FIVE YEARS LATER
Emily's POV
Limang taon na ang nakaraan mula noong huli kong makita si Alison, at wala na ako naging balita pa sa kanya mula noon. Ewan ko ba, parang bigla na lang itong nag vanished, nag disappeared sa mundong ibabaw. Nung palayasin ako nito, ay iyon na ang huling araw na nakita ko ito.Hindi na ito pumasok mula noon at hindi na rin ito umattend ng graduation. Wala din naman akong mapiga sa apat nitong kaibigan, dahil hindi na ako pinansin at kinausap ng mga ito mula noon, kahit kay Toby wala din akong napala.
Lately ko na lang nalamam na tumawag pala noong araw na iyon ang dad ko, at si Ali ang nakasagot, hindi ko alam kung anong sinabi ng dad ko para maging ganun na lang ang galit ni Ali, pero parang may idea na ako.
Flashback
Hinatid ako ni Toby sa bahay at nakita kong may kotse sa garahe namin, alam kong sa dad ko iyon. Nagtaka ako, dahil bihirang umuwi ang dad ko, usually umuuwi lang ang dad ko pag mayroong problema.Nasa may porch pa lang ako ay rinig ko na ang boses ng dad ko, hindi muna ako pumasok at pinakinggan ko kung ano ang pinag-uusapan nito at ni mom.
"Patuloy na nalulugi ang kumpanya natin, Pam. Wala na rin tayong kahit anong asset, pati nga itong bahay na ito ay nakasangla na din." Sabi ni dad na halata ang frustration sa boses.
"Anong gagawin natin, Wayne?" Tanong ni mom na sa tingin ko ay naiiyak na.
"Hindi ko na din alam kung ano pa, Pam. Madami na akong nilapitan ngunit, wala ng gustong tumulong sa atin. Maghihirap na tayo ng tuluyan, Pam."
"No, honey. May solusyon pa tayo, kausapin mo ang mag asawang DiLaurentis, siguradong tutulungan nila tayo."
Hindi nagsalita si dad.
Ilang sandali pa akong naghintay tapos nung wala na akong narinig pa ay pumasok na ako.
Wala si mom and dad sa living room ng pumasok ako kaya dumiretso na ako sa kwarto ko.
================
Gumagawa ako ng assignment ng may kumatok at maya-maya pa ay bumukas ang pinto, si dad.Pumasok ito at naupo sa gilid ng kama ko, tuloy lang naman ako sa ginagawa ko. Never akong naging malapit sa dad ko, ni hindi ko na nga maalala kung may time ba na humalik ako o nag lambing dito. Siguro dahil sa lagi kasi itong wala at isa pa alam kong tutol ito sa gender preference ko.
"Emmy?" Tawag nito sa akin.
Tinigil ko ang pagsusulat ko at nilingon ko ito.
"Ahm, we do have a problem."
Kita ko ang pag-aalangan sa mukha ni dad ng sabihin iyon.
'Sadya namang umuuwi ka lang dito kapag may problema eh, may bago pa ba doon?' Gusto kong ibulyaw ito sa mukha ni dad, pero kahit naman malayo ang loob ko dito ay ama ko pa din ito na kailangan kong respetuhin.
Hindi na lang ako umimik, hinintay ko na lang ang susunod na sasabihin nito.
"Alam ko ang tungkol sa pagkakagusto sayo ng bunsong anak nina Kennet."
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gustong sabihin ni dad, bakit ba ayaw pa akong diretsuhin.
"Emmy, malaki ang maitutulong ng mga DiLaurentis sa negosyo natin-"
"Ano namang kinalaman ko dyan, dad?" Interrupt ko sa sinasabi nito.
"As you can see, magagamit natin ang pagkakagusto sayo ni Alison-"
BINABASA MO ANG
Emison fan fic GxG (Completed)
Fanfictionthis has nothing to do with the story in pretty little liars.