break-up

3.5K 82 1
                                    

Emily's POV
Pagdating ko sa bahay ng mga DiLaurentis, ay natanaw ko agad si Alison sa teris nito na tila sadyang naghihintay sa akin. Nginitian ako agad nito pagkababa ko ng kotse, napangiti na lang din ako. Pagpasok ko ng bahay ay sinalubong na agad ako ni Ali sa may hagdan pa lang.

"I knew it! You look hot with that sports car." Ear to ear ang pagkakangiti nito saka ako hinalikan.

"Hindi ka na galit?" Tanong ko pagtapos kong tugunin ang halik nito. Ikinawit ko ang braso ko sa makurba nitong waist.

"Nope, I forgive you na, kasi inaccept mo na ang present ko." Sagot nito, saka ako dinampian ng halik sa ilong, nakalagay sa batok ko ang mga kamay nito.

Super close kami sa isa't-isa, kaya kaharap ko ang maganda nitong mukha na nakangiti, litaw na naman ang cute dimple nito na nagpapa weak sa system ko.

Naisipan kong pagtripan ito.

"And who told you na titanggap ko na yung car na iyon? I-drinive ko yun para isoli dito."

Biglang nawala ang ngiti nito, pigil na pigil ko naman ang pag tawa ko.

"Emily Fields, gusto mo na bang mamatay!"

Tuluyan na akong natawa dito.

"Babe, I'm just kidding." Sabi ko saka muli kong hinalikan ito.

"Good!"

Bumitaw ito sa akin at tumalikod. I-binack hug ko naman ito.

"Babe, I'm here because I want to give you some 'payback'." I seductively whispered in her ear, with matching light bit pa doon.

Muli itong humarap sa akin, binigyan ko naman ito ng isang naughty but sexy smirk, tapos ay inakay ko na ito paakyat sa kwarto nito.

==================
Lumipas pa ang mga araw at buwan sa perfect naming relasyon ni Ali, ilang linggo na lang at ga-graduate na kami. Ang plano ay we will go in the same school sa college, para lagi pa rin kaming magkasama pati na iyong apat na girls. Si Toby at Spencer ay together na din, they are both happy, just like us.

Nandito na naman ako ngayon sa room ni Alison at gumagawa kami ng napakasarap na bawal. After that ay nag shower ako, pakanta-kanta pa ako habang naliligo, super gaan kasi ng feeling ko, sobrang inlove na talaga ako sa Queen of mean na si Alison DiLaurentis, well hindi na nga pala ito mean ngayon, medyo na lang. Napangiti ako.

Naka robe lang ako ng lumabas ng banyo at tinutuyo ko ng towel ang mahaba kong buhok.

"Magbihis ka na at lumayas ka na dito sa pamamahay ko." Galit na sabi sa akin ni Ali, matapos ibato sa akin ang mga damit ko.

'Joke lang ba 'to?'
Naguguluhan kong tanong sa sarili.

"Babe, what's wrong?" Tanong ko, habang palapit ako dito, hindi ko pinansin ang mga damit kong nakakalat sa floor.

"That was quite a performance, Emily Fields. Bravo!"

Hahawakan ko na sana si Alison, pero bigla ako nitong sinampal at saka ako itinulak.

"Baby, anong-"

"We're done, Emily! Umalis ka na! I don't wanna see your face anymore!" Galit na galit na sabi nito habang tinutulak ako palabas ng kwarto.

Ni hindi na ako naka appeal ng pabalibang nitong isara ang pinto sa mukha ko.

==================
Alison's POV
Pagsarang-pagkasara ko ng pinto ay napahagulhol na lang ako ng iyak, naisip ko, ito ba ang kabayaran sa lahat ng naging kasalanan ko?

Ang sakit naman!

"AHHHHHH!!!!" Sigaw ko habang pinagbabasag at sinisira ko ang lahat ng makita at mahawakan ko.

Nahagip ko ang picture frame sa side table ng kama ko, kuha namin iyong dalawa ni Emily, nakasakay ako sa likod nito, habang kagat ko ito tenga. We looked so happy and inlove in that picture.

"I hate you, Emily Fields!!! I'M SO FUCKING HATE YOU!!!" Sigaw kong sabi, sabay bato ko ng frame, sa life size mirror iyun tumama, rinig ko ang pagkabasag ng mga iyon, parang ganoon lang din ang nangyayari sa puso ko ngayon, nabasag!

Emison fan fic GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon