dancing while lasing

3.3K 82 1
                                    

Alison's POV
After akong lapitan kanina ni Emily, na hindi ko talaga inexpect ay pinilit kong i-compose ang sarili ko. Pinilit kong gawing cold ulit ang sarili ko, pero hindi ko napigilang ngitian ito, dahil ang cute, cute naman kasi talaga nito, eh. Para pa din akong nasa high school, na makita ko pa lang si Emily ay kinikilig na agad ako.

Nandito na kami ngayon sa table ng mga bestfriends ko at nagrereminsce kami ng mga kalukahan namin noong high school ng bigla na lang -

"Ali, can I have this dance?"

Una kong nakita ay ang palad na nakalahad sa akin at ang boses na iyon, ang sa tuwina'y kumikiliti sa aking puso.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko, at iba-iba ang mga reaksyong nakita ko sa mukha at mga mata ng mga ito.

Ang tingin ni Cece ay parang nagsasabi na 'don't you dare.'

Kay Spencer parang susuporta sa kung ano man ang maging pasya ko.

Si Aria naman parang kinikilig,

At si Hanna, nakangiti ito at kulang na lang ay dakmain nito ang palad ko para ito na ang mag abot sa nag iintay na palad ni Emily.

Tumunghay na ako at nagtama na naman ang mga mata namin. Mahirap pigilan ang puso ko, kaya naman nilagay ko ang palad ko sa palad nito. Agad naman nitong ikinulong iyon at inalalayan na nito ako sa pagtayo, at pagpunta sa dance floor.

Ang awkward lang, hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang kamay ko. Baby blue eyes ang tugtog at parang sweet ang mga nagsasayaw sa paligid namin. Hinapit ng isang braso ni Emily ang bewang ko, kaya naman authomatic na nilagay ko na lang sa batok nito ang isa kong kamay. Hawak pa rin kasi nito ang isa kong kamay at nakaipit iyon sa pagitan ng mga dibdib namin. Marahan na kaming sumasayaw at muli kong naramdaman ang pag hapit nito sa katawan ko, binitiwan na nito ngayon ang kamay ko kaya naman halos magkayakap na kami, isinandal ko na ang ulo ko sa dibdib nito at naramdaman kong hinalikan nito ako sa top ng head ko.

"I've missed you so much, baby." Mahina pero ma emosyong sabi nito sa akin.

I want to say I missed her too, pero may pumipigil sa akin, kaya naman sumiksik na lang akong lalo sa katawan nito that way mararamdaman na nito na subrang missed ko din ito.

Hindi ko alam kung gaano na kaming katagal sa ganoong posisyon, basta bigla ko na lang napansin na hindi na nagalaw si Emily, at parang bumigat yata ang pagkakasandal nito sa katawan ko.

"Em?" Masuyong tawag ko dito.

Bahagya ko itong inilayo sa akin, tapos muntik na itong matumba, buti na lang at muli ko itong nayakap.

"Shit! Emily, ang bigat mo." Reklamo ko.

Hinawakan ko ang mukha nito at iniharap ko sa akin, nakapikit ito at bahagyang nakaawang ang labi, inamoy ko iyon at -

"Oh my! Lasing ka, Emily!" Nagusot ang mukha ko.

Bahagya kong tinampal-tampal ang pisngi nito para magising habang ang isa kong kamay ay nakayakap sa bewang nito, bahagya lang itong umungol.

"Em, gumising ka na. Ang bigat mo kaya." Frustrated ko ng sabi, dahil dumadausdos na sa yakap ko ang katawan nito.

At bago pa man tuluyang bumagsak sa yakap ko si Emily, ay may isang pares na ng mga bisig ang sumalo at humawak dito.

Pagtingin ko... si Paige!

"Let me." Sabi nito saka tuluyan ng kinuha nito sa akin si Emily.

Gustuhin ko mang magprotesta ay hindi ko na ginawa dahil alam kong wala akong karapatan. Kitang-kita ko kung paanong niyakap ni Paige ang katawan ng mahal ko, at inakay na nga nito si Em palabas ng venue.

"What happened, Ali?" Tanong ni Cece na hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala.

"Nothing!" Napakurap na sabi ko. "Tara na, uwi na tayo." Hindi ko na ito hinintay na makapagsalita, umuna na akong paglabas.

Nasa parking na ako sa tabi ng kotse ko ng lingunin ko si Cece, sumunod na nga ito sa akin, pero mabagal ang lakad dahil nga sa buntis. Hinintay ko na lang ito, at hindi na muna ako sumakay sa kotse.

"NO, PAIGE! AYOKO SUMAMA SAYO!"

Napalingon ako sa sumigaw. Si Emily, pumipiglas mula sa pagkakahawak/pagkakayakap ni Paige.

"Em, umuwi na tayo, please. Lasing ka na." Mahinahong paliwanag nito, pero hindi nito binibitawan si Emily.

"I SAID NO! AYOKO! HINDI KA BA MAKAINTINDI, PAIGE! HINDI KITA GUSTO!" Sigaw pa din at todo piglas pa din ito.

Hindi ko alam kung dahil ba sa alak kaya sumisigaw ito o kung ano. Lalapit na sana ako sa mga ito ng biglang may humawak sa wrist ko.

"Wag mo na silang pakialaman, Ali." Sabi sa akin ni Cece.

Inalis ko ang tingin ko dito at ibinalik ko kay Emily. Hindi pwedeng hindi ako makialam, naaawa na ako sa parang batang itsura ni Emily, kaya tinanggal ko ang hawak sa akin ni Cece at lumakad na ako sa direksyon ni Emily at Paige.

"Alison, let's go!" Tawag pa sa akin ni Cece.

Napatingin si Emily sa gawi ko, at nagliwanag ang mukha nito na para itong nakakita ng kakampi.

"Ali, please take me with you, wag mo akong pabayaan na kunin ni Paige." Sabi ni Emily habang ang mga kamay nito ay parang aabutin ako, yakap pa din ito ni Paige sa likod, parehas nakaharap ang mga ito sa akin.

Lumambot ang puso ko sa sinabi ni Emily, dahil tila may iba pa iyong kahulugan. Kaya naman lumapit na nga ako dito, agad na yumakap sa akin si Emily.

"Ako na ang bahala kay Em, Paige." Marahan pero may diin na sabi ko, saka niyakap ko na din si Emily.

Una ay nag-aalangan pa si Paige, pero sa huli ay binitiwan din nito si Emily. Inakay ko na ito sa kotse ko, at isinakay ko na sa backseat, pero ayaw na nito akong bitawan, napatingin ako kay Cece, tumango na lang ito kahit napipilitan. Sumakay na nga ako sa tabi ni Em, at umupo naman na sa driver seat si Cece.

"Sure ka kaya mo mag drive?" Paninigurado ko.

Tumango lang ito, saka inistart na ang kotse. Cuddled in the backseat naman ang naging drama namin ni Emily, peaceful na tulog na ulit ito, at aware naman ako sa pagsulyap-sulyap sa amin ni Cece, through rare view.

Emison fan fic GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon