Alison's POV
Masaya ako na muli kong nakita si Shar, until dumating si Em para sunduin ako. Kitang-kita ko kung paanong namutla ang mukha ni Emily na parang nakakita ng multo ng makita nito si Sharpay. Kita ko din kung paano tumingin si Shar sa girlfriend ko. Sa buong durasyon na iyon ay pasimple akong nag-oobserba sa dalawa, pati paghalik ni Shar kay Em ay kita ko din, sinadya ko kasing mauna ng sumakay, para mas makita ko kung ano pa ang posibleng gawin ng mga ito. Hindi lang ako nagtatanong, dinadaan ko na lang sa pagtawa at pagkikwento ang nararamdaman ko, but I know and I'm sure that I smelled something fishy!Pero nagtataka ako, eh! Kasi hindi naman magkakilala yung dalawa, well atleast yun ang pagkakaalam ko. Shit! Nasakit ang ulo ko sa pag-iisip! Natatakot naman akong magtanong. Ano ba naman kasing pinakain ni Emily sa akin at nagka ganito ako?
==================
Girls night out na ulit naming lima, just the usual, at napansin ko na parang naging usual na din ang pagiging tahimik at walang kibo ni Hanna. Bigla na lang pumasok sa isip ko yung gabi na hinatid nito si Emily sa bahay, at lumakas lalo ang kutob ko na may kinalaman ang girlfriend ko sa biglang pagbabago nito.'I need to know!'
"Han, are you alright?" Tanong ko dito saka pinatong ko ang kamay ko sa may hita nito, and I swear halos tumalon ito sa gulat. "Hey!" Pagpapakalma ko dito.
"I have to go." Yun lang at umalis na nga ito.
Nagkatinginan naman kaming apat at parang mga nagtatanong ang mga mata ng mga ito kung anong nangyari. Nag kibit-balikat na lang ako. Hindi naman na ako inusisa pa ng tatlo. Kaya ito nahulog na naman ako sa malalim na pag-iisip.
==================
Aria's POV
Nandito ako ngayon sa tapat ng pinto ng bahay nina Hanna, after ko manggaling kina Spencer, ay dito ako dumiretso. Alam kong late na pero hindi ko na pwedeng ipagpabukas pa ang pag-uusisa ko kay Hanna. Pinindot ko ng tatlong magkakasunod ang doorbell, tapos sinabayan ko pa iyon ng pagpapa ring sa number ni Hanna. Bago naman maputol ang pagtawag ko ay sinagot na nito iyon."Hanna, buksan mo ang pinto nandito ako, ngayon na!" Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito.
Saglit lang at nag bukas na ang pinto, naka ternong panjama at pupungas-pungas na Hanna ang bumungad sa akin. Hindi na ako nag hintay na iinvite ako, nagkusa na akong pumasok at dumiretso ako agad sa hagdan patungo sa kwarto nito, alam kong nalilito ang kasunod kong si Hanna.
"Aria, care to explain this!" Sabi nito sa akin ng maabutan nito ako na nakaupo na sa gitna ng kama.
"Ako ang dapat magsabi niyan, Han."
"W-what do you mean?"
Baghagyang nag stammer at medyo umilap ang mata nito, at alam ko na gets na nito kung anong ibig kong sabihin, dahil infairness naman dito kay Hanna after 5 years ay nag improve na ang level ng IQ nito, hindi na ito gasinong slow, medium slow na lang ito. Haha... okey, back to the real deal.
"Anong nangyayari sayo? Pwede paki explain ng mga kinikilos mo at ng mga hindi mo pag imik at ang mga pag iwas mo sa aming mga bestfriend mo."
"Ar, I don't know k-kung ano yang mga pinagsasabi mo... ano ka ba? I'm still the same." Nagpakawala pa ito ng obvious naman na fake na chuckle.
"No your not." Giit ko, saka lumapit ako dito at inakay ko ito paupo sa kama. "Han, you know you can tell me anything, I'm your bestfriend." Nag-i-encourage at sincere na sabi ko.
Yumakap ito sa maliit na body frame ko, ni rub ko naman ang hair nito pababa sa back nito para ma-i-comfort ko ito. Saglit pa at naringgan ko ito ng mahinang sob, tapos ay ituloy ko lang ang pag comfort ko dito at lalo itong umiyak.
"Shhh, it's alright. Iyak ka lang." Malumanay na sabi ko dito.
Bakit nga ba ako ang pumarito para dito kay Hanna? Dahil sa aming magkakaibigan ay ako ang compassionate, kaya mas naiintindihan ko kung ano man ang mga pinagdadaanan ng kahit sino sa mga kaibigan ko, at ngayong may problema si Hanna, gusto kong malaman iyon at gagawin ko ang lahat para makatulong.
"Aria, ang sama-sama kong tao!" Sabi nito matapos bumitaw sa akin.
"No! Han, don't say that. Maaring playful ka, pero hindi ka masamang tao."
Ang iniisip ko ay yung tungkol sa pakikipagrelasyon nito ng sabay sa dalawang lalaki.Matagal na natahimik ito, matiyaga naman akong naghihintay ng sunod na sasabihin nito.
"I had sex with Emily."
Napakahina ng pagkakasabi nito at nakayuko pa ito, pero parang bomba na sumabog iyon sa pandinig ko. Napakurap-kurap ako, napalunok at parang bigla wala na akong makapang sasabihin. Nakanganga lang ako ng may kung ilang minuto din siguro. Hanggang- ah, iyon kailangan ko pala na makasigurado.
"You don't mean our Alison's Emily, right?" Ewan ko pero abot-abot ang dasal ko na sana sabihin nito na kapangalan lang ng lover ni Alison ang Emily na di umano'y naka-sex daw nito.
"Si Emily Fields, ang girlfriend/live in partner/love ng bestfriend nating si Alison ang naka-sex ko, Aria!"
"Now, malinaw na." Tumatango-tango ko pang sabi, pero ng mag sink in sa understanding ko ang sinabi nito ay natampal ko ang noo ko. "What? Paanong nangyari? Alam ba ito nina Caleb at Travis? Ano ba namang pumasok dyan sa utak mo, Hanna Marin?" Pinagsasaktan ako ng ulo sa babaeng 'to. Grabe, promise!
Nagkwento na nga ito.
"So you mean, all this time ay ginamit mo lang sina Caleb at Travis para mapagtakpan mo ang feelings mo kay Emily? Tapos ng may nangyari sa inyo ay hiniwalayan mo na ang dalawa?" Hindi makapaniwalang tanong ko ng matapos itong mag kwento.
"Oo, Aria... high school pa lang tayo ay may gusto na ako kay Em, kaya nung gabi na yun na hinalikan niya ako at sinabihan niya akong gusto daw niya ako ay hindi ko na napigilan ang sarili ko." Pag ku-confess nito. "God knows, Aria kung paano kung pinilit na ibaling sa iba ang pagmamahal ko kay Emily, pero walang nangyari kahit pa dalawa na ang pinagbalingan ko."
"So, seryoso ka pala noong sabihin mo dati kay Ali na kung ayaw na kay Emily ay ipasa na lang sayo?"
Tumango ito, napailing naman ako. Pambihira lang kasi talaga, eh!
"Aria, anong gagawin ko?" Tanong nito habang nagngangatngat ng kuko, mannerism nito pagkabado ito.
"You need to talk to Ali."
"What?... no!" Halos humiwalay sa katawan nito ang ulo nito sa tindi ng pagkakailing.
"Han, you can't keep this as a secret, sooner or later malalaman din ito ni Ali." Seryosong sabi ko.
"Pero magagalit sigurado si Ali."
"Sa umpisa sigurado yun, baka nga mapatay ka pa ni Ali." Biro ko, pero parang hindi, eh. Knowing Alison DiLaurentis- pero kailangan kong palakasin ang loob nitong si Hanna. "Pero magkakaibigan tayo Hanna, halos magkakabit na nga ang mga pusod nating lima." Sinamahan ko pa iyon ng maiksing tawa. "Mapapatawad ka din ni Ali. Basta ipaliwanag mo lang ng husay sa kanya."
"Paano si Em?"
I rolled my eyes!
Isip ko, ano bang meron yung Emily na iyon at kagaling manungkit ng puso ng mga babae!
"Wag mo ng intindihin yun! Alalahanin mo si Emily ang naging dahilan ng pagtatago ni Ali ng limang taon at ngayon nga possible pa na masira ang friendship ninyo ni Ali." Nakataas na ang kilay ko at naiinis na ako sa Emily na yun!
Hindi na ito umimik hanggang sa maghanda na kaming matulog. Naki tulog na ako dahil lampas alas-dos na ng madaling-araw kami natapos sa pag-uusap.
BINABASA MO ANG
Emison fan fic GxG (Completed)
Fanfictionthis has nothing to do with the story in pretty little liars.