Emily's POV
Nakasalubong ko ang grupo ni Alison sa hallway, at nagulat ako ng ngitian ako ni Alison, tapos nag thank you pa.'Para san yun?'
Tapos pati si Hanna nakangiti, at nice one daw.
'Ano yun?'
"Em, anong sinasabi nila? Bakit nag thank you sayo si Alison?" Usisa sa akin ni Toby, na kasama ko.
Nagkibit-balikat na lang ako. Hindi ko naman talaga kasi alam, e. Pumasok na kami sa room, at kita kong masaya pa ring nagngingitian ang grupo ni Alison. Bahagya ko na lang tinanguan si Alison, noong tingnan niya ako at ngitian.
==================
Lunch breakAlison's POV
"Hija, ikaw si Alison DiLaurentis, di ba?" Tanong sa akin ng isang middle age na ginang.Nakangiti ang ginang sa akin, pero hindi ko ito kilala. Nagpalitan nga ng tingin ang apat kong kasama, bawat isa ay nagtatanong kung sino ba ito. Nandito kami ngayon sa canteen, pero hindi pa kami kumukuha ng mga pagkain namin.
"Yes po, sino po kayo?" Alam kong maldita ako, pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko mapakitaan ng kamalditahan ko ang ginang na ito.
"Ako si Mrs.Pam Fields, mommy ako ni Emily."
'Ano daw? Mommy ito ni Em ko? So, ito pala ang future mother-in-law ko.' Gusto kong matawa sa isip ko.
"May niluto kasi ako. E, naisip kong dalhan kayo ni Emily at ang mga kaibigan nyo." Sabi nito na parang nabasa ang tanong sa isip ko.
Ipinaayos na ng ginang sa tatlong maids na kasama nito ang mga foods sa table namin.
"Mom?" Tawag na ikinalingon ng ginang.
Palapit si Emily sa mom nito, kasama ang bestfriend nitong si Toby.
"Ano pong ginagawa ninyo dito?" Tanong nito matapos batiin ng halik sa pisngi ang ina.
"Hello po, Tita." Bati din ni Toby sa mommy ni Emily, at saka ginaya nito ang ginawa ni Em.
"Maupo ka na dito, Emily. Dinalhan ko kayo ng lunch... pati ikaw Toby, maupo ka na din."
Umisod si Spencer at sa tabi nito naupo si Toby. Sa tabi ko naman pinaupo ni Mrs.Fields si Emily.
Magkakasabay na nga kaming kumain. Napansin ko na behave ang apat kong mga bestfriends, well si Spencer paminsan-minsan ay kinakausap si Toby, si Emily tahimik lang din, habang kakwentuhan ko naman ang mommy nito.
"Alison, hija, nagustuhan mo ba iyong bulaklak na bigay nitong anak ko?... ako ang pumili ng mga iyon."
Pasimpleng nagtinginan at nagngitian ang apat kong mga bestfriends. Napatingin naman ako kay Emily na biglang inubo, nasamid yata, inabutan ko na lang ito ng tubig at bahagya kong hinagod ang likod nito.
"Okey ka lang?"
Tumango lang ito, saka muli ng ibinalik ang baso sa table, after nitong makainom.
"Mommy, anong bulaklak ang sinasabi ninyo?" Tanong nito sa ina.
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko kay Emily at kay Mrs.Fields, na-a-amuse ako, dahil parang alam ko na ang mga ibig sabihin ng ginagawa ni Mrs.Fields, at natatawa naman ako sa walang kamalay-malay na si Emily.
"Manahimik at kumain ka na lang diyan, Emily." Sabi nito sa anak. "Ano? Hija, nagustuhan mo ba?" Naka ngiti namang baling nito ulit sa akin.
"Yes po, Tita. Actually, I love it, thank you po." Nakangiti at totoong sagot ko.
Nilingon ko ulit si Emily at nakayuko lang ito. Napangiti na naman ako.
Natapos ang lunch break namin, nagpa salamat kami sa masarap na lunch na dinala ni Tita Pam, at nagpaalam na rin kami na babalik na sa klase. Nauna na sina Cece, Hanna, at Aria, kasabay naman ni Spencer si Toby, at nasa huli naman kami ni Emily.
"Alison, pasensya ka na sa mommy ko, hindi ko alam na pupunta siya dito, saka yung bulaklak-"
"Em." Putol ko sa sinasabi nito, tumigil din kami sa paglalakad at hinarap ko ito. "Honestly, I love your mom. Nakakatuwa siya, at masarap pang magluto... about naman sa flowers, totoong nagustuhan ko iyon, kahit pa nga ipinangalan lang pala yun sayo at hindi naman talaga ikaw ang nagbigay." May hint ng disappointment ang voice ko.
"Sorry." Nakayukong sabi nito.
"Okey lang, pero sana sa susunod na makatanggap ako ng flowers ay sayo na talaga galing at hindi na sa mom mo." Sabi ko saka tinalikuran ko na ito at pinagpatuloy ko na ang paglalakad.
Naramdaman kong hindi ito sumunod sa akin kaya napatigil ulit ako saka liningon ko ito. Nakatingin lang si Emily sa akin, tapos nginitian niya ako, nag smile na din ako. Lumapit na ito sa akin at sabay na kaming pumasok ng classroom. Late kami. Haha.
================
Emily's POV
"Ano, Emily? Naka diskarte ka na ba? O gusto mo ako na ang-""Mom, I love you, but I can manage." Putol ko sa salubong na tanong at sabi sa akin ng mom ko.
Humalik lang ako kay mom, at umakyat na ako para pumunta sa kwarto ko, nakangiti kong ibinagsak ang sarili ko sa kama. Naisip ko yung sinabi ni Alison, na sana daw sa susunod sa akin na talaga manggaling ang flowers na matatanggap nito.
"Ano nga kaya at bigyan ko siya ng flowers?" Malakas na tanong ko sa sarili ko.
"Oo nga, peace offering lang naman, eh. No big deal." Parang sira kong sagot sa sarili kong tanong.
Bumaliktad ako, naka dapa na ako ngayon sa kama ko, at humila ako ng unan niyakap ko iyon at kinikilig na pinagpapadyak ko ang mga paa ko sa kama.
'Eeeeeeeeh!' Tili ng isip ko, wala lang.
BINABASA MO ANG
Emison fan fic GxG (Completed)
Hayran Kurguthis has nothing to do with the story in pretty little liars.