Alison's POV
I woke up around 6:50 in the morning, well ganito sadya lagi ang gising ko dahil kailangan kong pumasok sa opisina at asikasuhin ang mga negosyo namin. Napatingin ako sa napakagandang katabi ko, si Emily. Nakadapa ito pero nakapaling sa direksyon ko ang mukha nito. Emily looks so peaceful while sleeping. I put light kisses on her lips, then I got up and get ready to leave. Eksaktong nakabihis na ako ay naisip ko na gisingin si Emily para maisama ko ito sa opisina, tutal naman wala itong gagawin maghapon and gusto ko din itong laging makasama at makita."Baby, wake up." Kiniss ko ito sa lips at bahagya kong tinapik-tapik ang pisngi nito.
"Hmm, why?" Paungol na tanong nito saka ibinaon ang mukha sa unan.
'Oh!Emily, you're so cute and sexy as well.'
"I want you to come with me in my office." Sabi ko.
"But, why?" Tanong lang ulit nito.
I know na inaantok pa ito at masakit ang ulo sa hang over, pero talagang pursigido ako na maisama ito sa office ko, kaya naman-
"Eh, dali na Em, bumangon ka na. Tatanghaliin na ako, o." I said using my charm and authority.
Bumangon na nga ito, ikiniss ko ulit ito, tapos sinabihan kong bilisan at sa kotse ko na lang ito aantayin. Lumabas na nga ako ng kwarto, alam ko naman na kasi na susunod na din ito. After ten minutes ng paghihintay ko sa car ay wala pa din si Emily, kaya naman binusinahan ko na ito ng makailang beses, after another five minutes ay sumakay si Em sa kotse, gusto kong matawa sa matinding simangot na nasa mukha nito, tapos napansin ko na baliktad ang t-shirt nito.
"Babe, baliktad ang shirt mo." Sabi ko na nagpipigil pa rin ng tawa, pero nagulat ako sa naging response nito.
"Ikaw kaya ang businahan ng businahan, mapapansin mo pa kayang baliktad ang suot mo?"
Mula ng magkita kami ulit ni Emily ay ngayon lang ulit ako nasigawan nito and it hurts, pero alam ko naman na kasalanan ko kaya I said sorry, pero hindi nito ako pinansin, sumandal lang ito at natulog na ulit, kaya nag drive na lang ako at ng i-park ko ang car sa harap ng building na pag-aari ng family ko, ay hinarap ko ulit ang natutulog pa rin na baby ko, tapos ay bumaba ako at lumigid sa side nito. I opened the door and I unbuckled her seat belt, at kahit nag-aalangan ako ay muli ko itong ginising.
"Baby, get up. We're here." Sabi ko ng magmulat ito.
Wala itong sinabi pero kumilos na nga ito, at bumaba ng kotse. Inalalayan ko naman ito, nagulat ako ng bigla akong i-kiss nito, pero napangiti ako ng makita kong nakangiti rin ito sa akin.
"What's that for?" I asked her.
"My way of saying sorry, about sa naging outburst ko kanina."
Mas lumapad pa ang ngiti ko dahil ang sweet lang nun for me.
"Hmp! Tara na nga." Sabi ko na lang.
Inakbayan ako nito at magkasama na nga kaming pumasok sa building. Binati kami ng mga guard at ng mga empleyado, pero hindi ko ugali ang mag response, kaya si Emily ang gumawa noon para sa akin. Natawa na lang ako dahil ang cute nito mag sabi ng 'good morning to you, too.'
Pagpasok namin sa opisina ko ay dumiretso na ito sa cr para maligo, ako naman ay nag-utos sa secretary ko na magpa deliver ng breakfast namin ni Emily. Saktong labas ni Em, ay ready na ang mga foods namin. Agad na kaming kumain ang after that ay natulog na ulit si Emily sa couch na nasa isang side ng office ko at ako naman ay inumpisahan ko na lahat ng trabaho ko. Inspired ako dahil nandito sa office ko ang lucky charm at love of my life ko, si Emily. Pag nakakaramdam ako ng pagod ay titingnan ko lang ito, kagaya ngayon, at parang magic lang na nawawala na agad ang pagod ko. Napakalakas talaga ng epekto sa akin ni Emily, kahit tulog ito.
"Knock! Knock!"
Mula sa pagtitig ko kay Em, ay lumipat ang mga mata ko sa babaeng buntis na nakatayo sa may pinto ng office ko, si Cece.
"Oh! hi, come in." Nakangiting sabi ko. "Kanina ka pa ba dyan?"
"Yes, kaya kita ko ang pag ngiti-ngiti mo dyan habang tinititigan mo yang girlfriend mo na lesbian version ni Juan tamad." Sarcastic na tirada nito, bago maingat na umupo sa bangko na nasa harap ng table ko.
Natawa na lang ako sa sinabi nito.
"Bakit ba dito pa dayo ng tulog yang si Emily? Nasunugan ba yan or what so ever, para gawin niyang evacuation center itong office mo!" Gusot ang mukha nito sa inis, habang tinitingnan nito ang walang malay kong mahal.
"Alam mo, Cey. Kung hindi lang napakalaki na niyang tiyan mo, iisipin ko pinaglilinhan mo ang girlfriend ko." Natatawang sabi ko. "At kaya po yan nandito ay dahil yang si Emily ang lucky charm ko."
"Bagwa lang ang peg?" Taas kilay nito. "Naku! Alison, pwede ba ha! Ayoko ngang magkaanak ng kapreng ulikba, no! Eww!" Lalong nagusot ang mukha nito sa inis at pandidiri, kuno.
"Hoy! Cecelia, sobra ka! Maka kapreng ulikba ka naman dyan. Sa ganda ng girlfriend ko, walang-wala ang kahit sinong mga beauty queens at super models, no! Sa height at complexion pa lang taob na silang lahat." Mayabang at proud kong pagtatanggol dito.
"Sabi ko nga! Kaya nga sambang-samba ka dyan, eh. Kulang na lang ipaglagay mo yan ng altar sa kwarto mo. Hmp! Ewan ko talaga sayo, Alison. Napaka mo talaga!" May kasama pang irap at ismid na sabi nito.
"Bakit ka nga pala nandito?" Iniba ko na lang ang usapan at very business like na ang tone ng voice ko pati ang mukha ko.
"Papipirmahan ko itong mga ito sayo." Ipinatong nito sa table ko ang tatlong folders.
"Nakita na ba ito ni kuya Jayson?" Tanong ko habang pinapasadahan ko ng tingin ang bawat isa.
"Oo, at aprubado na yan sa kanya."
Ilang saglit ko pang i-bri-nows ang mga iyon saka ko pinirmahan isa-isa. Ibinalik ko na ang mga iyon dito pagkatapos.
"Thanks." Sabi nito, saka marahan na ulit na tumayo.
"Kaya mo ba." Napatayo ako para alalayan ito, dahil kita kong hirap na hirap ito sa malaking tiyan nito.
"Sister, I can manage. Bantayan mo na lang iyang 'Bagwa' mo at baka maghasik pa iyan dito ng lagim."
Humalik lang ito sa pisngi ko at kahit na hirap na hirap ito sa paglalakad ay nakuha pa nitong kumanta ng 'may uwi si nanay sa bahay'. Naiiling at natatawa na lang akong bumalik sa table ko.
BINABASA MO ANG
Emison fan fic GxG (Completed)
Fanfictionthis has nothing to do with the story in pretty little liars.