Alison's POV
"Cecelia, Hanna, saan ba talaga tayo pupunta?" Makailang ulit ko ng tanong ito sa dalawang tarantada kong mga kaibigan."Ali, relax! We are just going to have some fun!" Sagot ni Cece na siyang nagmamaneho.
Nasa passenger seat naman si Hanna, that is why I ended up here in the backseat. Basta na lang kasing dumating ang mga ito sa opisina ko at hinila ako kung pasaan. Dinala ako sa mall at bumili kami ng mga damit na siya ngang mga suot namin ngayon. Tapos galing din kami ng salon para sa hair and make-up. I can't get it kung ano ang mga pakulo ng dalawang ito. Nag ring ang cellphone ni Hanna at ng sagutin nito iyon ay pakinig ko halos ang pagsigaw ni Aria na tinatanong kung nasaan na ba daw kami. Tapos tumingin ito kay Cece, nilingon din naman ito nito, tapos nagkindatan ang mga ito saka magkasabay pang tiningnan ako ng mga ito through rear view, nakangiti!
'What the fuck!?'
"Relax, Ar! Dadating kami... Yes, don't worry, we're on the way na, okey!... Love you, too! Bye!" Ini-off na nito iyon at binalik na sa pouch.
BINABASA MO ANG
Emison fan fic GxG (Completed)
Fanfictionthis has nothing to do with the story in pretty little liars.