Alison's POV
Girls night out naming lima dito sa bahay nina Spencer. Asusual, eating, drinking, watching movies, and a lot of talking. Pero kanina ko pang napapansin na walang kibo at imik si Hanna, at kaya agad ko itong napansin ay dahil hindi normal dito kay Hanna Marin ang hindi magsalita. Napakadaldal na tao nito at napakamasayahin, anong pwedeng maging problema nito para magkaganun?"Han, are you alright?" Pag snap ni Aria sa malalim na thoughts ni Hanna.
Kita ko iyon dahil nasa harapan ko ang mga ito.
"What?" Parang wala sa sariling nilingon nito si Aria.
"Kanina ka pang walang imik at kibo dyan. Yung totoo, Hanna. Are you with us?" Natatawang sabi at tanong ni Spencer na katabi naman ni Aria.
"What?" Muli ay wala sa sariling tanong nito.
"Really, Han? Puro what na lang ba ang sasabihin mo?" Si Cece na katabi ko, taga panood at taga kwento lang ito dahil hindi ito pwedeng kumain ng sobra at lalong hindi pwedeng uminom.
"Oh... I'm sorry." Yuko ang ulong sabi ni Hanna.
Hindi talaga normal ang mga kinikilos nito, dati-rati ay makikipag-bangayan na agad na ito kay Cece, pero ngayon she just said sorry. 'Ano yun?'
"Pagod lang ako, guys. Just don't mind me." Dagdag na sabi nito na walang ekspresyon ang mukha.
"Yan kasi, dala-dalawa ang mga boyfriends kaya napapagod!" Tira pa din ni Cece dito.
Nagtawanan kami pero si Hanna ay blanko pa din sa reaction. Napansin ulit iyon ni Aria, hinawakan nito sa braso si Hanna.
"Han, ano bang problema mo? You know you can tell us everything."
Bigla namang tumayo si Hanna.
"Do you mind if I leave now?"
Hindi pa man kami nakakasagot ay nakalabas na ito ng bahay nina Spencer.
"Anong nangyari dun?" Tanong ni Cece.
"I think we need to talk to her." - Aria
"No need. She will talk, when she's ready." Sabi ni Spencer.
Hindi naman ako nagsasalita, may iniisip kasi ako, para kasing ganoon din si Hanna, noong gabing hinatid nito sa bahay si Emily. Walang kibo at hindi nagsasalita, hindi ko na nga lang gasinong napagtuunan ng pansin iyon dahil sa pag intindi ko kay Em.
"Ali, okey ka lang? Wag mong sabihin na nahawa ka na kay Hanna." Interrupt ni Cece sa pag iisip ko.
Napatingin ako dito, at kina Spencer at Aria na parehong tumatawa, tumawa na lang din ako saka kinuha at ininom ko na ang shot ko.
Hindi na din naman kami nagtagal at nagsipag-uwian na din kami.
Pagdating ko sa bahay ay wala na naman si Emily. Tiningnan ko ang oras past 12 na, kinuha ko ang cellphone ko at dinayal ko ang number ni Em, pero out of coverage ito. Nagbihis na lang ako at nahiga na sa kama. Naisip ko lang na mula ng maging kami ulit ni Emily at inaya ko itong mag move-in dito sa bahay ko ay parang madami akong napapansin na kakaiba sa mga kilos nito, kagaya na lang ng lagi itong tulog halos sa maghapon, tapos sa gabi naman umaalis ito at kung anong oras na umuuwi at lasing pa, lagi rin itong naliligo muna at nagtotooth brush bago tumabi sa akin, pero minsan ay may naaamoy ako dito at hindi ko gusto iyon. Muli kong tiningnan ang oras 1:26 na, wala pa din si Emily. Ayokong mag-isip ng masama pero-
Naputol ang pag-iisip ko ng bumukas ang pinto at pumasok si Emily. Pumikit naman ako, ayokong ipaalam na gising pa ako, dumiretso agad ito sa cr. Sa lalim ng pag-iisip ko, ni hindi ko na narinig ang pagdating ng kotse nito. After 15 minutes siguro ay lumabas na ng banyo si Em, at nahiga na sa tabi ko, yumakap at sumiksik ito sa likod ko saka ako hinalikan sa buhok ko.
"I love you goodnight, my precious." Pabulong lang na sabi nito at ilang saglit pa ay naramdaman ko ng tulog na ito.
Emily never failed na pakiligin ako sa mga mumunting actions at sweet talks nito. Nararamdaman kong sincere ang pagmamahal nito para sa akin, pero bakit parang mayroon din akong nararamdamang doubt? Never na naming pinag-usapan yung tungkol doon sa nakaraan, siguro kasalanan ko din dahil hindi na ako humingi ng explanation, pero di ba dapat ito ang magkusa na mag explain sa akin? Pero wala, eh!
Bago ako nahulog sa mahimbing na pagtulog ay may tumino sa utak ko-
Something is wrong with Emily.
==================
Nandito ako ngayon sa bar, dito kasi nagpunta ang sinusundan kong si Emily. Dumiretso ito sa counter at doon ito naupo, pumwesto naman ako sa hindi kalayuan dito. Hindi ako nagpapahalata, pero bawat kilos at galaw nito ay binabantayan ko. Kita kong umorder ito ng drinks at nagsindi ng sigarilyo. First time kong makita ito na mag smoke, though alam ko na naninigarilyo ito, pero never nitong ginawa iyon sa harap ko. Emily look so hot and cool at the same time, bawat puff nito ay napaka seksing tingnan at bawat buga nito ng usok ay makikita ang mystery and danger sa ganda nito, kaya naman hindi na nakakapagtaka na marami sa mga babae at lalaki sa loob ng bar na iyon ang humahangang nagmamasid sa Emily ko. Hindi na ako nakatiis, lumapit na ako dito, at kita ko ang gulat nito ng makita ako."Ali, what are you doing here?" Agad na pinatay nito ang halos kalahati pang sigarilyo.
"Sinundan kita." Pag-amin ko saka naupo ako sa tabi nito.
Sa kaunting liwanag doon ay nakita ko pa din ang pag dilim ng mukha nito. I get it naman na mali ang ginawa ko, kaya lang kasi...
"Umuwi ka na, Ali at wag na wag mo na ulit gagawin ang sundan ako. Kung ayaw mong magalit ako sayo!" Pilit na pagpapakahinahon nito, pero nandoon ang pagbabanta.
"Ayoko! Hindi ako uuwi ng hindi ka kasama." Sabi ko saka tinawag ko ang bartender at humingi ako ng gin tonic.
'Bakit ba? Siya lang ba ang pwedeng mag lasing!' Isip ko saka ininom ko ang shot ko.
Narinig kong bumuntong hininga ito, saka tumayo na.
"Fine! Uuwi na tayo!" Nag iwan ito ng 1K sa counter at nauna ng maglakad.
Napasunod na lang ako, napansin kong madilim ang mukha nito at hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. Never pa akong natakot o na intimidate sa kahit na sinong tao, ngayon pa lang, sa sweet Emily ko na parang no longer sweet na ngayon.
"Mag convoy na lang tayo!" Sabi nito pagdating namin sa parking, ni hindi ito tumitingin sa akin, saka naghanda na itong sumakay sa kotse nito.
"Wala akong dalang car... I took a cab." Nag-aalangang sabi ko.
Bumuntong hininga ulit ito saka sumakay na sa kotse, hindi ko naman maintindihan kung sasakay ba ako o ano. Bigla akong napaigtad ng bumusina ito, binaba nito ang bintana sa passenger side.
"Sasakay ka ba o magka-cab ka na lang ulit?" Pagalit na tanong nito.
Dali-dali na akong sumakay, hindi ko maiwasang mag shiver, dahil hindi ako sanay na ganito si Emily. Nakakatakot! Lalo pa at nakita kong mapupula ang mga mata nito, naisip ko hindi simpleng sigarilyo lang hinithit nito kanina, at yung pamilyar na amoy na iyon na lagi kong naaamoy dito... cannabis yun, eh!
BINABASA MO ANG
Emison fan fic GxG (Completed)
Fanfictionthis has nothing to do with the story in pretty little liars.