Emily's POV
Nanghihina na ako at nagdidilim na ang paningin ko, nakahiga ako ngayon sa soccer field habang kulapol ang katawan ko ng itlog, kamatis, flour, alikabok, at kung anu-ano pang mga pinagbabato sa akin ng mga kapwa ko studyante, ramdam kong namamanhid na ang buong katawan ko, dahil sa patuloy na pagbugbog sa akin ng mga hindi ko na makilala kung sino. Ngayon pakiramdam ko ako si Sanchai, ng Meteor Garden, pero ang kaibahan lang wala akong Daominsi na re-rescue sa akin, kaya naman nilagay ko na ang loob ko na mamamatay na ako dito."YOU ALL BETTER STOP THIS OR I SWEAR TO GOD, I WILL RIP ALL YOUR HEADS OFF!!!"
Narinig ko ang galit na boses na iyon, tapos nilubayan na ako ng mga 'vultures' na kumukuyog sa akin at nagtakbuhan na ang mga ito palayo.
Mabilis na lumapit sa akin ang Knight... I mean Princess in shinning armor ko, walang arte na kinalong ni Alison ang halos kalahati ng maduming katawan ko.
"I'm sorry, Ali-"
"Shh." Iniharang nito ang isang daliri sa labi ko. "You don't have to." Ngumiti ito saka yumuko at hinalikan ako sa labi.
Napapikit na lang ako at napaluha.
"Kaya mo bang tumayo at maglakad?" Masuyong tanong nito matapos nitong putulin ang halik.
Tumango ako.
Inalalayan nito ako, at kahit sa mabagal na paglakad ay hindi ako binitawan ni Alison, hanggang sa makarating kami sa kotse nito. Alam kong madami ang nakatingin sa amin, pero kahit isa ay walang nagtangka na lumapit, mga nag si panood lamang ang mga ito sa amin. Isinakay ako ni Alison sa kotse nito at ito pa mismo ang nagkabit ng seat belt ko at bago nito pinaandar ang sasakyan ay masuyo muna akong nilingon nito saka hinawakan ako sa pisngi, naikiling ko ang aking ulo at ipinikit ko ang aking mga mata ng maramdaman ko ang haplos nito na puno ng pagmamahal.
"I promise, you will be alright."
After that ay inistart na nito ang kotse, wala na akong pakealam kung saan man kami pupunta, ang mahalaga ay ito ang kasama ko, dahil for the first time in my life, ngayon lang ako nakaramdam ng kapanatagan at sa piling pa ng babaing itinuring kong kaaway ng napakahabang panahon.
===============
Cece's POV
Pinapanood ko kung paano kuyugin ng mga inutusan ko si Emily, ngunit dumating si Alison at ni rescue nito ang 'damsel in distress' nito."Hanga na talaga ako kay Ali."
Napalingon ako sa nag salita, si Spencer. Kasama nito ang dalawa ni Hanna at Aria na hindi ko namalayan ang pag lapit sa akin, ngayon nga ay pinapanood na din ng mga ito sina Ali at Emily.
"Kung katangahan lang din lang naman, Spence ang hahangaan mo, ay dito ka na lang kay Hanna, for sure araw-araw kang quota diyan." Dinaan ko na lang sa biro ang inis na nararamdaman ko.
Tumawa si Spencer at Aria, minulagaan naman ako ni Hanna.
"Seriously, Cecelia? Hiyang-hiya naman ako sa talino mo! For your informentation, lahat tayo tanga, iba-ibang level nga lang." Todo taas ang kilay na sabi nito sa akin.
"Yeah, right. To the highest level nga ang sayo, eh." Tuloy kong pang-aasar dito.
"Wait, Hanna. Anong informentation? Baka information." Pagtatama ni Aria.
"Whatever, it's still the same."
Nagtawanan kaming muli at gumaan na ang pakiramdam ko.
=================
Emily's POV
Nandito ako ngayon sa mansion or mas tama yatang sabihin ay palasyo ng mga DiLaurentis. Nalulula akong talaga sa yaman nina Alison, kanina nga ay inasikaso ako at talagang pinaliguan pa ako ng limang maids na inutusan ni Alison. Ngayon ay nandito na ako sa isang kwarto na sa palagay ko ay kay Alison."How are you feeling?"
Nilingon ko si Alison na babagong pasok, at may dalang medical kit.
"Medyo okey na." Nahihiyang sagot ko.
Humila ito ng upuan at pumwesto ito sa harap ko, nakaupo kasi ako sa gilid ng kama. Hinawakan ni Alison ang baba ko at tiningnan ang mga pasa at sugat ko sa mukha na nakita ko na kanina ng humarap ako sa salamin pagkatapos kong maligo. Wala itong salita na ginamot ang sugat ko, wala rin akong mabasang anuman sa mukha nito, kaya pinabayaan ko na lang ito sa ginagawa sa akin. Nang matapos ito ay inalalayan na ako nito pahiga sa kama.
"Tinawagan ko na ang Mom mo, alam na niya na dito ka mag-ii-stay, so you don't need to worry, okey? Just rest." Sabi nito matapos akong kumutan at dampian ng halik sa noo.
Tumango na lang ako.
Tumayo ito at palabas na ulit ng kwarto.
"Alison?" Tawag ko bago pa man ito tuluyang makalabas.
Nilingon ako nito.
"Saan ka matutulog?" I had to ask dahil sigurado na ako na kwarto niya ito.
Kumunot saglit ang noo nito.
"This is my room, so what do you expect?" Ang sabi. "Ilalabas ko lang ito." Tukoy nito sa medical kit.
"Ibig sabihin tabi tayo?" Kinakabahan kong tanong ulit, ewan ko ba.
"Uh uh, unless you want to lay on top of me." Sabi nito na naka ngiti, labas ang cute na dimple nito.
Hindi na lang ako umimik, dahil parang affected ako sa sinabi ni Alison.
"We'll just sleep, I promise."
Tuluyan na itong lumabas. Na relieve naman ako. Pumaling na ako sa kaliwa at pumikit na ako, maya-maya ay bumalik na ulit ito at nahiga na nga sa kabilang side ng bed, then she said goodnight to me, and the next thing I knew ay mahimbing na itong natutulog, di naman nagtagal ay nakatulog na din ako.
BINABASA MO ANG
Emison fan fic GxG (Completed)
Fanfictionthis has nothing to do with the story in pretty little liars.