poor Alison!

4K 106 2
                                    

Alison's POV
"God! Ali, what happened to you?" Gulat na tanong ni Cece.

"Sinong may gawa sayo niyan?" Tanong naman ni Spencer.

Tahimik naman akong nilapitan at niyakap ni Aria.

"Na rape ka ba, Ali?" Parang tanga lang na tanong naman ni Hanna.

Sinaway ito ni Spencer.

Inexpect ko ng nandito ang mga kaibigan ko, pero talagang gusto ko ng umuwi after nung nangyari, kaya naman hindi ko na inintindi ang walang kaayusan kong itsura. Tama naman si Hanna, na rape nga ako, muntik na.

"Who did this to you, Alison? Tell me." Galit na tanong ni Cece.

Bago pa man ako makapag salita ay may nag door bell, at maya-maya pa ay pumasok ang isa naming maid kasunod nito si Emily.

Nakatingin lahat ng kaibigan ko kay Emily.

Si Cece naman ay nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Emily, tapos ay may isinenyas ito kay Spencer, then nilapitan nito si Emily at ang sunod na pangyayari ay pinagtulungan nina Cece at Spencer ang hindi lumalaban na si Emily, kita ko kung paanong sinabunutan, sinampal, sinuntok, at kung anu-ano pa ang ginawa dito ng dalawa kong kaibigan.

Hindi na ako nakatiis, bumitaw ako sa yakap ni Aria at inawat ko ang dalawa, saka iniharang ko ang sarili ko sa walang kibong si Emily.

"Tama na! It's my fault." Sabi ko.

Marahas na napabuntong-hininga si Cece.

"Know what, Ali kinukunsinti ko, namin ang lahat ng kagagahan mo dyan sa freak na yan." Dinuro pa nito si Emily na nasa likod ko.

Hinawakan naman ni Spencer si Cece para awatin.

"Pero yung pabayaan ka namin na tuluyang masira, dahil sa tang-inang yan." Naabot nito si Emily at malakas na binatukan.

Lumapit na sina Aria at Hanna kay Spencer para tumulong sa pag-awat kay Cece.

"Em, please umalis ka na." Sabi ko, dahil sa nakikita kong galit ni Cece, ay baka mapatay pa nito si Emily.

"I'm so sorry." Mahinang sabi nito sa akin, saka tumayo na at yuko ang ulo na umalis.

Nang maka-alis si Emily ay namayani ang katahimikan, pero ramdam pa rin ang tensyon sa nangyari, kani-kanina lamang.

"Ano ba talagang nangyari? Cey, Spence, bakit bigla ninyo nalang inatake at binugbog si Emily? At anong ginagawa noon dito?" Ratrat sa pagtatanong ang sobrang clueless na si Hanna.

"Ang Emily na iyun ang may gawa niyan kay Ali." Tinuro pa ni Cece ang itsura ko.

"Bakit naman hindi ninyo agad sinabi sa akin? Eh, di sana nakatulong ako sa pag-umbag dun!.... Hmp! Akala ko pa naman mabait yung si Emily, rapist pala!" Walang prenong sabi ni Hanna.

"Slow ka kasi, Han. Pagdating pa lang ni Emily dito, obvious ng guilty siya." Sabi ni Spencer dito.

"Ano ba talagang nangyari, Ali? Bakit ginawa yan ni Emily sayo?" Mahinahong tanong ni Aria.

"Inakit mo ba siya, Ali?" Singit na naman ni Hanna.

"Hanna, kita mo ba yung ginawa ko kanina kay Emily?" Seryosong tanong dito ni Cece.

"Oo naman, tapang mo nga eh, idol." Tumatawang sagot nito.

"Kung ayaw mong ulitin ko yun sayo,  keep your mouth shut!"

"Hmp! Sungit!" Inirapan pa nito si Cece.

Tumayo na ako at nag lakad papunta sa hagdan, I'm so tired at gusto ko ng humiga sa kama ko.

"Ali, where are you going?" Tanong ni Spencer.

"In my room, I'm so tired."

Hindi na ako lumingon at nagdiretso na ako sa pag-akyat, bahagya ko pang narinig ang pagtatanungan nung apat, pero wala na akong lakas para magpaliwanag.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, ay saka tumulo ang mga luha ko na kanina ko pang pinipigilan, pakiramdam ko ay aping-api ako, dahil sa mga sinabi at ginawa sa akin ni Emily. Humarap ako sa salamin, at lalo lang akong nahabag sa sarili ko - magulo ang buhok ko at nananakit ang anit ko dahil sa pagsabunot sa akin kanina ni Emily, kalat-kalat ang maskara pati na ang lipstick ko, may bahagyang punit ang blouse ko na wala ng kaayusan, hindi ko inakala na kayang gawin iyon ni Emily, pero hindi ko magawang magalit dito, ang pag sunod nito sa akin, ang hindi nito pag laban kay Spence at Cece, at ang paghingi nito ng sorry ay sapat na sa akin.

=================
Emily's POV
Pagkatapos nung hindi ko inaasahang pangyayari ay sobrang na guilty ako, kaya naman sinundan ko ang kotse ni Alison, kailangan kong humingi ng sorry, pero hindi ko inexpect na nandoon sa bahay ni Alison ang mga kaibigan nito at ikinabigla ko din ang pagsugod sa akin nina Cece at Spencer, pero dahil guilty nga ako ay hindi na ako lumaban, at ng pigilan ni Alison ang mga kaibigan nito sa pag-atake sa akin ay lalo akong naguilty, iniharang pa nito mismo ang katawan sa akin para hindi na ako magalaw ng kahit na sino sa mga kaibigan nito, hindi ko akalaing gagawin nito iyon at ng pagsalitaan ako ni Cece at batukan, ay sinabihan na nito akong umalis, humingi ako ng sorry at yuko ang ulo kong umalis dahil hiyang-hiya at nagi-guilty talaga ako sa ginawa ko, ang mas lalo pang nagpa guilty sa akin ay ang pagiging mabait pa rin sa akin ni Alison, pagkatapos ng masasakit na sinabi at ginawa ko dito, pero sa likod ng isip ko ay may nagsasabi sa akin na tama lang ang ginawa ko. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang tama.

Emison fan fic GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon