Monthsary

4K 85 10
                                    

Emily's POV
"Ano, Ali? Magkwento ka naman." Pangungulit pa rin ni Hanna.

Nandito na kami ngayon sa sala at disente na ang mga bihis namin ni Ali, pero bakit tingin ko pagtinitingnan ako nung apat, lalo na ni Cece at Hanna, para pa din ako nakahubad. Ito ba yung sinasabi ni Ali na paghandaan ko? Ngek! Ang creepy!

"I bet she is good, she's totally have the body." Talagang may emphasis iyon ng sabihin ni Hanna, with matching tingin pa sa kabuuan ko.

Pakiramdam ko'y pulang-pula na ako, pati nga mga singit-singit ko ay namamasa na dahil sa embarassment.

"Hanna, not so loud." Saway ni Aria dito.

Nagpasaway naman na ito.

"So? Ali, talagang sinuko mo na ang V-card mo dito kay Fields?" Tanong ni Cece.

Tiningnan ko ang reaksyon ni Ali, naisip ko lang paano nito na mamanage na maging cool lang sa harap ng mga dalahira, bulgar, at chismosa nitong mga kaibigan? Ni wala man lang akong makita ni katiting na pagkapahiya o pagka-ilang sa mukha nito.

"Let's not talk about this girls, as you can see hindi comfortable si Em." Sabi ni Ali, saka tumingin sa akin ng nakangiti.

So kung wala pala ako dito pag-uusapan ng mga ito iyon ng detailed by detailed! Grrr!

Tumigil na nga sa pag-uusisa ang apat.

=================
Nasa school ako ngayon at nagulat na lang ako ng may biglang sumakay sa likod ko at tinakpan pa ang mga mata ko.

"Baby, I have a surprise for you." Excited na bulong sa akin ng sino pa nga ba? E, di ng girlfriend ko, si Ali.

"Ano naman iyon, baby?" Nakangiting tanong ko, kahit pa nga wala akong makita.

"Lakad ka na lang, babe." Ungot na utos nito sa akin.

"Paano ako lalakad? E, wala akong makita, baka madapa pa ako, eh dalawa pa tayo."

"Eh, basta!" Maktol nito. "Just trust me, ako ang liwanag ng mga mata mo."

Natawa ako sa sinabi nito, pero nagsimula na nga akong maglakad, pakapa-kapa habang binibigyan ako ni Ali ng instruction/direction. Hindi na ako nagtataka kung bakit walang humaharang na mga studyante sa daanan ko, eh sakay ko lang naman kasi sa likod ko ang Mahal na Reyna.

"There, stop na baka mahulog na tayo." Sabi ni Ali.

Palagay ko nasa entrance kami ng school building, kasi hagdan na ang kasunod nun tapos parking lot na. Unti-unting tinanggal ni Ali ang pagkakatakip sa mata ko, kumurap-kurap naman ako para i-adjust ang nanlalabo kung paningin.

"Surprise!" Sigaw ni Ali, inispread pa nito ang dalawang kamay habang nakasakay pa din sa likod ko.

Nakita ko ang apat na bestfriends ng mahal ko sa parking lot, katabi ng mga ito ang isang brand new black Ferrari sports car na parang ini-endorse ng mga ito sa akin. Napakunot ang noo ko at may alanganing ngiti ang pumaskil sa aking labi.

'What is this?' Tanong ko sa sarili ko.

Bumaba na si Ali sa likod ko at ngayon ay hawak na nito ang kamay ko, hila-hila ako nito pababa ng hagdan.

"Careful, baby." Nag-aalalang sabi ko, dahil iniisip ko na baka mahulog ito sa sobrang ka excitedan.

Sa tapat mismo ng driver side kami huminto, bukas ang pinto nun, na hawak ng nakangiting si Hanna.

"This is yours, baby. Kapalit nung na wrecked na car mo." Sabi ni Ali, habang iniaabot sa akin ang susi na may cupid na key chain.

Hindi ako makapaniwala, alam kong sobra pa sa napaka ang yaman nina Ali, pero hindi tamang regaluhan nito ako ng kotse, at hindi lang kasi basta ito kotse. I know this car, cost alot of fortune.

"Ali, hindi ko matatanggap yan." Umiiling na sabi ko.

"Pero? Baby, gift ko ito sayo, eh. Tapos tatanggihan mo!"

Halata kong sumama ang loob nito, pero talagang ang hirap tanggapin, eh. Wala namang okasyon, tapos may regalo, isang mamahaling regalo.

"Em, don't tell me nalimutan mong first monthsary natin ngayon!"

'Shit! Ano bang date ngayon? Waah! 14, monthsary nga namin. Paktay!'

Hindi ko namalayang napatapik ako sa noo ko. Iyon ang nag bigay kompirmasyon sa sinabi ni Ali, agad na itong tumakbo patungo sa kotse nito.

"Baby, sandali." Habol ko, pero nakasakay na ito at pinaharurot na ang kotse.

Naiwan ako, napatingin ako sa apat na nagsa-sign ng 'lagot ka'. Muli na lang akong napatapik sa noo ko.

'Sino ba naman kasing nagpauso ng monthsary-monthsary na iyan, eh!' Maktol ko sa sarili ko.

"You should know your girlfriend by now, she don't take no for an answer."

Napatunghay ako sa sinabi ni Spencer.

"If gusto mong magkabati kayo agad, sundan mo na siya ngayon." Seryosong sabi ni Aria sa akin.

"But how?" Tanong ko.

"You have a fast car, honey. So, use it and your Ali will forget that you forgot your first monthsary." -Cece.

"Here." Hanna tossed the key na agad ko namang nasalo. "Go!" Nakangiting encourage pa nito.

"Thanks, guys!" Sabi ko na lang saka sumakay na ako sa Ferrari.

'This is, what you called test drive.' Sabi ko sa sarili ko, bago ko inistart at i-drive ang sports car.

Emison fan fic GxG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon