Emily's POV
Wala pa din akong kotse hanggang ngayon, hindi pa napapalitan ni Dad yung car ko na winasak ng mga alam ko na kung sino, kaya naman inaantay ko ngayon si Toby, siya kasi ang naging instant school service ko. Haha. Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko, dahil narinig ko na ang busina ni Toby."Mom, alis na po ako." Pamamaalam ko.
"Sige. Honey, take care. Sabihin mo kay Toby ingat sa pag da drive."
"Yes mom, bye."
==================
"What's sup, Tob?" Masiglang bati ko, pagkasakay ko sa passenger side.Nilingon ako ni Toby, nakangiti.
"Hyper natin, ah." Comment nito bago inistart na ang kotse.
Hindi naman nawawala ang ngiti ko sa labi, ewan ko ba, pag gising ko ang gaan-gaan ng feeling ko.
"Toby, pwede bang dumaan tayo saglit sa flower shop." Maya-maya ay request ko dito.
Lumingon ito saglit sa akin, saka nag focus na ulit sa pag da drive.
"Bakit, inutusan ka ba ni Tita Pam na bilhan ulit ng bulaklak si Alison?"
"Hindi, gusto ko lang bigyan ng flowers si Alison.... peace offering."
"Kelan mo ba kasi sasabihin sa akin iyong naging kasalanan mo kamo kay Alison?"
Wala pa din kasing alam si Toby sa nagawa ko na kasalanan kay Alison.
"Pag ready na ako."
"Ala! Ay hindi ko 'to idadaan sa flower shop."
Tumingin ako dito, bahagya itong nakanguso, natawa naman ako. Kasi naman ang laki nitong lalaki para mag-inarte ng ganun, ang pangit lang kaya! Haha
"Toby Cavanaugh, umayos ka nga! Ampangit mo, promise!"
"Hmp!" Irap nito.
Anlakas ng tawa ko.
"Para kang bading, Tobias! Kakahiya! Sasabihin kita kay Spencer." Birong pananakot ko dito.
Pabigla at seryoso na lumingon ito sa akin.
"Hoy! Hindi ako bading, ha. Oo na, idadaan ko na ito sa flower shop, pero hindi dahil sa sinabi mo, kundi dahil bibilhan ko si Spencer ng flowers, liligawan ko na siya."
"Amen!"
=================
Pagdating namin sa school ay nagpasalamat lang ako kay Toby, at dumiretso na ako sa pinagpaparkan ng kotse ni Alison. Wala pa ang kotse nito kaya doon na lang ako naghintay, sumandal ako sa kotse na ang alam ko ay kay Hanna. Kinakabahan ako at hindi ko maintindihan kung ibibigay ko pa ba ang bulaklak na ito, o ano. Aalis na sana ako ngunit natanaw ko na ang kotse ni Alison, ipinark na nito ang sasakyan at sa paningin ko ay naging slow motion ang pag labas ni Alison sa kotse nito, nakatingin lang ako dito hanggang tuluyan na itong nasa labas ng kotse. Nginitian ako nito ng makita ako. Ngayon ko lang ito natitigan ng husto- ang buhok nitong perfect blonde na may kulot sa dulo, ang napaka impressive na mata nito na color blue, matangos na ilong, natural na mamula-mulang pisngi at labi, ang napa cute na dimple, ang seksing curve ng katawan, ah basta! ang lahat kay Alison ay perfectly beautiful, wala man lang akong makitang kapintasan sa physical nitong kaanyuan.Nagulat ako ng bahagyang itikom ni Alison ang bibig ko, hindi ko na namalayang nakalapit na pala ito sa akin, at lalong hindi ko napansin na literal na pala akong napanganga sa kagandahan nito.
"Don't you know na rude ang tumitig?.... lalo na pag nakanganga." Sarcastic na sabi nito habang may naglalarong ngiti sa lips nito.
"S-sorry." Napahiya naman ako.
"It was a joke, Em." Bawi nito ng mapansin ang pagkapahiya ko. "Is this for me?"
Tukoy nito sa bulaklak na hawak ko.
"U-uhm, yes." Inabot ko dito ang boquet.
"They're beautiful." Nakangiti nitong dinala sa dibdib ang mga iyon at bahagyang inamoy. "I'm hoping na hindi ito sa mom mo galing."
"Oh, no... sa akin galing yan." Mabilis kong sabi, saka hindi ko napansin na napakamot na pala ako sa batok ko. "Uhm... A-Alison, ano kasi-"
Tumingin ito sa akin at naghihintay ng sasabihin ko.
"Uhm, hindi pa kasi ako nakakapag apologize sa mga nagawa kong mali sayo... uhm, sana sa pamamagitan ng mga bulaklak na yan ay tanggapin mo ang sorry ko." Kahit kabado ay sincere na sabi ko.
Pagkatapos kung sabihin yun ay yumuko ako, naghihintay ako ng sasabihin ni Alison, habang tuloy pa rin ako sa pagkakamot sa batok ko. Alam ko kasing titig na titig ito sa akin.
"I don't know what you want me to say."
Napatingin ulit ako dito.
"How about you say that you accept my apology." Lakas loob kong sabi.
Ngumiti ito, saka biglang yumakap sa leeg ko, nagulat ako pero agad din akong nakabawi, at nakangiti na din akong gumanti ng yakap dito.
"Pasalamat ka, Emily at favorite pa din kita."
Nakangiti pa ding sabi nito, matapos kaming mag bitiw sa yakap.
"Hoy! Love birds, tama na muna yan at mali-late na naman kayo."
Parehas kaming napalingon kay Hanna na malaki ang ngiti kagaya nina Cece, Aria, at Spencer na may hawak din na flowers, katabi nito si Toby na nag thumbs up pa sa akin.
Inilahad ko ang palad ko kay Alison na agad namang tinanggap nito, kaya magka holding hands na pumasok na kami sa school building.
BINABASA MO ANG
Emison fan fic GxG (Completed)
Fanfictionthis has nothing to do with the story in pretty little liars.