Emily's POV
Wala na sana akong balak pumasok, pero naalala ko na kailangan kong magpraktis ng swimming, dahil two days na lang at Big meet na, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin, nahihiya akong humarap kay Alison, dahil sa ginawa ko, and at the same time ay natatakot ako sa pwedeng iganti niya/nila sa akin.
Pagka park ko pa lang ng kotse ko ay natanaw ko na agad ang grupo nina Noel, ang mga taong kinamumuhian ko, pero natakot ako ng makita kong nakatingin ng masama sa akin si Noel, habang inihahampas-hampas nito sa sariling palad ang baseball bat na hawak nito. Nakaharang ang mga ito sa daanan papasok ng building at wala akong choice kundi ang lampasan ang mga ito. May tumakid sa akin at muntikan na akong makipag face to face sa makintab na floor, kung hindi ko lang agad na gain ang balance ko. Tiningnan ko ang tumakid sa akin, at inambahan lang ako ng baseball bat ni Noel, napaatras ako, at nagtawanan ang mga ito.
Pumasok na lang ako at nagtuloy na sa classroom. Nang uupo na ako ay sa sahig ako bumagsak dahil may humila ng upuan ko, nagtawanan ang buong klase, tahimik na lang akong tumayo at umayos ng upo, tumingin na ako sa front at nabasa ko sa white board na may nakasulat na RAPIST, agad kong binura iyon saka ako tumakbo sa cr. Hindi ko pa nakikita si Alison, pero panay ng kademonyuhan ang nangyayari sa akin.Buong mag hapon na akong na bully, nung lunch may tumabig ng tray ko natapon ang pagkain ko, nung bumili ulit ako ay ganoon lang ulit ang nangyari, hindi na tuloy ako nakakain ng lunch, tapos may nag vandal ng locker ko sinira ang lock ginulo ang gamit ko, may nagpaint pa ng kung anu-ano, at pagkatapos sinubukan akong lunudin sa pool ni Cece habang nagpa-practice ako, at ang pinaka matindi ay ang ginawa sa kotse ko, binasag lahat ng salamin, binutas at winasak talaga ang apat na gulong, total wrecked talaga ang ginawa sa kotse ko, tapos may placard na nakapatong sa hood may naka sulat na RAPIST in bold letters. Napaiyak na lang ako.
Hindi ko na alam kung gaano na akong katagal na naka upo doon sa tabi ng aking kotse, napatunghay ako ng may nag-abot sa akin ng panyo,
si Hanna.
"Punasan mo ang luha mo at tumayo ka na dyan."
Tinanggap ko ang panyo at ginawa ko nga ang sinabi nito.
"Come, ihahatid na kita." Anito, saka nagpauna ng lumakad sa kotse nito.
Hindi ko naman alam kung susunod ba ako dito, baka kasi kagaya ng iba ay may balak din ito sa akin. Ayaw kong magduda, pero pagka tapos ng mga nangyari sa akin mag hapon, idagdag pang isa si Hanna sa mga bestfriend ni Alison.
"Don't worry, wala akong masamang balak sayo." Sabi nito ng lumingon sa akin at makita ang pag-aalangan sa mukha ko. "You don't hesitate to gave me a ride when I need that, ngayon ikaw naman ang may kailangan, so I'm just returning the favor." dagdag pa nito, saka sumakay na sa kotse.
Sumunod na lang ako. Matapos nitong itanong ang address ko ay hindi na ulit ito nag salita, naging napakatahimik ng byahe namin, hanggang sa ihinto na nito ang kotse sa tapat ng bahay namin.
"Salamat, napakabait mong kaibigan." Nagulat ako sa sinabi ko, pero hindi ko na iyon mababawi.
"Hindi tayo magkaibigan, Emily... at iyong sinabi kong mabait ka, binabawi ko na." Cold na sabi nito.
"Sor-"
"Wag ka sa akin mag-sorry, si Alison ang ginawan mo ng masama."
Kita kong tumigas ang mukha ni Hanna.
"Bumaba ka na, at amanos na tayo."
Lulugo-lugo akong bumaba ng kotse. Agad naman na itong umalis pagkasara ko ng pinto ng kotse nito.
==================
Alison's POV
Hindi na ako pumasok, pero nakarating lahat sa akin ang nangyari kay Emily, at hindi man tama ay nakaramdam ako ng awa para kay Emily, at galit para sa lahat ng gumawa ng masama dito. Bago ako natulog ay ipinangako kung aayusin ko ang lahat para kay Emily.
BINABASA MO ANG
Emison fan fic GxG (Completed)
Fanfictionthis has nothing to do with the story in pretty little liars.