Emily's POV
Nandito ako ngayon sa swimming pool ng country club na pag-aari ng pamilya ng girlfriend ko daw na si Paige Mc Cullers.Swimming na lang ang pinagkaka-abalahan ko ngayon, wala akong trabaho, ang perang ginagastos ko ay ang pamana sa aking Trust Fund ng Lola ko sa mother side. Malaki iyon at sapat na para mabuhay ako. Binibigyan-bigyan din naman ako ng pera ni Mom, pero never akong humingi. Mula kasi ng hiwalayan ako ni Alison, ay lalong lumayo ang loob ko kay Dad, (ay mali pala, NAMUHI pala ang right term for that) at sa negosyo nito. Pag graduate ko pinakiusapan ako ni Dad na mag take over sa business nito, pero syempre tumanggi ako, dahil hindi ko kayang pamahalaan ang kumpanyang iyon na naging dahilan ng pagkasawi ng puso ko.
Nakailang pabalik-balik na ako sa magkabilang dulo ng olympic size na pool na ito, pero parang hindi man lang ako nakakaramdam ng pagod. Naiisip ko na naman kasi ang mahal kong si Alison. Nang mawala ito ay saka ko lang narealize na wala naman talaga itong ginawang masama sa akin kahit nung una pa lang. Oo nga at minsan din akong nakaranas ma bully sa school, pero walang kinalaman doon si Alison. Masama nga ang ugali ni Alison sa iba, pero pagdating sa akin ay napakabait nito, kahit noong lagi ko itong hindi pinapansin, at noong pinagsasalitaan ko ito ng masasama, at noong muntik ko na itong ma rape- never itong nagalit man lang sa akin, wala itong pinakitang masama man lang sa akin, puro pagmamahal at pag-unawa pala ang binigay sa akin ni Ali, tapos puro sakit ang naisukli ko. Bakit huli na ng marealized ko iyon?
Sinisi ko ng husto si Ali sa pagpapakamatay ni Samara, pero mali pala, dahil hindi naman pala dapat akong magalit kay Ali. Ikwenento kasing lahat sa akin ni Cece ang nangyari at naniwala akong totoo nga na walang kasalanan si Ali doon, oo nga at may kaunti itong kontribusyon doon, pero dahil lang naman sa akin kaya nito nagawa iyon.
Kung maibabalik ko lang sana ang panahong kasama ko pa si Ali, ipakikita ko talaga ang tunay na pagmamahal ko, hindi ko ito niligawan dahil lang sa tulong na maibibigay ng pamilya nito sa negosyo ng pamilya ko. Niligawan ko si Alison dahil sa pagmamahal, medyo huli na nga lang ng panain ako ni Kupido, pero atleast genuine ang pagmamahal na naramdaman ko talaga para dito. Bumalik lang sa buhay ko si Alison, ay ibibigay ko
ang mundo para mapasaya ko lang ito.My thoughts was cut by a loud splash, as if someone jump in the water, I raised my head and I saw Paige right in front of me, and she kissed me.
"Love, wala ka bang balak umahon?" Tanong nito after kong humiwalay sa kiss.
"Paige, nag-eenjoy pa ako sa water, eh." Reason ko.
"Fine, I'll join you na lang para makasama kita." Sabi nito saka ipinulupot sa bewang ko ang mga braso nito at muli akong hinalikan.
Wala man lang akong ma feel na heat sa halik ni Paige, walang spark, walang kilig, walang butterflies, parang basta halik lang. Tinugon ko na lang ang halik nitong iyon para wala ng drama.
Bakit ko nga ba naging 'girlfriend' daw si Paige. Well, classmate din namin ito noong high school at isa ito sa nakaranas ng pagka mean ni Alison, 'Pigskin' nga ang tawag ni Ali dito. Kasama ko rin sa swim team si Paige at kahit noon pa man ay alam ko ng may gusto ito sa akin, hindi nga lang ito makadiskarte dahil itinuturing akong 'private property' ni Alison dati. Bawal na bawal ang may magkagusto sa akin ma pa babae o lalaki man.
Hindi ko napigilang mapangiti sa ala-alang iyon.
"Em, are you alright?"
'Shit! Naghahalikan nga pala kami!'
"I'm fine... nakikiliti lang kasi ako." My another reason, dahil naglilikot na ang kamay nito sa ilalim ng two piece swim suit ko.
Ngumiti lang ito saka muli na akong hinalikan, tinuloy ko naman ang paglalakbay ng isip ko.
So, iyon nga hindi makadiskarte sa akin si Paige dahil kay Alison, pero ng iwan na ako ni Ali, ay nag simula ng magpursige sa panliligaw sa akin si Paige, kung saan ako nag enroll ng college ay doon din ito nag enroll. Basta kung nasaan ako, e nandoon din ito, ako na nga ang nauumay, eh.
Kailan nga ba naging kami ni Paige? Actually, wala talaga akong maalala na sinagot ko 'to, eh. Basta isang araw na lang, e nag claim na ito na 'girlfriend' na daw nito ako, pinabayaan ko na lang at kawawa naman, eh.
"Ahh!" Ungol ko ng maramdaman ko na nasa loob na ng bikini ko ang kamay ni Paige.
"Paige, stop!" Pilit kong tinanggal ang kamay nito 'doon'.
"What?.... Why?" Litong tanong nito.
Kita kong namumungay na ang mata nito ng tumingin sa akin.
"B-baka may makakita sa atin, nakakahiya." Sabi ko na lang.
"Come on, Em... sa room tayo." Hinawakan na nito ang kamay ko.
Sabay na nga kaming lumangoy pabalik sa pool side at umahon na nga kami.
BINABASA MO ANG
Emison fan fic GxG (Completed)
Fanfictionthis has nothing to do with the story in pretty little liars.