Emily's POV
Okey, I'm getting ready na para sa pag punta ko sa batch reunion namin. Well, I don't know kung magwo-work itong move ko, pero kasi wala na akong maisip na ibang effective na move, eh.Susubukan ko na sana yung aksidenteng magkakabungguan kami nung minsang sundan ko ito sa coffee shop, pero hindi ko na tinuloy at masyadong napaka unreal.
Naisip ko na din na pumunta na lang sa bahay nito, with matching flowers and chocolates, pero parang hindi, eh medyo awkward.
Dapat kukuha na lang ako ng appointment sa secretary nito, pero ano namang sasabihin ko? Na nalulugi na ang puso ko at kailangan naming mag merge para hindi tuluyang mag fail ang heartbeat ko? An cheezie naman!
Shit lang talaga!
Napakahirap namang magpakita sayo Alison DiLaurentis.
Kinunfirm naman na sa akin ni Mona na dadating si Ali. Aba! Eh, kung hindi ipapa cancel ko iyon, at hihingi ako ng refund. :-)
Ayan tapos na, take a final look.
Cowboy hat - check
Invitation scarf - check
Polo and blazer - check
Super thight jeans na naka tuck-in sa cowboy boots - check
Light make-up and cool hairstyle - checkOkey perfect!
"This is it, Emily! It's now or never!" Pagkausap ko sa sarili ko.
I took a deep breath, and kinuha ko na ang susi ng 'baby ko', yan ang tawag ko sa gift na car sa akin ni Ali. Walang pakealamanan baby ko talaga yun. Well maintained yun palagi, doon man lang maipakita kong inaalagaan ko siya.
==================
Alison's POV
"Ali, are you sure, you want to go there?" For almost a hundredth times na yatang tanong ni Cece sa akin.Mula pa iyon nung mag start ako mag-ayos at mag bihis, ngayon nga, e tapos na ako, sinisipat ko na lang ang sarili ko sa life size mirror, para masigurado kong all is perfect.
Hinarap ko na si Cece, napangiti ako kasi ang cute pala pag buntis tapos naka cowboy outfit. (LOL)
Well, hindi ito naka jeans, naka checkered na maternity dress ito, tapos may cowboy hat, tapos yung invitation scarf na naka tali sa leeg at naka boots. Ang cool!"Cey, I told you already. Oo pupunta ako, pupunta tayo." Muli akong humarap sa salamin para purihin ang sarili ko sa isip ko. "Isipin mo na lang, hindi kompleto ang reunion na iyon kung wala ang Queen, di ba?" I said with matching playful flip of my hair pa.
Dinadaan ko sa biro, pero sa totoo lang parang may karera ng mga kabayo sa loob ng dibdib ko ngayon, dahil sa alam ko na malabong hindi kami magkita ni Emily doon. Iniisip ko kung paano ko ba ito pakikiharapan kung sakali. Anong sasabihin ko halimbawang magkausap kami, mga ganun. Kasi alam ko sa sarili ko na si Emily pa rin ang laman ng puso ko sa kabila ng sakit na binigay nito sa akin at sa madaming taon na lumipas na hindi ko ito nakita ay nanatili ito sa puso at isip ko, ito lang ang sa tuwina'y laman ng mga panaginip ko.
"Eh, kung ganun, eh di tayo na." Excited na sabi na ni Cece.
Saka umuna na, sumunod na lang din ako. Ako ang driver, since buntis nga itong sister-in-law ko.
=================
"God! Paano ba ako makakapag-party-party nito, eh ang laki ng tiyan ko." Himutok ni Cece ng i-park ko na sa tapat ng venue ang kotse.Narinig na kasi nito ang malakas na music na galing sa loob. Tiningnan ko lang ito, saka magkasabay na kaming lumabas ng kotse.
Nakakapit ako sa braso ni Cece ng pumasok kami sa venue, agad naman naming nakita ang tatlo na sadyang nag-iintay sa amin sa entrance kasama ang mga date ng mga ito, si Spence at si Toby, si Hanna ay si Caleb ang kasama dahil ito ang ka batchmate namin, si Aria ay parang kami lang ni Cece, solo flight.
Madami ang sumalubong at bumati sa amin, particular sa akin. Sige lang naman ako sa pag ngiti at pag bati din. Nag mature na naman kasi ako, hindi na ako ang 'mean na evil-bitch Queen bee' ng D.L.I.S. kita ko namang napanatag ang lahat sa genuine smile ko. Inilibot ko ang tingin sa venue, dahil syempre may hinahanap ako.
Sino pa ba?
And there, natanawan ko na ito, pero may kasama ito... wait!... si Pigskin? I mean si Paige Mc Cullers. WTF!!!!
Emily's POV
Kita ko ng dumating si Alison, kasama ang bestfriend/hipag nitong si Cece na buntis na naman. Gustong-gusto kong lapitan si Alison, kuhanin ang kamay nito at dalhin ito sa dance floor, para maisayaw ko ito ng sweet, pero pinalibutan na ito halos ng lahat. Tila ba lahat ng tao dito ay na magnet na ng ngiti nito.'Ang tagal namang makipagbatian ng mga ito!' Tukoy ko sa mga ka batchmate namin.
Gusto kong isigaw sa lahat na hindi ko naman ito ipina organize para makasalamuha ninyo ang Alison ko, ginawa ko ito para kami ni Ali ang mag kumustahan at kung maaari ay magkaayos at magkabalikan na. Sa inis ko ay pumunta na lang ako sa bar counter at uminom na lang ako, alam ko kasi kailangan ko ng push para malapitan ko si Ali at itong si brandy ang magtutulak sa akin.
Nakalimang shots na ata ako ng may biglang lumapit sa akin. Pagtingin ko... Shit! si Paige!
"Em, are you trying to make yourself drunk?" Tanong nito, saka inagaw sa akin ang baso.
"Ano bang pakialam mo? Akin na nga yan!" Binawi ko ang baso ko dito saka agad ko iyong ininom.
Tapos kumuha ulit ako ng isa pang shot, aagawin sana ulit ito ni Paige, pero agad na akong tumayo.
"LEAVE ME ALONE, PAIGE!" Sigaw ko dito.
Kita kong napatingin sa amin ang lahat, pati si Alison, great! Nakuha ko din ang atensyon nito.
Lumakad na ako palayo kay Paige at palapit kay Ali. Hindi ko binibitawan ang tingin ko dito. Tapos nasa harapan na ako nito, at hindi ko alam kung nalunok ko na ba ang dila ko, dahil wala man lang akong makapang salita, nakatitig lang ako kay Ali, at ganun din ito sa akin, parang bigla kami na lang dalawa ang nandito. After ng ewan kung ilang minuto ang lumipas ay nakuha ko na din na makapag salita.
"Hi!"
Wow! One word lang talaga? After five long years, hi lang talaga ang tanging lalabas sa bibig ko.
'You are such an idiot, Emily!'
"It's good to see you, Emily." Nakangiting sabi nito sa akin.
Pero bakit parang ang cold?
Tanga ka ba? After ng nangyari sa inyo, five years ago, mag eexpect ka ng warm welcome! Kumusta ka naman? Sadyang kinausap ako ng sarili ko.
"I'll see you around."
After that, iniwan na ako ni Alison na para pa ding tanga na nakatayo doon. Gusto kong sabunutan ang sarili ko.
'Don't worry, Em. The night is still young. Mahaba pa ang oras mo para makalapit kay Ali. Good start na iyong paglapit mo at pag say mo ng hi, in fact ngumiti na siya sayo.' Pag console ko sa sarili ko, saka ininom ko na lang ulit ang alak na hawak ko.
=================
Wala na akong ginawa kundi ang pagmasdan ang bawat galaw ni Ali, habang ini-enjoy ko ang company ni brandy, hindi ko na alam kung naka ilang shots na ba ako, pero feeling ko lang ha, eto na yung push na kailangan ko, feeling ko sapat na ang lakas ng loob ko para muling lumapit kay Ali.Pinilit kong tuwidin ang tayo at lakad ko at lumapit na nga ako sa table nina Alison, kasama nito doon ang mga kaibigan nito at nagkekwentuhan at nagtatawanan ang mga ito.
"Ali, can I have this dance?"
BINABASA MO ANG
Emison fan fic GxG (Completed)
Fanfictionthis has nothing to do with the story in pretty little liars.