Alison's POV
Nandito na kami ngayon ni Emily sa kwarto ko, nagtalo pa nga kami ni Cece, dahil dapat daw eh sa guest room ko na lang daw patulugin si Em, pero iginiit ko na sa kwarto ko na lang. Napunasan at nabihisan ko na din ito, at ngayon nga ay nakatitig lang ako sa magandang mukha nito habang sinusuklay ko ng kamay ko ang buhok nito."Bakit ba sa kabila ng sakit idinulot mo sa akin ay nananatiling mahal pa rin kita." Pagkausap ko dito kaya naman hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
Bigla namang nagmulat ng mga mata nito, kaya dali-dali kong pinahid ang luha ko at umupo ako para makalayo dito.
"At mahal na mahal pa din kita, Ali." Sabi nito saka umupo na din at yumakap sa likod ko.
Tuluyan na akong napaiyak, pinaharap ako ni Emily.
"Hush, baby." Sabi nito sa akin saka pinahid ang mga luha ko, pagkatapos ay dinampian nito ako ng mabibining mga halik sa mata, pisngi, ilong, at...... sa labi.
Kay tagal kong hinintay ang muling mahalikan ni Emily, kaya naman buong puso kong ginanti ang mga halik nito at ng makiusap ang dila nito, ay bahagya kong inawang ang labi ko, pinapasok ko ang dila nito sa bibig ko, at kasabay noon ay alam ko ng handa ko na ulit itong papasukin sa buhay at puso ko.
==================
May ilang linggo na rin ang nakaraan mula noong batch reunion, at ng encounter namin ni Emily. At sa buong ilang linggo na iyon ay wala ng ginawa ito kundi ang suyuin at ligawan ako. Patutunayan daw nito sa akin na totoong mahal ako nito, hindi man ako nagpapahalata pero ang totoo, sa loob ko ay nalulunod na ako sa tuwa at kilig. Alam kong tutol pa din ang mga kaibigan ko sa pag-i-entertain ko muli kay Emily, naiintindihan ko naman na nag-aalala lang ang mga ito sa akin na baka muli lang akong saktan ni Emily, pero naniniwala akong totoo ang lahat ng ipinapakita at ipinapadama sa akin nito, kaya I'm taking a risk again, ganoon ko ito kamahal.Naputol ang pag-iisip ko ng mag ring ang cellphone ko, dinampot ko iyon sa ibabaw ng table ko at napangiti ako ng makita ko ang picture ni Emily sa screen, inaccept ko ang call.
"Hello, baby!" Masiglang bungad ni Em.
Hindi naman mawala-wala ang ngiti ko sa labi.
"Hi! Ang hyper natin, ah." Biro ko.
"Syempre." Sagot nito. "Nga pala on the way na ako papunta dyan sa office mo."
"Ganun? Ano namang gagawin mo dito?" Kunwari pang tanong ko, nakangiti pa din.
"Oh, hindi mo po ba alam?" Sinakyan naman ako nito. "Susunduin po kita, baby ko at alam mo ba na may surprise ako sayo?"
Napasandal ako sa likod ng upuan ko dahil talagang nagririgudon na ang puso ko sa kilig, ganitong palagi ang nararamdaman ko tuwing kausap o kasama ko si Em, mula noon hanggang ngayon, walang nagbago, mas tumindi pa nga.
"At ano naman daw iyon?" Tanong ko.
Biglang bumukas ang pinto ng office ko at bumungad doon si Emily na parang batang excited na sumigaw ng "surprise!"
Napa face palm na lang ako at napakagat labi habang hindi ako magkaintindihan kung paano kung pipigilan ang paghagalpak ko ng tawa.
"Oh my God! You are crazy." Nasabi ko na lang.
Lumabas ulit ito at pagbalik ay may hawak na itong flowers and chocolates.
"For you, baby." Inabot nito ang mga iyon sa akin saka humalik sa cheeks ko.
"Thanks."
"So, are you ready?" Tanong nito.
"Sira ka! Hindi pa ako nakakapag ayos ng mga gamit ko, sabi mo kasi on the way ka pa lang."
BINABASA MO ANG
Emison fan fic GxG (Completed)
Fanfictionthis has nothing to do with the story in pretty little liars.