tampo si Ali sa clueless na si Emily

3.3K 76 0
                                    

Alison's POV
"Baby, ano ba? Male-late na tayo!"

Hindi ko na mabilang kung makailang tawag na si Emily sa akin. Double wedding kasi ngayon nina Aria at Ezra, and Hanna at Caleb. Okey na kami ni Hanna, nagkaroon ng kaunting sakitan, iyakan, at paliwanagan- in the end, eh nagkaayos din kami at hindi namin nalimutan na mag bestfriend kami. Ngayon nga ay ikakasal na ito, pati si Aria. Syempre ako lang naman ang nag-iisa nilang Bridesmaid, since may asawa na sina Spencer at Cece, at ako na lang ang natitirang 'dala na' I mean dalaga sa aming magkakaibigan.

"Alison, ano ba!? Nasa honeymoon na ang mga ikakasal nandito pa tayo!"

Bumaba na nga ako at hindi ko maiwasang matawa sa reaksyon ni Emily ng makita ako.

"O, ano? Worth it ba ang paghihintay mo?" Birong tanong ko dito.

Sinalubong ako nito sa hagdan at sa halip na alalayan ako nito pababa ay hinila ako nito muli pabalik sa taas, sa kwarto namin.

"Ano ba, Em? Late na tayo di ba!" Saway ko dito dahil alam ko na ang tinatakbo ng maduming utak nito.

"Ha! Yaan mo silang mag hintay doon! Wala namang kasal na matutuloy pag wala ang Bridesmaid!" Sabi nito saka hinalikan na ako sa labi.

Ramdam ko ang eagerness nito at kahit ako ay gusto ko din ang gusto nitong mangyare, pero naisip ko ang dalawang bestfriend ko, kaya sinaway ko na ito bago pa man tuluyang masira ang ilang oras kong pinaghirapan- syempre sa pangako ko na uuwi din kami agad pagkatapos ng kasal- napapayag ko na din ito na umalis na kami ng bahay.

Pagdating namin sa simbahan ay napagalitan ako ng dalawa nina Aria at Hanna, dahil ako na nga lang pala talaga ang hinihintay. Ngumiti na lang ako sa dalawa saka ako nag peace sigh. Bago ako pumwesto na sa dulo ng entourage, sa unahan ng dalawang naggagandahang mga bride.

Buong durasyon ng kasal ay kay Emily lang nakatuon ang atensyon ko. Iniisip ko kung kailan ba kaya ako dadalhin at ihaharap nito sa altar. Oo nga at nagli-live in na kami pero iba pa din kasi pag legal di ba? Napatingin sa gawi ko si Emily, nginitian ako nito at nag mouth pa ito ng 'I love you'. Ngumiti na lang din ako with matching 'I love you too'. Nang matapos ang kasal ay napapayag ko si Emily na sumaglit kami sa reception.

"O! Ano Alison, inggit ka na ngayon? Kasal na kaming lahat, eh ikaw nganga!"

Napatingin ako kay Cece na buntis na naman. Nasa table kaming lima. Ayoko mang aminin ay tama ito sa sinabi nito.

"Hindi ka pa ba inaaya ni Emily na magpakasal?" Tanong ni Aria.

Napatingin ako kay Emily na kumukuha ng pagkain namin, saka malungkot na umiling lang ako.

"Waaah! Kawawa!" Duetong pangangantyaw sa akin nina Cece at Hanna na talagang may tono pa.

"Kailangang ipagduldulan?" Irap ko. "Sige na kayo na ang masasaya!" Galit-galitan kong sabi.

Nagtawanan lang ang apat habang tila nilukot na papel naman ang mukha ko.

"O, anong nangyari?"

Tanong ng bagong dating na si Emily. Inilapag nito ang isang platong may pagkain sa harap ko. Padabog namang tumayo at nag walk out ako. Hindi ko gustong mag drama ngayon dito sa kasal ng mga bestfriend ko- kaya lang kasi... ahhh! ewan!

Emily's POV
Kumuha lang ako ng pagkain namin at pagbalik ko ay busangot na ang mukha ng baby ko, habang tatawa-tawa lang naman ang apat na mga Bitchfriends nito.

"O, anong nangyari?"

Tanong ko pagkatapos kong ilapag ang mga food namin ni Ali, at sa halip na sagutin ako ay padabog na tumayo ito at umalis.

Emison fan fic GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon