Alison's POV
Past 8am na ako nagising, hindi na ako nag effort gisingin pa si Emily dahil late na din naman kung papasok kami. Tumawag na lang ako sa school. Nagawa ko na ang lahat ng mga morning routines ko ay tulog pa din si Emily, kaya naman nanood na lang ako ng tv sa living room ng kwarto ko.Emily's POV
Nagising akong masakit ang buong katawan ko, nang ilibot ko ang inaantok ko pang mga mata ay naalala ko na ang nangyari kahapon at kung nasaan ako, wala si Alison sa tabi ko."Alison?"
"I'm here."
Sa isang panig ng kwarto nanggaling ang boses, kaya naman bumaba na ako sa kama, may ilang steps pa kasi mula sa pwesto ng kama.
'Ang sosy talaga ng kwartong ito, parang bahay na, eh.'
Nasa living room pala si Alison at nanunood ng cartoons.
"Bakit?" Tanong nito ng makita ako.
"Anong oras na?"
"Ten quarter."
Nagulat ako at naalala ko na ngayon ang swim meet namin.
"Bakit hindi mo naman ako ginising? May swim meet ako ngayon." Parang naiiyak ng sabi ko, dahil 9am ang start ng meet at late na ako. Nagmamadali na akong kumilos para kahit paano ay makahabol man lang ako.
"Don't bother to go there."
Tiningnan ko ito, nilingon naman ako nito saglit bago bumalik na ulit sa panonood.
"Alam mo bang importante yun-"
"Alam ko." Putol nito sa sinasabi ko. "Kaya nga ipina cancel ko na iyong meet dahil hindi makaka attend ang best swimmer."
Napalapit ako sa inuupuan nito dahil sa narinig ko.
'Tama ba ang narinig ko?'
"Anong sinabi mo?"
"Sabi ko pina cancel ko na iyong swim meet mo, ipapa-re-sced ko na lang yun pag fit ka ng tumalon ulit sa pool." Napaka casual ng pagkakasabi nito.
"Ha? Bakit mo ginawa iyon? Paano naman iyong mga dumayo pa galing sa ibang schools."
"You worry to much, Em. Mag thank you ka na lang dahil ginawa ko iyon for you."
Hindi makapaniwalang tiningnan ko ito, hindi naman nito inaalis ang tingin kay Mr. Bean. Paminsan-minsan pa nga ay tumatawa pa ito sa eng-eng na si Mr. Bean. Kinuha ko ang remote at pinatay ko ang tv, para makuha ko ang full atensyon nito.
"What the- bakit mo pinatay?"
At last humarap na ito sa akin.
"Ayaw mo kasi akong kausapin ng husay."
"Ano pa bang usap ang gusto mo?"
Pinipilit nitong abutin ang remote sa akin pero hindi ko syempre binigay. Iniharang ko na din ang katawan ko sa power button sa flat screen tv ng tangkain nitong doon buksan.
"Fine!" Pagsuko nito, saka pabagsak na bumalik sa upuan.
"Tell me, bakit mo nga ba basta na lang ipina cancel iyong swim meet?"
"Kulit din ng lahi mo, no. Di ba sinabi ko na nga hindi ka pa pwede mag swimming kaya no use na ituloy pa iyong meet. Don't worry, once na alam kong okey ka na ipapa-re-sced ko agad iyon." Mahabang paliwanag nito.
"Napaka insensitive mo talaga." Naiinis na sabi ko, dahil naisip ko nga iyong mga dumayong mga swimmers na galing pa sa ibang mga schools mula sa kung saan-saang sulok ng bansa, alam ko kung gaano nilang pinaghandaan ang meet na iyon at ang travel, tapos ipapa cancel lang.
"Wow! Talagang insensitive ako sayo? Let me repeat this, Emily Fields, I did that for you, dahil iniisip kita, iniisip ko ang kalagayan mo. Kaya tama ka, insensitive nga ako! At para din sa kaalaman mo, hindi ko pinabayaan ang mga dayo na iyon, binayaran ko silang lahat as a sign of my apology, kaya tama ka ulit napaka insensitive ko ngang tao!"
Pagkatapos nitong sabihin iyon ay iniwan na ako nito doon sa kwarto... nakatanga.
==================
Two days laterEmily's POV
After noong incident sa bahay nina Alison ay hindi na nito ako kinausap ulit. Noong araw nga na iyon ay inantay ko pa ang pag balik nito doon sa kwarto, para makapag sorry, hindi ko naman kasi alam, pero nung wala talaga at di ito dumating ay umuwi na lang ako.Naninibago ako, dahil dati-rati lagi akong sinusundan ni Alison, lagi itong gumagawa ng paraan para pansinin ko, pero dalawang araw ng hindi man lang nito ako tinitingnan, nawala na din ang mga nambu-bully sa akin, tahimik na ang buhay ko, pero parang ang weird ng pakiramdam ko, hinahanap-hanap ko ngayon ang presence ni Alison, minsan nga natutulala na lang ako sa panonood dito mula sa malayo.
"Hoy, bestfriend." Si Toby.
"Ano bang tinitingnan mo?"
Sinundan nito ng tingin ang tinitingnan ko.
"Ay hindi pala ano, sino pala." Ang sabi, saka tumawa ito.
Hindi ako umimik pero inalis ko na ang tingin ko kay Alison.
"Em, matanong nga kita, anong nangyari at bakit parang hindi ka na pinapansin niyang si Alison?... mula nung iligtas ka niya sa mga nambugbog sayo hindi ka na niya sinusundan at kinukulit, ah." Tanong nito. "Pero alam mo sa isang banda, ayos din ha, nawala na ang mga bully, pati ako tahimik na ang buhay ko, nakakauwi na nga ako ngayon ng walang bangas at tuyo ang damit." Sinundan pa nito ng tawa ang sinabi.
Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin dito ang mga nangyari, kahit kasi tinuturing kong bestfriend ito ay hindi naman talaga ako sanay magkwento dito. Mula kasi ng mamatay si Samara ay naging distant na ako sa lahat.
"Bahala ka na nga, alam ko namang hindi ka magki-kwento, pero ako na lang ang magki-kwento tungkol sa bago kong crush, si Spencer
Hasting, iyong isa sa mga bestfriend ni Alison."Nagtuloy-tuloy na nga ito sa pagki-kwento, bahagya na lang akong tumatango at ngumingiti pag kailangan, para naman hindi nito masyado mahalata na hindi ako nagpo-focus sa kwento nito.
=================
Alison's POV
"Hey! Ali, naninibago na kami sayo, ha." Si Aria.Nasa private lounge kami dito sa school at nagpapalipas ng free time.
"Oo nga Ali, bakit hindi mo na pinapansin si Emily? Don't tell us na lipas na ang pag sinta mong pururot doon." Nagtatawang sabi naman ni Spencer.
"Maybe... Maybe not." Sagot ko na lang.
"Ano? Ang gulo mo din ha." - Spencer.
"Ali, if ayaw mo na kay Emily pasa mo na lang sa akin, ha."
Ang sama ng tingin ko kay Hanna.
"Wag ka ng umasa, Hanna. Iyang kaibigan natin ay malabong ayawan ang favorite girl niya." Sabi naman ni Cece ng makita ang tingin ko kay Hanna.
"Eh, dine-deadma naman na niya yun, ah. At saka nabo-bore na kaya ako, ilang araw na tayong walang 'nilalaro', no."
Ang tinutukoy nito ay ang hindi na namin pambubully, dahil iyon ang utos ko, ni Queen Alison.
"Han, mag hanap ka na lang ng ibang 'play toy', wag na si Emily, sabi mo nga masama para sa negosyo ng kahit na sino ang sabihan ng masama si Emily, eh lalo na pag pinakealaman mo iyon- Naku, naku!" Seryosong sabi ni Spence.
"Hmp! Andaya!" Naka-nguso pang sabi ni Hanna.
BINABASA MO ANG
Emison fan fic GxG (Completed)
Fanfictionthis has nothing to do with the story in pretty little liars.