propose

3.2K 84 4
                                    

Alison's POV
Noong kasal nina Aria at Hanna ay napikon talaga ako sa pangangantyaw ng mga kaibigan ko. Kaya naman natiis kong iuwi sa mga magulang nito si Emily. Hanggang kahapon maghapon, magdamag ay tiniis ko pa rin ito. Ang nakakainis lang parang gumaganti si Emily sa akin dahil hindi man lang ako natawagan o na itext man lang nito. At ngayon nga ay mainit pa rin ang ulo ko dahil hindi pa rin ito nagpaparamdam.

"Ma'am, may applicant po dito, gusto daw po kayong makausap." Boses ng sekretarya kong si Shana sa intercom.

Lalo naman akong nainis! Bakit? Eh, hindi naman ako ang HR, ako ang presidente at may-ari! Kaya bakit ako ang kakausapin ng isang applikante lang!? Bago ko pa man mapagsabihan ang sekretarya ko ay may kumatok na sa pinto at ang bastos- hindi ko pa pinapapasok ay pumasok na at-

"Goodmorning, Ma'am!" Nakangiti pero pormal na bati sa akin ni... Emily.

Nagtaka ako sa itsura at bihis nito- naka three piece business suit ito na skirt ang pang ibaba, at naka 4 inches heels ito na color black, nakalugay lang din ang alon-alon nitong buhok, at light lang di ang make-up nito.

'Anong meron?'

"Anong pakulo 'to, Em?" Hindi nakatiis na tanong ko.

"Andito po ako para mag-apply, Ms. DiLaurentis!" Sabi nito sabay abot sa akin ng isang folder.

Tiningnan ko muna ito bago ko binuksan ang inabot nito.

Personalized Resume

Name: Emily Fields
Age: 22 years old
Desired Position: Maging asawa ang Presidente at may-ari ng kumpangyang ito.

Yan lang ang nakasulat sa isang special paper na nasa loob ng folder. Natawa ako dito but I just played along.

"So, Ms. Fields! Ano namang qualities mo para matanggap ka dito sa 'desired position' na ina-applayan mo?" God knows kung gaano kong pinilit gawing pormal ang boses ko. "Atsaka nasaan ang mga clearance mo?"

"The truth is wala akong dala na kahit anong clearance, but I brought something na sa palagay ko ay makakatulong sa akin para matanggap ako!" May dinukot ito sa bulsa ng coat nito. "At about naman sa qualities, I think you already know me, Ma'am!" Ang sabi sabay labas ng killer smile nito.

Kaya naman laglag na naman ang double 'P'-Ang puso at ang panty ko- kala nyo kung ano na! Kayo talaga, Tsk! Tsk!

Isang maliit na box ang pinatong nito sa table ko at bago pa man ako makapagtanong ay binuksan na nito iyon at kinuha ang masasabi kong pinakamagara ko ng nakitang singsing sa loob ng 22 years of existence ko. Hinawakan na din nito ang isang kamay ko at isinuot nito sa ring finger ko ang singsing.

"So, Ms. Alison DiLaurentis, tanggap na ba ako?"

Mula sa singsing sa daliri ko ay nalipat dito ang tingin ko.

"Is this your way of asking me to marry you, Emily?" Tanong ko pa din kahit pa alam ko na ang sagot.

"Yes, Baby! So, ano papayag ka na ba na maging Mrs. Alison Fields?"

Aaminin ko na hindi sobrang romantic ang pagkakapropose nito ng kasal but since this is my Emily, I find it really, really cute and sweet... a little!

"Yes! Congratulations! You're hired!" Sabi ko na lang.

In-offer ko ang kamay ko dito para sa handshake, pero sa halip ay lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa labi. How I really miss this kiss from her.

"I love you, Baby!" Sabi nito after ng kiss.

"I love you too, Babe!" Sagot ko. "Pero teka lang ha, bakit naman ganito ka magpropose? Hindi ka man lang nakapag effort na dalhin ako sa isang candle light dinner na may background music! At talagang dito ka pa talaga sa office ko nag-apply?" Kunwari ay galit-galitan kong tanong.

Emison fan fic GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon