Flashback
Emily's POV
Freshmen na kami ngayon dito sa D.L.I.S. ng mahal na mahal kong girlfriend na si Samara. Masaya kaming pareho at punong-puno kami ng pangarap para sa isa't-isa ngunit sa tuwina ay ginugulo kami ni Alison at ng grupo nito."Alam mo Samara, magbe-break din kayo niyang si Emily. Kaya wag ka ng masyadong magpakahirap sa pangangarap, and besides hindi kayo bagay no, Loser!" Tinabig pa nito si Samara ng lampasan sila nito.
"Sam, wag mo ng pansinin yun." Ito na lang ang nasabi ko sa girlfriend ko, dahil ayoko ng gulo, kaya ayokong banggain si Alison, alam ko kasi ang kaya nitong gawin.
Walang araw na hindi pinagmamalditahan ni Alison si Samara, alam kong nasasaktan na ang girlfriend ko, pero wala akong magawa, dahil aaminin ko ng natatakot ako.
Isang araw ay hindi pumasok si Samara, hindi din naman nagtetext o tumatawag sa akin, ang balak ko ay pupuntahan ko ito after class, pero nakarating sa akin na may sex scandal daw si Samara. Hindi ko pinaniwalaan iyon, kahit pa nga kalat na kalat ang balitang iyon at bukambibig ng lahat.
"Em, I don't think gugustuhin mo pa ding maging girlfriend si Samara after that scandal." Sabi sa akin ni Alison.
"Anong ibig mong sabihin?"?
"Don't tell me hindi mo pa alam yung nangyari sa girlfriend mo at sa barkada nina Noel..... wala pa bang nag-shi-share sayo ng sex video nila." Parang hindi makapaniwalang sabi nito, tapos ay may kinuha ito sa bag nito, cellphone. "Come here, panoorin mo ito."
Pinakita ni Alison sa akin ang napapabalitang sex scandal, at hindi ako makapaniwala sa nakikita ng dalawang mata ko, si Samara nga ang nasa video kasama sina Noel, Ben, Wren, at Lucas. Binalik ko na kay Alison ang cellphone nito at umiiyak na nanakbo na ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung ano ang dapat kung gawin sa napanood ko. Galit na galit ako. Mula noon ay hindi ko na kinausap pa si Samara, iniwasan ko na ito. Ang sunod kong nabalitaan ay nagpakamatay na si Samara, may iniwang sulat sa akin si Samara, na ibinigay mismo sa akin ng Mama nito pagkatapos ng libing, at dito ko nalaman ang totoo.
Mahal kong Emily,
Hindi totoong ginusto ko ang nasa video na kumakalat at napanood mo, isinama ako nina Alison nung araw na iyon at may ipinainom sila sa akin, wala na akong maalala pa pagkatapos noon. Mahal na mahal kita, Emily at hindi ko magagawa ang magtaksil sayo, pero ngayong wala ka na sa akin ay mas gugustuhin ko pa ang mamatay na.
Paalam mahal ko,
Samara.Nang mabasa ko ang sulat na iyon ay nagsisi ako kung bakit hindi ko pinakinggan ang mga paliwanag ni Samara sa akin, sanay buhay pa ngayon ang mahal ko at kasama ko pa ito.
Kinausap ko ang mga magulang ni Samara, para kako magsampa ng kaso, may evidence na kami, yung sulat, ngunit tumanggi ang mga magulang ni Samara, sabi pa ni Mister Cook, papa ni Samara, ay wala din daw mangyayari dahil malalaking tao daw ang involve, ipagpapasa Diyos na lang daw nila ang nangyari. Umalis na din ang pamilya ni Samara at wala na akong nabalitaan pa sa kanila.
Nang i-confront ko naman si Alison ay hindi ako makapaniwala sa sinabi nito sa akin.
"Wala na akong pakealam pa sa namatay na! I am just very proud of myself, dahil akin ka na lang ngayon, my sweet Emily." Sabi nito, saka hinalikan pa ako sa labi.
Hindi agad ako nakapag-react dahil sa pagka bigla ko. Bago pa man ako makakilos ay pinutol na nito ang pag halik sa akin. Pagsama ng tingin na lang dito ang nagawa ko, saka ako umalis.
End of flashback
================
Cece's POV
Pagkatapos kong umalis sa bahay ni Alison ay hindi ko malaman kung saan ako pupunta, galit na galit pa rin ako at kailangan kong mailabas iyon. Nagtungo na lang ako sa bar na pag-aari ni Noel, at doon ay nilunod ko ang sarili ko sa alak."Cece, tama bang laklakin mo ang lahat ng alak dito?" It's Noel.
"I need this." Sabi ko, saka muli kong dinala ang bote sa labi ko, at ng ibaba ko iyon ay halos wala ng laman.
"Woah! Easy." Awat sa akin ni Noel. "Tell me, anong problema?"
I don't need to tell him, sa itsura ko pa lang ay alam na nito agad.
"Anong nangyari kay Alison?" Mahahalata agad ang concern sa boses nito.
"She almost got raped!"
"Wait!..... What? By who?"
"Emily!"
Kumunot ang noo nito.
"You mean, Emily Fields?"
I just nodded.
"Teka nga! Cecelia, linawin mo nga. Naguguluhan ako, eh!"
"Hindi ko rin alam ang eksaktong nangyari, ayaw mag salita ni Ali."
Hindi ito umimik pero kita ko ang pag tigas ng mukha nito at ang pagkuyom ng palad. Alam ko galit na galit si Noel, dahil kagaya ko ay special din si Alison para dito. We both had an affair with Ali, kaya nga lahat halos ay ginagawa namin para pasayahin ito. Kaming dalawa ni Noel ang gumawa ng paraan para paghiwalayin si Emily at ang girlfriend nitong si Samara, dahil we both want Ali to have Emily for herself, iyong sex scandal na pinakalat namin ay gawa-gawa lang din, hindi totoong ni rape ng grupo ni Noel si Samara, well totoo iyong mga halikan at hubadan, pero hanggang doon lang iyon, at hindi na namin kasalanan na nagpakamatay si Samara.
Akala namin sasaya na si Ali ngayong solo na nito si Emily, pero wala ng ginawa si Emily kundi saktan si Alison, at hindi na namin mapapalampas pa iyon. We want Ali to have the best, and now Emily is out from that list.
BINABASA MO ANG
Emison fan fic GxG (Completed)
Fanfictionthis has nothing to do with the story in pretty little liars.